NABANGGIT ni Amanda kay Phoebe ang tungkol sa bagong girlfriend ni Justin, na parang seryoso na sa pagkakatao’ng iyon. Na iba si Samantha sa lahat ng babae’ng ipinakilala sa kanya ni Justin. Hindi pa niya nakita ang kaibigan na sobrang attentive sa isang babae. Ang mga babae ang parating nag-aasikaso rito pero kay Samantha, kabaligtaran. Simula nang ipakilala sa kanya ni Justin si Samantha, wala na itong ibang babae’ng bukambibig kundi Samantha, Samantha, Samantha. At sa tingin niya ay wala na rin itong ibang dini-date ngayon. “Sa tingin ko, nagbago na nga siya.” “Okay lang sa’yo na may bagong girlfriend si Justin?” Tiningnan lang siya ni Phoebe bago tuluyang pumasok sa kanilang unit. Inimbitahan niya ito para tikman ang bago niyang banana cake recipe. “Bakit naman hindi magiging oka

