Lean On My Shoulder Chapter One

4499 Words
1 year before TIMMY'S POV Hay, heto ako ngayon papunta sa bahay ng amo ng nanay ko. Ipapakilala daw kasi ako ni nanay dahil sila daw ang magpapaaral sa akin sa isang exclusive school sa Manila. Lahat daw ng mga nag-aaral doon ay mga mayayaman. Kaya halu-halo ang aking emosyon. May halong excitement dahil magcocollege na ako. Heto na kasi ang aking stepping stone para maabot namin ni nanay ang pangarap naming dalawa ni nanay. At may halong takot dahil makakahalubilo ang ng mga susyal at mayayamang mga estudyante. Hindi ko alam kung papaano ako makikitungo sa kanila dahil hamak na mahirap lang ako. By the way, i'm Timmy Boy Tamayo Mercado 18 years old. Graduate na ako ng Grade 12 sa isang Public School with Highest Honor at maraming mga special awards. Dalawa nalang kami ni nanay Belinda o mas kilalang nanay Bebet. Si nanay ay isang kasambahay sa isang mayaman na pamilya dito lang din sa maing probinsya. Kaya ako lang ang namumuhay sa bahay namin. Isa akong responsableng tao, oo, masasabi ko yun dahil school-bahay lang ako, at mahilig mag-aral. Sabi nga ng mga kaklase ko introvert daw akong tao. Pero mabait naman ako sa kanila dahil tinutulungan ko sila kapag nahihirapan sila sa subjects namin. Pero never akong nagpapakopya sa kanila. Kapag mga kaklase ko ang nagpapatutor ay libre lang pero hindi naman sila papayag na wala silang maibigay sa akin kahit na pagkain or kahit ano; minsan lunch, minsan miryenda o kaya naman mga chocolates at marami pang iba. Kumukuha rin ako ng mga tutees ko para naman makabawas sa gastuhin ni nanay. Ayoko nang umaasa lang kay nanay. Di ko masasabing matalino ako, sadyang masipag lang talaga ako mag-aral o magbasa-basa ng libro. Yun ang hilig ko kasi eh. Kaya walang nagtatangkang kausapin ako dahil libro lang ang hawak ko. Pero friendly naman ako. Sadyang konti lang ang mga taong pinagtutuunan ko ng pansin kapag ako ay makikipag-usap. Ang boring kong tao no, . Matanda na si nanay, kaya naaawa ako sa kanya dahil may sakit pa syabg high blood. Si tatay naman ay namatay na dahil sa sakit sa puso. Alam nyo bang si tatay ang unang nakaalam na bakla ako? At take note, hindi ako pinagalitan bagkus niyakap nya lang ako at sinabi nya sa akin noon na, "tanggap kita kahit ano ka pa. Dahil ikaw ang anak kong kaya kong maipagmalaki dahil sa katalinuhan mo at kapursigi mong mag-aral. Dami mo kayang achievement! Isang responsable, mabait at may takot sa Diyos kaya ang anak ko. Kaya lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni tatay". naturingan pa naman akong bakla. Even if i'm gay, marami pa ring nagkakacrush sa aking mga babae dahil manly daw ang awra ko. Maraming nagpapapansin pero di ko naman pinapansin dahil lalaki talaga ang gusto ko. Meron din akong mga manliligaw na mga bisexual pero takot ako sa commitment. Takot ako mainlove. Baka kasi iyon ang dahilan ng pagkapariwara ko sa aking pag-aaral. Pero kahit na ganito ako ay meron pa rin naman akong crush. Straight sya, pero nung nanligaw sya ay binusted ko kaya yun lumayo na sya sa akin. Nakakapanghunayang pero okay na rin sa akin. Alam nyo na story ko? Kaya back to the story na tayo. Nandito ako ngayon sa CLSU dahil makikipagkita ako sa bestfriend kong college na. May ibibigay daw sa akin bago ako lumuwas sa Cabanatuan. Mahal na mahal kasi ako Ramon as bestfriend, na isa ring bakla. May kaya sya kaya kahit anong pwede nyang ibigay sa akin ay naibibigay nya. Ngayon nga ay bibigyan daw nya ako ng pandagdag pamasahe ko at isang material gift para daw souvenir naming dalawa. Mag-e-stay na kasi ako sa Cabanatuan ng 2 weeks at luluwas na ako ng Manila after ng 2 weeks sa Cabanatuan kaya matagal bago kami magkita ni Ramon. Krrrrriiinnnngggggg! "Hello nay, napatawag po kayo?" Bungad ko kaya nanay sa kabilang linya. "Anak, wag ka nang bumyahe papunta rito. Kasi papunta ngayon ang anak nila Mr. And Mrs. Santillan d'yan sa CLSU para sunduin ka" sagot sa akin ni nanay. "Ganun po ba? Sige po nay, puntahan ko lang po pala si Ramon. Sabihin nyo nalang po na sa second gate nila ako puntahan" sabi ko kay nanay. "Oh sige anak, sabihin ko. Ingat ka dyan ha. Magkita nalang tayo mamaya" wika ni nanay. "Sige po nay. Babye po" sabi ko kay nanay. Dahil sa malaking maleta ang dala ko at isang malaking backpack ay ipinaiwan ko nalang muna sa USF ang damit ko para naman hindi hassle para sa akin ang papamasyal na rin sa school na ito. Pangarap kong mag-aral dito eh. Pero dahil gusto ng magpapaaral ako na doon sa manila ako mag-aaral ay igagrab ko nalang ang opportunity. "Bakla!!!!" Isang sigaw ang aking narinig mula sa aking liluran. Napairap nalang ako dahil alam ko na kung sino ang demonyong iyon, si Ramon!? Lumingon ako sa aking likuran para makita sya. Tumakbo sya papalapit sa akin at niyakap nya ako nang makarating sa pwesto ko. "Bakla! Ang bongga-bongga mo na! Mag-aaral ka na sa isa sa pinakamahal na University sa Pilipinas! Sana kapag nakakilala ka na ng mga friends mong mga mayayaman dun! Wag mo akong kakalimutan hah" wika sa akin ni Ramon. "Syempre naman bakla! Ikaw pa! Bestfriend kaya kita" sagot ko sa kanya. "Alam mo, mamimiss kita! Wala na akong mapagtutulugan na bahay! Wala na akong makakakwentuhan at kasamang manood ng movie" malungkot na sabi sa akin ni Ramon. "Ummm, ikaw rin naman bakla. Mamimiss ko ang kakingayan mo. Basta palagian nalang tayong magvivideocall para naman hindi natin mamiss ang isa't-isa" nakangiti kong sagot sa kanya. Pero deep inside ay sobrang lungkot ko dahil mahihiwalay ako sa bestfriend ko!? "Besfriend!" Sigaw ni Ramon sa akin. Niyakap nya akong muli at naramdaman kong umiiyak na sya. "Bestfriend naman eh! Bakit ka umiiyak?!" Iritang tanong ko sa kanya. Dahil sa pag-iyak nya ay pati ako ay napaiyak na rin. "Bestfriend kasi! Mamimiss talaga kita!" Sagot sa akin ni Ramon. "Ako din bestfriend" sagot ko. "Hay! Maupo nga muna tayo!" Wika ni Ramon. Umaklas sya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang kanyang mga luha. Kaya naghanap kami ng pwedeng mapag-uupuan. At dun kami nagchikahang dalawa. "By the way girl, heto na ang ibibigay ko pala para sayo. Bracelet and 2 thousand pesos" nakangiting wika sa akin ni Ramon sabay abot ng mga ibibigay nya sa akin. "Friend, di ko na tatanggapin ang pera mo kasi, susunduin naman ako ng anak ng amo ni nanay eh" sagot ko sa kanya. "Ano ka ba?! Eh di personal money mo nalang yan!" Sagot naman ni Ramon at hindi nga nya tinanggap ang perang binabalik ko sa kanya. Alam kong di magpapatalo si Ramon kaya kinuha ko nalang. Isinuot ko na rin ang bigay nyang bracelet na may pendant na kalahating heart. "Ayan! Parehas tayo! Kaya heart ang binigay ko sayo dahil kapatid kita. Tayo ang bubuo ng ating mga puso as bestfriend!" Sabi pa ni Ramon. "Salamat talaga Ramon ha" sabi ko sa kanya. "Ano ka ba! Wala yun! Basta ikaw" sagot naman nya sa akin. Kkkkkkrrrrriiiiiinnnngggg! "Anak malapit na ang ank ni ma'am at sir" bungad na wika sa akin ni nanay. "Sige po nay! Hintayin ko nalang po sila" sagot ko naman. Binaba ko na ang aking cellphone. "Friend! I need to go na ha! Malapit na kasi ang sundo ko eh" paalam ko sa aking besfriend. "Totoo ba?! Halla!? One more hug naman" sabi nya sa akin at nagyakapan na nga kaming dalawa ng napakahigpit. "Goodbye friend!" Paalam ko sa kanya. "Goodbye my friend" nakasimangot na wika sa akin ni Ramon. "Halla! Papabaunan mo ko ng ganyang mukha?!" Irita kong tanong sa kanya. "Syempre malungkot nga ako" sagot naman nya sa akin. "Smile ka na! Bago ako umalis" pakiusap ko sa kanya. "Heto na nga" sagot nya at nag smile na nga sya ng napakalaki. Tumayo na ako at pumunta sa USF para kunin ang maleta ko. Nang makuha ko ang maleta ko ay naglakad na ako papuntang Second gate para hintayin ang sundo ko. Hindi ako masyadong makabilis ng paglalakad dahil na rin sa mga dala-dala ko lalo na at nandito ako ngayon sa pathway na naglalakad. Habang ako ay naglalakad ay napansin ko ang isang uugod-ugod ng matanda na hirap na hirap na sa kanyang paglalakad. Gusto ko syang tulungan pero ang dami ko namang dalawa kaya hinayaan ko nalang. Pero habang papalapit ako sa kanya ay bigla syang natumba dahil sa binunggo sya ng isang lalaki na nagmamadaling naglalakad. Binitawan ko ang maleta ko. "Hoy! Gago! Binunggo mo na nga ang matanda di mo pa tinulungan!" Sigaw ko sa lalaking bumunggo sa matanda. Pinuntahan ko ang matanda para itayo ito. "Okay ka lang ba nanay?" Tanong ko sa matanda habang itinatayo ko sya. Ang lalaki naman ay napahinto at pinapanood lang nya kaming dalawa ng matanda. "Wow ha! Ikaw na nga may kasalanan ikaw pa itong hindi tumutulong?!" Galit na sigaw ko sa lalaking yun. "Hayaan mo na anak" awat naman sa akin ng matanda. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. Kahit papaano ay marami naring tumulong sa akin para alalayan ang matanda. "Sorry! But i need to go!" Wika ng lalaking nakabunggo. Pagkatalikod na pagkatalikod nya ay kinuha ko ang isang plastic bottle sa aking backpack na may halos kalahati na ang laman at binato ko sa lalaki. Saktong-sakto naman sa ulo nito. Butinga sayo!. "Ano ba?! Nagsorry na nga ako diba?! Nagmamadali ako oh!" Galit na sigaw sa akin ng lalaki. "Hoy ikaw lalaki ka! Wala ka ba talagang puso?! Kahit na nagmamadali ko or what! May kasalanan ka kaya dapat mong gawin ang responsibilidad mo! Wala kang awa!" Sagot ko naman sa kanya. "Whatever! Sorry! Sorry! Sorry! Sorry!" Sigaw ng lalaki at tumakyas na sya papalayo sa amin. "Hambog! Bastos! Matamaan ka sana ng kidlat!" Sigaw ko sa lalaking yun!. --- KYLE'S POV "Hay! Nagugutom na ako my wife!" Reklamo ng driver ko. Kanina kasing pinapakain ko sya ng umagahan ayaw nya! Nagkape lang! Sya nga pala! Katatapos lang namin ng academic year namin! Tapos na namin ang pagiging second year college! Kaya heto kami, bakasyon is real kaming dalawa ni Red. Dahil future husband ko na sya ay sumamasya sa akin dito sa probinya para magbakasyon. Ayaw mapalayo sa akin eh, kaya pagbigyan nalang natin. "Sunduin muna natin yung anak ni nanay Bebet. Nakakahiya naman, kanina pa naghihintay siguro yun" sagot ko kay Red. "Okay fine. Basta mamaya kakain na tayo ha after natin syang masundo" wika ni Red. Actually malapit na kami, dalawang kilometro nalang siguro at makakarating na kami sa second gate. Nagpatuloy lang kami sa byahe habang pinagmamasdan ko ang matatayug na puno ng acacia na nagsisilbing payong ng daan. Nakakamanghang pagmasdan dahil para kang nagdadrive sa gubat! Ang ganda! Green na green sinamahan pa ng mga tanim na palay sa gilid ng daan. Nang makarating na kami sa second gate ay nagpark muna kami Red bago hanapin ang anak ni nanay Bebet. Si kuya Bryle kasi! Di pa sinundo, pauwi naman na sya. At take note! Kanina pa sya dito sa CLSU. badtrip daw sya kaya ayaw nyang sunduin. Nakita namin kaagad ang anak ni nanay Bebet na nakaupo sa shed. Alam kong sya yun dahil sya lang naman ang may dala-dalang maleta. Lumapit kami ni Red doon. Nakakainis man ang mga babaeng nakatingin sa asawa ko ay hinayaan ko nalang dahil mas importanteng masundo ang anak ni nanay Bebet. "Are you Timmy?" Tanong ko sa nakabusangot na lalaki. "Ah, oo ako po. Kayo po ba ang magsusundo sa akin?" Sagot sa akin ni Timmy na ngayon ay nakangiti na. "Sorry kung napaghintay ka namin. Nakabusangot ka kasi eh" sabi ko sa kanya. Prangkahan na to no! Pero mukha naman syang mabait. "Halla! Namisinterpret nyo lang po. May nakasagutan lang po kasi ako kaninang lalaki. Bastos kasi eh! Kaya inaway ko" paliwanag naman sa akin ni Timmy. "Hahaha! That's okay. Tara na" aya ko sa kanya. "My husband! Wag kang pangiti-ngiti dyan! Engaged ka na sa akin kaya! Di ka na pwedeng lumandi! Kunin mo tong gamit ni Timmy!" Sabi ko kay Red habang nilalakihan ko ang mata ko sa kanya. Nilakasan ko rin ang boses ko para marinig ng mga haliparot na mga babae na di na available ang pinapantasya nila. "Okay po my wife!" Nakangising sagot sa akin ni Red. Ngumiti natin ako dahil napansin ko ang mga babae na nag-iba ang mga timpla ng kanilang mga mukha!? Sorry! Mas maganda ako sa inyo! "Naku! Kaya ko na po ito" pagtanggi ni Timmy. "Hay nako, okay na! Tutulungan ka na ni Red. Okay lang yan!" Sabi ko naman sa kanya. Kinuha na ni Red ang maleta ni Timmy. Humawak naman ako sa braso ni Red at tinignan ko ang mga babaeng nanonood sa amin at binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti. Sumakay na kami sa kotse matapos ilagay ni Red ang mga gamit ni Timmy sa likod ng kanyang kotse. "Nakakabwisit yung mga babae dun ha! Makatingin sayo sobra! At ikaw naman! Feeling ka! Pangiti-ngiti ka pa!" Pagtataray ko kay Red. "My wife naman. Masyado ka namang matapang ikaw lang naman ang mahal ko eh" pagpapacute ni Red. "Wait, sorru po ha. Magboyfriend po kayo?" Tanong ni Timmy sa amin ni Red. "He's not just my boyfriend. He's my fiance" confident kong sagot kay Timmy na mukhang namangha sa aking sagot. "Wow! Nakakaamaze! Sana makahanap din ako ng ganyan, pero in the future muna. Magtatapos muna ako ng pag-aaral" sabi naman ni Timmy. "Actually yan din ang sinabi ko dati! Study first! Pero nainlove ako eh. So, nagtake ako ng risk. And worth it! May inspirasyon ako sa buhay. Timmy, di masamang magkaboyfriend habang nag-aaral, basta gawin mo lang inspirasyon" sagot ko sa kanya. "Pero, focus po muna talaga ako sa pag-aaral. Kasi po, nakakahiya po kasi sa magpapaaral sa akin kung di ko pagbubutihan ang pag-aaral ko. I just want to prove sa magpapaaral sa akin na di sila nagkamaling ako ang pinili nilang suportahan sa pag-aaral" sagot naman ni Timmy. "I respect your decision. Pero wag mong pipigilang mainlove ha. Nakakastress! By the way! May natitira pa akong tatlong mga gwapong mga kapatid, isa don pwede mong jowain" sabi ko sa kanya. "Hahaha! Sir naman, di ako bagay sa mga kuya mo. Mahirap lang ako tapos kayo mayaman" natatawang sagot sa akin ni Timmy. "And so?! Ano naman kung mahirap ka?! Ang love walang pinipili! Kung kayo ang tinadhana, kayo! Wag kang nega! By the way! Nagugutom na itong fiance ko kaya kumain muna tayo! Walang tatanggi! Ayoko sa mga taong ganun!" May awtoridad kong sabi sa kanya. Kaya nanahimik nalang si Timmy. Actually, gwapo sya ha, pero sabi ni nanay gay din sya. Feeling ko makakasundo ko sya dahil mukha syang mabait na bata. Baka mahiyain lang sya ngayon dahil first meeting palang namin. --- TIMMY'S POV Sya ba yung kwinikwento sa akin ni nanay na alaga nyang baklang anak ng kanyang amo?! Gosh! Ang ganda ng mukha nya! Sobrang gwapo at maganda! Basta ganun! Ang kinis, ang luti at WOW! GRABE perfect na perfect sya! Tapos yung fiance nya! Grabe! Ang hot! Iba! Ang gwapo! Nakakainggit naman si ate girl! Nakabingwit ng afam! Sobrang gwapo talaga as in! Walang itatapon?! Feeling ko sa school nila marami pogi! Hay! Erase! Erase! Erase! Bawal ang lalaki Timmy! Aral! Aral! Aral! Tayo girl! Pero talaga, naaamaze ako sa dalawang kasama ko sa loob ng kotse! "My husband! Pasok tayo sa loob ng school ha! Dun tayo sa Alumni kumain kasi namiss ko yung pa sizzling sisig dun eh" pagpapacute ni Ano na name nya?! "Ah, pwede pong maistorbo, ano po pala name nyong dalawa?" Tanong ko. "Oo pala! I'm Kyle! And this is Res" nakangiting sagot ni Kyle. "Ganun po ba, salamat" sabi ko sa kanya. Dahil nahihiya pa rin ako sa kanila ay kinuha ko ang cellphone ko para magbasa ng w*****d. I like reading BL love story pero yung kakaibang story. Yung may namamatay ganun, basta yung sobrang nakakaiyak. "Timmy, ano yang pinagkakaabalahan mo?" Tanong sa akin ni Kyle. "Nagbabasa po ng w*****d" sagot ko kay Kyle. "Um, ganon ba? Timmy i have a question for you" wika sa akin ni Kyle. "Ano po yun?" Tanong ko sa kanya. "Nagkaboyfriend ka na?" Tanong nya na ikinagulat ko. "Hah?! Hindi pa po. Wala po akong balak" tumatawang sagot ko sa kanya. "Pero nagkaroon ka na ng crush, manliligaw or nagkakagusto sayo?" Tanong muli sa akin ni Kyle. "Um, di po sa nagmamayabang po ako ha. Pero sa mga nagkakagusto at manliligaw, marami po. Halu-halo sila, may babae, may bakla, may bisexual at may straight guy din po. Kung sa crush naman po, meron namab pero. Actually nanligaw sya sa akin, straight guy sya pero binusted ko po sya" sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napakadaldal ko kay Kyle? Kasi nakakapagkwento ako sa kanya. Baka siguro sa hiya narin dahil sya ay anak ng amo ni nanay. Mahirap ng hindi pansinin. Pero komportable ako sa kanya. "Grabe ka! Busted?! Crush mo binusted mo!" Gulat na sabi ni Kyle. "Opo, di pa ako ready for commitment eh" sagot ko naman. "Okay, i respect your answer. Pero Timmy, ganun mo nalang pinagfofocusan ang study mo! Masayang magboyfriend! Ano bang standing mo sa school nyo?" Tanong ni Kyle. "Actually po, sa ranking po, ako ang top 1 with highest honor with more than 20 special awards. Ako rin po ang nagValedictory Address nung graduation namin" walang eme-emeng sagot ko sa kanya. "Kaya naman pala! Okay i understand!" Singit na sabi ni Red. "Kaya pala! Grabe ka! Sobrang talino mo pala no!" Manghang manghang wika sa akin ni Kyle. "Salamat po" sabi ko nalang sa kanila. Nakarating na rin kami sa wakas sa Alumni Canteen. Nagpunta kami sa may nagsisizzling Sisig para dun kumain. Nag-order ang dalawa habang ako ay binabantayan ang aming pwesto. Ilang minuto lang ang nakaraan ay nagsimula na kaming kumaing tatlo. Sarap na sarap kami sa paglamutak sa aming pananghalian. Sobrang sarap! Grabe! At hindi pa nga natapos ang pag-iinterview sa akin ni Kyle. Hindi nya ako tinantanan sa kanyang mga tanong. Dahil daw sa bakasyon nila ay napagdesisyunan muna nilang mamasyal sa loob ng campus. Syempre go din naman ako. Wala rin naman akong magagawa kundi sumama lang sa kanilang dalawa. Okay din naman silang kasama at okay lang din na ako ang maging photographer nila dahil ang hilig nilang kumain! Palagi kaming kumakain basta may makita or madaanan lang kaming mga nagtitinda ng pagkain! Heaven! Sarap siguro buhay mayaman noh! --- BRYLE'S POV Gosh! Di ako makamove on sa nangyari kanina! Napakagrabe nung lalaking yun! Binato ba naman ako sa ulo ng bottled water! Ang sakit kaya! Oo may kasalanan ako! Pero nagmamadali lang talaga kao kasi nahulog ko ang susi ng kotse ko! I need find it kaya di ko na natulungan si nanay. Oo na! Kasalanan ko na! Nakonsensya rin ako kasi di naman talaga ako ganung kabastos na tao. Sadyang nagpapanic lang din ako. Sorry kay nanay. Mahal ko ang mga aged people pero sorry talaga kay nanay di na ako nakapag-isip ng maayos kanina. Pero yung lalaking yun! Kala mo namang sobrang bait! Hay! Nakakainis! Susunduin ko pa sana yung anak ni nanay Bebet pero di ko na nagawa dahil sa badtrip ko! Kay kanina, sorry nalang ako ng sorry kay nanay Bebet! Buti nalang nandyan sila Kyle at Red to the rescue. "Brylieee! Tawag na kayo ng parents nyo. Family dinner nyo na" wika ni nanay ester sa labas ng kwarto ko. "Nanay! Sunod po ako. Mag-aayos lang po ako" sagot ko kay nanay Ester. Isinuot ko na ang t-shirt ko at lumabas na ako ng kwarto ko. Pumunta ako sa may bandang garden dahil doon nag kainan naming magpapamilya. Naabutan ko naman ang aking apat na kapatid, si Red at parents ko. Nandun din ang mga yaya naming nagseserve ng pagkain namin. "Yaya Bebet, anong ulam" tanong ko kay nanay bebet na papasalubong sa akin. "Chicken Curry and kare-kare!" Nakangiting sagot sa akin ni nanay Bebet. "Sarap naman!" Nakangiti kong sabi sa kanya. "Syempre!" Sagot naman ni nanay. Nagpatuloy sya sa paglalakad papuntang kusina. Ako naman ay sa mga kasama kong kakain. Tumabi ako kay Blythe. Dahil yun taalga nag pwesto ko kapag kami ay kumakaing magpapamilya. Nagdasal muna kami bago kami nagsimulang kumain. "Nanay Bebet, asan si Timmy?" Tanong ni mama kay nanay Bebet. "Ah, si Timmy po. Nasa kwarto po namin ma'am. Siguro nagbabasa na naman po" sagot ni nanay Bebet. "Nagbabasa? Bakasyon ngayon hah? Baka masobrahan nyang mag-aral?" Tanong ni mama. "Baka w*****d lang naman binabasa nya ma" sabi naman ni Kyle. "Hindi anak. Libro hawak nya eh. Biology yun nabasa ko sa libro nya eh" sagot naman ni nanay Bebet. Grabe ha!? Academic book talaga binabasa?! As in sobra na talaga?! "Nanay, grabe naman yang anak mo" natatawang wika ni kuya Luiz. "Ganun talaga sya anak. Di ko naman mapigil dahil yun lang daw libangan nya" sagot naman ni nanay Bebet. "Nanay, patawag sya. Sabihin mo kumain na sya rito para na rin maipakilala ko sya sa pamilya ko" utos ni mama. "Sige po. Sandali lang po" sagot ni nanay Bebet at dali-dali nyang tinawag ang kanyang anak. Nagpatuloy naman ako sa pagkain ng masarap na luto ni nanay Bebet, lalo na yung kare-kare! Ang sarap! "Ma'am heto po ang anak ko" wika ni nanay Bebet. "Hello po mga sir and ma'am" bati nung lalaki. Wait, parang familiar sya ha! Kaya agad kong tinungo ang mata ko sa lalaking nagsalita. At nanlaki ang mga mata ko dahil sya yung lalaking nambato sa akin. Napatayo ako at dinuro sya. "Ikaw!" Sabay naming sigaw. "Anong nangyauar?!" Gulat na tanong ni papa. "Sya kasi papa eh. Binato ako ng mineral water sa ulo ko!" Galit ko sagot kay papa. Pero ang lalaking yun ay biglang yumuko nalang. "Anak! Bakit mo ginawa yun kay Bryle!?" Gulat ring tanong ni nanay Bebet. "Nay, sir, ma'am sorry po. Nagawa ko lang naman po yun kasi po sobrang inis ko lang naman po sa lalaking yan eh. Kasi naman po binunggo nya yung matanda, di man lang nya tinulungan saka po di pa po yan magsosorry kung di ko inaway" nanginginig na sumbong ng lalaki yun. Gosh! Alam na mangyayari! Ako ang papagalitan neto! Umupo ako at di mapakali sa aking inuupuan. "Is that true Bryle?!" Galit na tanong sa akin ni papa. "O-o-opo" mahina kong sagot kay papa. "God Bryle! I'm so disappointed to you! Hindi ka namin tinuruan ng masamang asal ha!" Sigaw na pagalit naman ni mama. "Ma, pa, mamaya nyo na pagalitan si Bryle. Nasa harap tayo ng hapagkainan. Kain muna tayo. Bryle, walang aalis" wika naman ni kuya Luiz. Kahit na sobrang galit, or inis man namin sa pamilya ay di namin binabastos ang hapagkainan. Kaya heto ako ngayon tahimik nalang sa akin inuupuan. "Timmy, maupo ka sa tabi ni Bryle. Samahan mo kaming kumain ha" aya ni mama kay Timmy. "Naku wag na po ma'am. Sasabayan ko nalang po sila nanay maghapunan. Nakakahiya po eh. Saka di po ako sanay na kumain na di kasabay ni nanay ko" nahihiyang sagot ni Timmy. "Ganun ba?, Nanay Bebet, samahan mo si Timmy na kumain dito, marami tayong pag-uusapan" aya ni mama kay nanay. Kaya nagtungo ang dalawa sa pwesto ko. Umupo si Timmy sa aking tabi. "Ya, mas masarap ang kare-kare mo ngayon ha! Tignan mo si Timmy! Kanina pa sya pinagpifiestahan ang kare-kare mo" masayang wika ni Kyle kay nanay. "Salamat, pero hindi ako nagluto nyan" sagot naman ni nanay. "Kaya love na love ko si nanay eh. Sarap ng luto!" Masayang sabi rin ni kuya Lloyd. "Sino naman nanay?" Tanong naman ni Blythe. "Si Timmy!" Pagkasabi na pagkasabi ni nanay na si Timmy ang nagluto ay naubo ako kaya napainom tuloy ako ng tubig. Grabe! Sarap na sarap ako sa luto ng kinaiinisan ko. "Ano, Bryle! Luto ni Timmy yan! Sarap no!" Biro naman sa akin ni Bryle. "Oo na, masarap na" sarkastiko kong sagot. "By the way mga anak. Siya si Timmy, ang anak ni Nanay Bebet-" di na pinatapos ni Kyle si mama na magsalita. "Ma, ako nalang mag-introduce sa kanya, pwede po ba?" Singit ni Kyle. "Sure anak" sagot naman ni mama. "Okay guys!, Sya si Timmy kagagraduate nya lang nya ng Grade 12 with highest honor and 20 special awards. He was planning to take BS Chemistry at sya ay mag-aaral sa Kingsford University at si mama at si papa ang magpapaaral sa kanya! At syempre, sa bahay natin sya titira! Madadagdagan na naman tayo sa bahay!" Masayang kwento ni Kyle. Hah?! Magkabahay kami?! So, may masarap kaming kare-kare sa bahay! Yes! Hoy! Magkaaway pala kami. "Anak pano mo nalaman?" Tanong ni papa kay Kyle. "Remember pa, kami ang nagsundo?" Sagot ni Kyle. "I see" sabi naman ni papa. "Yes, tama si Kyle. Bilang ganti sa ilang dekadang paglilikod sa atin ni nanay Bebet nyo ay napagdesisyunan naming pag-aralin si Timmy. Saka hindi kami nagkakaroon ng doubt na pag-aralin sya dahil as Kyle said a while ago, matalino syang bata" sabi naman ni mama. "That's great ma! Timmy, di mo naitatanong. I'm one of the instructors of Chemistry Department of Kingsford University. And dahil sa mahilig kang magbasa like me when in my college days. Ibibigay ko lahat ng libro and hand-outs ko sa iyo. Nasa Manila lahat ng iyon. Pero kung ako magiging teacher mo in the near future. Walang kakila-kilala!" Sabi naman ni kuya Luiz. Nagtawanan ang mga kasama ko dahil sa last sentence ni kuya. Ako ay palihim na nakikita wa sa kanila. "Timmy! Sa kwarto ko ka nalang magkwarto ha. Lilipat nalang kami ni Red sa kwarto ko. Hassle kasi kung sa kwarto kami Red mag e stay kasi daming gamit dun" sabi naman ni Kyle sa akin. "Alam nyo ba guys. Gay din tong anak ko gaya ni Kyle" sabi naman ni nanay Bebet. Kaya nagulat kaming magkakapatid except kay papa, mama at sa magboyfriend. "Woooh! Akala ko lalaki ka!" Gulat na wika ni kuya Lloyd. "So, so, so, may mabubuo na namang love team! BryMmy!" Biro naman ni Blythe sa akin. "Hoy! Tumigil ka nga dyan Blythe!" Saway ko kay Blythe. "Sorry po, study first po muna" sagot naman ni Timmy. Study first daw, mainlove ka lang minsan. Tiklop ang sinasabi mo! "Oh, sya kumain na tayong lahat!" Sabi naman ni papa. Kaya kumain na kaming lahat. Habang kumakain, ay di maiwasang tuksuhin ako ng mga kapatid ko kay Timmy! Hay! Kahit anong sabihin nyo! Di ko sya magugustuhan! Straight ako mga gago!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD