TIMM'S POV
"Bryle, pagod na ako" reklamo ko kay Bryle dahil sobrang pagod na talaga ako kakalakad. Kasi nga 2 kilometers pala ang layo ng The Mansion sa hotel na tinuluyan namin tapos naghagdan pa kami sa right park at kung anu-ano pang activities ang ginawa naming dalawa ni Bryle. Hay! Yung tuhod ko sobrang pagod na.
"Okay ka lang ba? You want food?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Bryle.
"Okay lang ako. Nakainom na rin naman ako ng tubig. Kailangan ko lang talagang magpahinga" sagot ko naman sa kanya.
"Gusto uwi nalang tayo para makapagpahinga ka?" Tanong na naman ni Bryle.
"Psssh! Okay lang ako Bryle. Pahinga lang ako ng konti" sagot ko ulit sa kanya.
"Okay kung ganun. Dito ka lang muna, bibili lang ako ng strawberry taho" sabi ni Bryle. Tinanguhan ko lang sya para makabili na rin sya.
Mag-isa nalang ako sa gilid na nakaupo. Walang mapagsidlan ang aking mga ngiti dahil nga sa nag-eenjoy ako sa pamamasyal sa Baguio. Naaamaze ako dahil ngayon ay personal ko nang nasisilayan ang mga tourist spot dito na hanggang sa picture mo lang nakikita dati.
KRRRIIIINGGGG!
Hah? Si Beshie Ramon tumatawag? Anong meron? Kakausap ko lang sa kanya kanina ah? Sinagot ko ang tawag nya.
"Hello siz!" Bungad na bati sa akin ni Ramon.
"Hi! Bakit ka pala napatawag siz?" Tanong ko sa kanya.
"Um, may surprise ako sayo" masayang sagot sa akin ni Ramon.
"Hah?! Ano na naman yun?" Tanong ko sa kanya.
"Nandito ako ngayon sa Baguio, and guess who kung sino ang kasama ko?" Sagot ni Ramon na aking ikinagalak! s**t! Nasa Baguio ang aking bestfriend! So ibig sabihin ay magkakasama kami dito ngayon!
"Hah?! Really?! Nandito kayo?! Kaya pala tanong ka ng tanong kung saan kami nakahotel at kung nasan ako ngayon!? Halla we need to see each other! Miss na miss na kita!" Masaya kong wika sa kanya.
"I miss you too my besfriend! Pero may isa pang nakakamiss sayo!" Sabi naman ni Ramon.
"Hah?! Sino?" Nagtataka kong tanong.
"Tumingin ka sa kanan mo" utos sa akin ni Ramon kaya sinunod ko sya. Tinungo ko ang aking mga mata sa bandang kanan ko at nakita ko ang aking Bestfriend na si Ramon na nakangiting pinapanood ako at si, si, si, bakit sya nandito?!?
---
BENCH'S POV
Nandito kami ni burnham park nakaupo sa isang bench habang pinapanood ang mga namamangka sa lake. Nakakatuwa silang panoorin pero mas okay akong katabi/kasama ang mahal ko.
Basta, i'm happy to be with him. Sya ang taong wala akong kasawaan na kasama. Kahit na baliw sya minsan ay di ko iyon kinaiinisan. Ganun nalang talaga kung talagang inlove ka sa taong sobrang inlove rin sayo. He always in my side to make me laugh.
"Babe, alam mo ba. Napapaisip sa mga pinagkukwento ni Bryle kaninang umaga" nakapouty lips na wika sa akin ng mahal ko.
"Bakit naman babe?" Tanong ko sa kanya.
"Diba, napansin mo. Sobrang nag-enjoy sila kagabi? Tapos pilit silang humihiwalay sa atin?" Sabi nito sa akin. Di ko sya magets kung ano man ang gusto nyang ipunto.
"Oh tapos?" Sabi ko nalang dahil gusto kong malaman ang gusto nyang sabihin.
"Um, humiwalay nalang kaya tayo sa mga kasama natin. Kasi alam mo, naiinggit ako kila Bryle at Timmy. Nag-enjoy naman ako kagabi syempre kasama kita. Pero alam mo yung iba nag enjoyment nung dalawa nung sila lang dalawa ang gumagawa ng lahat gusto nilang gawin. What i mean is, magagawa natin lahat ng pwedeng gawin kung dalawa lang tayong magkasama. We can go whatever we want. We can do whatever we want. We can enjoy making memories whenever and wherever we want kung tayo lang ang magdedesisyon at hindi kasama ang mga pamilya natin. Did you get it?" Paliwanag ni Blythe sa akin.
"Okay, i got it! So anong plano natin?" Tanong ko sa kanya. Dahil agree din ako sa suggestions nya. Limited lang kasi ang galaw naming dalawa kapag kasama namin tong mga kasama namin. Kung gusto pa naming mag-stay sa gusto naming lugar pero kung halos lahat ng kasama namin ay gusto ng umalis ay wala kaming magagawa kundi ang sumunod nalang.
Tumayo si Blythe at hinawakan ako sa kamay.
"Aalis tayo! Tatakas tayo" nakangiting aya sa akin ni Blythe. Napangiti na rin ako dahil gusto ko ang kanyang balak.
Habang naglalakad kaming dalawa ay napansin pala kami ni Red kaya tinawag kaming dalawa.
"Oy! Blythe, Bench?! San kayo pupunta?!" Tanong sa amin ni Red.
"Gagawa kami ng sarili naming pamamasyal! Yung mag-eenjoy kami na kaming dalawa lang!" Sagot ni Blythe.
"Wait sama rin kami!" Sabi naman ni Red.
"Wag na! Dalawa nga lang kami ng boyfriend ko! Sasama pa kayo!" Sagot naman ni Blythe.
"Edi sige, alis na kayo" ang nasabi nalang ni Red. Kaya walang anu-ano'y mabilis kaming naghanap ng sasakyan para makapunta sa lugar na gusto at kami lang dalawa ang magkasama.
---
BRYLE'S POV
Mukhang masarap tong strawberry taho ah! And i'm magugustuhan ito ni Timmy. Nakangiti akong naglakad pabalik sa pwesto ni Timmy. Excited na akong ibigay sa kanya ang binili kong strawberry taho para sa kanya. Kahit na nakakapagod akyatin ang hagdan ay di ko na iyon inalintana dahil naghihintay sa akin dun si Timmy. Baka mabagot pa sya sa kakahintay sa akin.
Nang matapos kong akyatin ang hagdan ay mabilis kong pinuntahan si Timmy na nakaupo nang bigla akong napahinto.
Makasama si Timmy. Dalawang lalaki at ang isa ay bakla. Sino kaya yung mga yun?! Mukhang sobrang saya ni Timmy. At tumatawa pa.
Lumapit ako sa pwesto ni Timmy.
"Timmy!" Sarkastiko kong sabi sa kanya. Nagtinginan ang tatlo sa akin.
"Ops! Timmy, ang gwapo naman yang tumawag sayo!" Manghang wika nung bakla. Pero yung isa ay parang kakaiba makatingin. Mukhang sinusuri ako. Di naman ako na-aapektuhan sa masamang tingin nya pero bigla nalang akong nabadtrip ng may hawak si Timmy ng strawberry taho at nakalahati na nya eto.
"I told you that i'm going to buy you dtrawberry taho. But now, may kinakain ka na!? At sino ba yang mga kasama mo?!" Pagsusungit ko sa kanya.
"Aw, suplano pala si papa" bulong nung bakla pwro rinig na rinig naman.
"Sorry Bryle. Sya nga pala, ito si Ramon, my bestfriend at si AJ schoolmate ko" sagot sa akin ni Timmy. Pero biglang nagsalita ang lalaki.
"s***h! Manliligaw ni Timmy. And i'm the one who gave strawberry taho to him" mayabang na sabi nung gagong lalaki si AJ!. NAKAKABWISIT SYA!
"How about ha?!" Tanong ko sa kanya sabay abot ng taho sa kanya.
"Bryle sorry, pero,,,," di ko na sya pinatapos magsalita. Tumalikod ako sa kanya at nagpunta ako sa basurahan at itinapon ko ang binili ko. Bumalik ako kay Timmy.
"By the way, babalik na ako sa hotel. Enjoy with your bestfriend and suitor" sapilitang ngiti ko sa kanya. Agad akong umalis sa harap nila dahil sa badtrip na nararamdaman ko ngayon.
---
TIMMY'S POV
"Best, suplado si kuya! Sino ba sya?!"tanong sa akin ni Ramon.
"Hindi yun suplado, baka badtrip lang!" Paliwanag ko kay Ramon. Di ako mapakali dito sa pwesto ko dahil wala akong kaalam alam kung bakit ganun nalang makaasta si Bryle. Dahil lang ba sa isang taho kaya sya nagwalk out ng ganun?. Hay! I feel so guilty. Tumayo ako.
"Guys, dito lang kayo ha. Susundan ko lang sya" nag-aalala kong paalam sa mga kasama ko.
"Hah? Sino ba yun at kailangan mong sundan?" Tanong naman ni Ramon sa akin.
"Anak ng amo ni nanay. Sige na, puntahan ko lang sya" sagot ko bago ako tumakbo ng mabilis para habulin si Bryle na nagtatampo at badtrip.
"Bryle! Bryle! Oy!" Sigaw ko sa kanya pero patuloy lang sya sa mabilis na paglalakad. Mas binilisan ko pa ang takbo para maungusan sya at maharang sa kanyang paglalakad at successful naman ako.
"Nagtatampo ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi?" Sagot ni Bryle na nakatingin sa malayo.
"Bakit ka nagwowalk out at bakit ang sungit-sungit mo?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo pala, nagtatanong ka pa?! Ang lqyo ng pinagbilhan ko ng taho para sayo! Ang sakit-sakit ng paa ko pababa at paakyat ng hagdan tapos iba na pala pinag-eenjoyan mong kainin?" Galit na sagot sa akin ni Bryle.
"Sorry! Na pero kaya ko kaya ko naman ubusin yun ah. Tinapon mo lang bigla" sabi ko sa kanya.
"Pero sana naisip mo na may isang taong unang nag effort para mabilhan ka nun. Sana di mo tinanggap yun! Ay oo nga pala! Manliligaw mo naman papaano kaya kinuha mo naman!" Galit pa rin nyang sabi sa akin.
"Okay, sorry na. Kasalanan ko na. Pero please, wag ka nang magtampo" panunuyo ko sa kanya.
"Bumalik ka na sa bestfriend mo at manliligaw mo!" Pagtataboy sa akin ni Bryle.
"Ayoko, hangga't di kita kasama" sagot ko sa kanya.
"Sige na! Bumalik ka na dun! Naghihintay yung manliligaw mo dun!" Pagpupumilit nito sa akin.
"Excuse lang hah?! Di ko manliligaw yun! Saka yun tyung lalaking kwinento ko sayo kanina na binusted ko. Nagulat nalang ako dahil sinabi nyang manliligaw ko sya. Wala akong balak magpaligaw sa kanya kahit na crush ko sya. Saka bakit ba ang init-init ng ulo mo sa kanya?" Paliwanag ko sa kanya.
"Kung binusted mo sya bakit sya nandito?" Biglang hinahong tanong sa akin ni Bryle.
"Di ko din alam. Nagulat nalang ako dahil nandito sila" sagot ko sa kanya.
"Sure kang di mo manliligaw yun?" Tanong muli ni Bryle.
"Hindi" sagot ko.
"Sigurado ka?" Sya. Ang kulit nya sobra.
"Hindi nga! Wait lang hah?! Nagseselos ka ba sa kanya?" Tanong ko sa kanya at bigla nalang syang nataranta sa tanong ko. Yung mata nya ay di mapakali sa kakagalaw at di nya maibigkas ang gusto nyang sabihin.
"Hi-hi-hindi no! Bakit naman ako magseselos! Di naman kita gusto!" Tumatawang sagot sa akin ni Bryle.
"Kaya pala eh. Kaya halika na" sabi ko sa kanya sabay hawak ng kamay nya. Napabitaw ako sa kanya dahil bigla nalang akong nakaramdam ng ground! Nakuryente ba ako? Bakit ganun?! Kuryenteng nagpatibok ng puso ko ng mabilis.
"Bakit ka napabitaw?" Tanong ni Bryle sa akin.
"Wa-wala" palusot ko. Pero di ko alam kung bakit nanlaki nalang ang mata ko dahil hinawakan nya ang kamay ko. Kakaiba ito kesa kagabi! May iba akong nararamdaman kesa kagabi!
Shit! Bakit ganun?! Bakit parang nag slow-mo ang paligid ko! At malinaw na malinaw sa akin ang mukha ni Bryle sa akin lalong lalo na ang kanyang nangungusap na mga mata at at napakatamis nyang ngiti pero ang nakapaligid sa amin ay blur na blur! Anong ibig sabihin neto.
"Kung di mo manliligaw yung AJ na yun, hayaan mo akong hawakan ang kamay mo habang kasama natin sila. Walang bibitaw. Sa tabi lang kita" nakangiting wika sa akin ni Bryle. At nagkusa naman ang ulo kong timango sa kanya. Hinila nya ako pabalik sa mga kaibigan ko pero hindi pa rin bumabalik ang normal na mundong alam ko. Nakatitig lang ako sa mga kamay naming magkahawak.
"Let's go guys!" Masayang aya ni Bryle sa dalawa. Buti nalang bumalik na ang normal na galaw ng mundo.
Pero napansin ko kay Ramon at AJ na tila nagugulat sa kanilang nakikita ngayon. Si AJ ay iba ang tingin kay Bryle pero si Ramon ay parang gusto akong sabunutan.
"Wait! Wait! Wait! Anong meron bestfriend?! Halika nga! Mag-uusap tayo!" Sigaw ni Ramon. Pero nagtinginan kami ni Bryle sabay turo ng nguso nya sa kamay namang makahawak.
"Bryle, may i barrow my bestfriend i just need to talk to him" paalam ni Ramon kay Bryle pero ngumiti lang si Bryle.
"I'm sorry Ramon pero di ko sya pwedeng pakawalan. Bulungan mo nalang sya kung may gusto kang sabihin" nakangiting sagot ni Bryle kaya walang nagawa si Ramon.
"Okay fine. Tatanungin na kita ngayon best! Naiinis na ako sayo! Seryoso! Kasi ang dami ko ng hindi alam sayo?! Anong meron sa inyo ni Bryle?! Kayo na ba?!" Seryosong wika ni Ramon na may pamewang pa.
"No!" Sabay na sigaw namin Bryle.
"Eh bakit waga kung makapagholding hands kayo?! Tapos makarte si Bryle kanina parang boyfriend mo. Tapos ikaw Timmy, kung makahabol ka sa kanya, wagas!?" Iritang wika naman ni Ramon.
"Kaya nga naman Bryle?! Makahawak ka ng kamay kay Timmy parang ipinagdadamot mo sya sa amin ah! Ano ka ba sa kanya?! Ha?!" Seryosong tanong na rin AJ.
"Ah, AJ, Ramon, kasi,,," di ko na natapos magsalita ng bigla nalang sumingit si Bryle.
"I am the man who will protect Timmy. Ako ang lalaking, makakasama nya sa Manila. Ako ang lalaking dapat nya lang kasama. Ako ang lalaking pinagdadamot sya lalo na sa mga taong binusted na nya long time ago. At ako lang ang lalaking dapat nyang kasama. Sorry pero ipinagdadamot ko sya" sagot ni Bryle na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Ano kayang ibig sabihin nya sa mga words nya? Bakit ba nya sinasabi yun?
"Ahhhhh! Okay! Pero maliban naman ako dun diba Bryle? Kasi ako ang long time bestfriend ni Timmy. Sisteret ko na nga sya eh" sabi naman ni Ramon.
"Okay" sagot naman ni Bryle.
"So, pwede mo na sya mahiram ngayon?" Tanong muli ni Ramon.
"Okay" sagot ni Bryle kaya binitawan na nya ako. Agad naman akong kinaladkad ni Ramon papalayo sa dalawa.
"Malandi! Sabihin mo sa akin ang totoo! Sino sya sa buhay mo!?" Agad na tanong Ramon sa akin.
"Wala! Maybe kaibigan! Yun lang yun!" Sagot ko naman sa kanya.
"Girl! May something talaga eh! Merong something! Iba ang tinginan nyong dalawa! Ibang-iba! I never see sparkling eyes nung may crush ka kay AJ pero sa lalaking yun, ibang-iba ka! Tapos sya, kung maka angkin sayo para mo na syang boyfriend!" Paliwanag sa akin ni Ramon.
"Malisyosa ka talaga! Walang namamagitan sa aming dalawa. Saka kagabi lang kami naging close no!" Sagot ko sa kanya. Wala namang kakaiba sa amin ni Bryle. Para lang kaming magbarkada. Wala ng iba.
"Hindi talaga best eh! Meron! Sa inyo na nakikita mo! Di ko maipaliwanag pero meron talaga!" Pilit paring sabi ni Ramon.
"Gosh siz! Wala talaga! Wala! Di ko sya gusto, di rin nya ako gusto. Saka alam mo naman ang priority ko. Kilala mo ko!" Paninigurado ko sa kaibigan ko.
"By the way, alam mo ba kung bakit kami nandito?" Tanong sa akin ni Ramon.
"Bakit?" Tanong ko naman.
"Gusto kasing suyuin kang muli ni AJ. Hindi ka daw nya matiis na na layuan kaya heto kami hinahabol ka para lang ligawan kang mi ni AJ." Sagot sa akin ni Ramon.
"Best! Alam mo namang di ako papayag sa gusto ni AJ!" Sabi ko sa kanya.
"Sorry best pero pinilit nya ako eh. Saka, nagawa ko lang naman dahil gusto kitang makita, kasi miss na miss na kita" malungkot na wika ni Ramon sa akin kaya niyakap ko nalang sya.
"Okay lang best. Miss you too" sabi ko sa kanya at bumalik na kami sa aming mga kasama.
---
BRYLE'S POV
Nakakabusit yung AJ! Kaninang kumakain kami ay panay ang lagay niya sa plato ni Timmy. Hay! Nakakainis pero dahil mas matapang ako sa kanya ay isang masamang tingin ko lang kay Timmy ay pinagbabawalan na nya si AJ.
Pero guys! Alam nyo namang observer ako diba? Hahaha! I smell something's fishy! I was looking for Ramon's facial expression at parang may something na pagseselos sya sa ginagawa ni AJ kay Timmy!? Nagseselos ba sya sa dalawa? Gusto nya rin kaya si Timmy? Pero malabo eh, kasi parehas silang gay. Or baka naman si AJ ang gusto nya? Ummmm! May pagtutuunan na naman ang aking mga mata!???
Nandito kami ngayon sa isa sa pinakasikat na bar daw dito sa Baguio. So kumpleto kami pero wala sila mama at papa. Nandito rin ang dalanwang sina Ramon at AJ. Dahil according sa kanila, iisa lang daw ang hotel namin. Grabe sila!
So, inuman nga kami. Masaya kaming lahat pero syempre yung mga di umiinom ay juice juice lang. Si Timmy halatang di sanay kaya hawak-hawak ko ang kanyang kamay ng patago.
Nakarami na kami ng iniinom medyo tipsy na nga rin ako pero kaya ko pa. Alam ko naman magcontrol ng iniinom. Di kagaya ng iba kong kasama na halos maubusan ng alak. Lalo na si Red at Blythe. Si kuya Lloyd ayun, sakto nalang ang iniinom kasi lagot sya kay ate Jessica. Si ate Jessica kasi yung tibo ng babae na boyish sya. Matapang kaya tiklop si kuya. Pero kahit ganun si ate Jessica ay mahal na mahal nya si kuya at ganun din si kuya. Wag na natin pag-usapan yung dalawang matandang sina Kuya Luiz at ma'am michelle, professional silang gumalaw.
So heto na nga,
"Timmy, dito ka lang ha. MagCCR lang ako" paalam ko kay Timmy.
"Sige, balik ka rin kaagad ha" sagot naman ni Timmy. Kaya tumayo ako at nagpuntang CR. Dumiretso ako sa cubicle para umihi. Naparami rin ang nailabas kong urine dahil sa nakailang bote na rin ako ng beer. Habang umiihi ako ay bigla akong nakarinig ng umiiyak. Talagang iyak na sobra sobra. And i think familiar sa akin ang lalaking iyon.
Sumilip ako sa may umiiyak at ayun tama nga ang hinala ko. Si Ramon iyon. Pero bakit nga ba sya umiiyak? Para saan? Para malaman ko ang kasagutan ay binigla ko ang paglabas sa cubicle.
"Why are you crying?" Agad kong tanong kay Ramon.
"Wala to" sagot nya. Sabay punas ng kanyang mga luha.
"Are you jealous with AJ and Timmy?" Prangkang tanong ko sa kanya.
"Ha?! Ano ka ba?! Hindi no! Bakit naman ako magseselos?!" Sabi nito sa akin.
"Don't lie to me. Alam kong may pagtingin ka kay AJ. I don't think so kung kay Timmy dahil parehas naman kayong gay. Kanina pa kita inoobserbahan kaya wag ka nang magpalusot pa" sabi ko sa kanya.
"Okay fine! You're right! Nakakainis lang kasi! Inis na inis ako dahil sobrang naiinggit ako sa bestfriend ko! Naiinggit ako dahil ang dali nyang mahalin! Maraming nagmamahal sa kanya! And even the man i love loves him!" Sigaw nito at nagpatulog na naman sya sa pag-iyak.
"It's AJ right? Diba sabi naman ni Timmy na ayaw nyang magpaligaw kay AJ?" Tanong ko sa kanya.
"Yes! You're right! Pero wala eh! Si Timmy pa rin ang gusto ni AJ. I did everything magustuhan lang ako ni AJ! Pero di nya makita yun! Puro nalang Timmy! Timmy! I fell inlove first! Before Timmy have a crush on AJ! Di natakot akong umamin kay Timmy na gusto ko si AJ dahil nauna sya umamin sa akin nacrush nya si AJ. At tinanggap ko na rin kahit masakit nung sabihin ni AJ sa akin na gudto nya rin si Timmy! At ako rin ang tumulong kay AJ para ligawan si Timmy. Pero ayaw ni Timmy! At ngayon! Isang sabi lang ni AJ! Ay sinamahan ko sya rito sa Baguio para lang makausap nya si Timmy! Kahit masakit sa akin na binubugaw ko si AJ kay Timmy kahit masakit. Dahil mahal ko ang bestfriend ko, dahil mahal na mahal ko rin si AJ! I will everything sumaya lang ang dalawang taong mahal ko. Alam kong gusto rin ni Timmy na maging boyfriend si AJ. Pero pinipigilan lang sya ng kanyang mga pangarap. And kahit alam kong wala na si AJ sa puso nya dahil sayo ay nasasaktan pa rin ako until now because i'm facing the fact na si Timmy pa rin ang gusto ni AJ kahit na kelan lang ay umamin na ako kay AJ and he rejected me!" Mahabang paliwanag ni Ramon.
"Bakit ako?" Pagtataka ko sa sinabi nya sa huli.
"I knew it Bryle. Both of you have feelings to each other. Indenial lang kayonf dalawa dahil di pa ito masyadong nahihinog. Hindi ugali ni Timmy maghabol sa lalaki! At mas lalong ayaw nya sa mga lalaking dinidiktahan sya. And his smile, it was so different! Ngayon ko lang nakita ang mga ganung ngiti nya. And you, basta! May feelings ka sa kanya pero hindi mo pa natutuklasan" sabi nito sa akin na aking ikinatahimik.
"I don't think so kung inlove ako kay Timmy. 6 days palang kami nagkakasama tapos inlove agad?" Nagtataka kong wika muli sa kanya.
"And so? Hay! Papaano ko ba ito ipapaliwanag? Ganito nalang. Nakaramdam ka na ba ng kakaiba sa iyong sarili kapag kasama mo si Timmy?" Sabi sa akin ni Ramon.
"Wala naman? Basta gusto ko lang syang kasama simula kahapon. Pinasaya nya ako ng sobra-sobra. I really like seeing his smile" sagot ko sa kanya.
"Umm, inlove ka nga. Heto nalang. Akala mo lang matapang yang bestfriend ko. Firm sya! Pero deep inside, napakaweak ng taong yan. Madali syang masaktan. At sobra syang masaktan. Kaya pakiusap ko sayo, alagaan mo ang bestfriend ko ha. Sayo ko na ipinagkakatiwala ang si bestfriend. Hay! Alam mo! Badtrip ka rin no! Alam mong nag-eemote ako dito tapos susulpot ka nalang bigla! Sinira mo ang moment ko eh!" Sabi ni Ramon. Honestly! I like his personality. Kahit nasasaktan sya, kaya nya pa ring tumawa. Kaya nya paring ngumiti. And he is full of positivity in his heart.
"So, sinabi mo kanina na umamin ka na kay AJ. Pero bakit sinusuportahan mo pa rin sya? Bakit ginugusto mo pa ring samahan sya kahit na iba ang gusto nyang puntahan?" Tanong ko sa kanya.
"Ganito kasi yun. Kapag mahal mo ang isang tao, ibibigay mo ang lahat mapasaya lang sya. Bakit ko kailangang iwasan ang taong nireject ako? It's my fault, kasi nainlove ako sa kanya" sagot nito sa akin.
"Tanga ka rin pala no?" Sabi ko sa kanya.
"Hoy! Grabe ka naman sa akin! Excuse me lang ha! Consistent akong college scholar sa school namin no!" Pagtataray nito sa akin.
"Di yan ang sinasabi ko. Tanga ka sa pag-ibig" sabi ko sa kanya.
"Sabi mo lang yan! Pero ito tatandaan mo! Kakainin mo yang sinabi mo sa akin! Sya nga pala, si Timmy nasa labas kasama si AJ. Mag-uusap daw sila" sabi nito sa akin. Kaya nagkaroon ako ng pagkabadtrip. Mabilis akong lumabas para puntahan si Timmy pero laking gulat ko nalang nandun sya sa pwesto nya kanina at nakaupo ng maayos.
"Bryle? Nakita mo ba si Ramon?" Bungad na tanong sa akin ni AJ.
"Nasa CR" sagot ko naman. Sasabihin ko sanang umiiyak sa CR pero dahil nalaman ko ang stoty nya ay nanatili nalang akong tikom ang bibig. Bumalik ako sa pwesto ko kung saan katabi ko si Timmy. Nginitian ko sya at kinuha ang kamay nya para hawakan ito.
Baka tama nga si Ramon, i have feelings to Timmy pero di pa hinog. Pero di rin naman ako sure kung love ba to or something lang na kasiyahan dahil binigyan lang nya ako ng kakaibang experience sa buhay ko.
Basta! Masaya akong nakilala ko si Timmy!. Period muna tayo dun!.