BRYLE'S POV
"Lab lab, halika, kain ka muna. Ilang meals na ang na missed mo. Kailangan mong maging malakas. Tara sasamahan kitang kumain" aya ko sa tulalang si Timmy. Nandito na kami ngayon sa bahay nila. Nang malaman naming patay na si nanay Bebet ay nagpumilit syang unuwi kaya sinunod nalang namin sya. Kaming kaming lahat ay nagtungo rito.
Awang-awa ako sa lab lab ko simula kagabi. Todo ang iyak nya. Ni hindi ko sya makausap dahil iyak lang sya ng iyak. Ngayon, heto sya bigla-bigla nalang umiiyak sa kabaong ni nanay Bebet. Walang taong makayang kausapin sya dahil sa wala syang pinapansin. Maski sila Ramon at sila mama. Pati mga kamag anak nya'y di talaga nya kinakausap.
Shit! Bakit ba naman kasi nagkaganito si nanay Bebet. Kagabi lang ay sobrang saya ni Timmy. Walang mapagsidlan ang kanyang mga ngiti. Pero isang kagimbal-gimbal pala ang kapalit nito.
Ayon kila mama ay sinabihan na pala si nanay Bebet na magpahinga muna ng 1 week dahil may nararamdaman daw ito. Pero dahil sa gusto daw talagang magtrabaho ni nanay Bebet ay patakas syang nagtatrabaho. Sabi pa nga daw nya sa mga kasamahan nyang maids sa bahay ay kailangan nyang magtrabaho para naman masuklian nya ang magandang ibinibigay nila mama kay Timmy. Sa totoo lang, nakakainis din minsan si nanay bebet dahil makulit sya. Alam ko yun dahil nakakasama ko rin naman sya kapag bakasyon. Tuloy, nangungulila na si Timmy ngayon.
Grabe, sobrang naaawa talaga ako sa kanya. Broken na broken sya.
"Bryle, hayaan mo nalang muna sya. Mamaya maya kakain din yan. Ganyan talaga sya nun pang namatay ang tatay nya. Mas lalong mas masakit sa kanya ang nangyari dahil ang nag iisa na nyang mahal sa buhay ay tuluyan na syang iniwan. Just comfort him right now. That's he only needs" wika sa akin ni Ramon. Kaya heto ako, umupo nalang sa tabi ni Timmy. I grabbed his head and i putted it on my shoulder. Nagsimula na naman syang umiyak.
"Nanay! Bakit mo ko iniwan? Akala ko ba walang iwanan?! Akala ko ba sabay natin tutuparin ang pangarap natin?! Nagsisimula palang ako pero binitawan mo na ako. Papaano na ako ngayon? Kaya ko pa ba? Kaya ko pa ba?! Ang hirap magpatuloy sa buhay dahil wala na kayo ni tatay. Wala na akong sandalan! Wala na akong lakas! Wala na akong buhay!" Paghihimugto ni Timmy. Gamit ang aking kamay ay pinunasan ko ang rumaragasang iyak nya na hindi pa nauubos kahit na kagabi pa sya umiiyak. Pati ako'y nasasaktan sa kalagayan nya.
"Lab lab, i'm always here for you" bulong ko sa kanya. Nakadama ako ng mahigpit na yakap mula kay Timmy. Hinayaan ko nalang sya dahil alam kong ito ang isang magpapagaan ng kanyang nararamdaman. I hugged him back tightly while scrubbing his back.
"Sssssshhhhhh! Stop crying na lab lab. Malulungkot si nanay Bebet yan kung makikita kang umiiyak" wika kong muli kay Timmy.
"Nak, uuwi muna kami, di ka ba sasama?" Wika ni mama sa akin.
"Ma, dito nalang po muna ako. Gusto kong samahan si Timmy. Padalhan nalang po ako ng stuff ko dito. Ah, ma, pwede po bang paasikaso ng study leave namin ni Timmy. Hindi ko po kasi sya kayang iwan ng ganito ang kalagayan nya" sagot ko kay mama.
"O sige anak" sagot ni mama. Lumapit si mama kay Timmy.
"Timmy, pwede ba kitang mayakap?" Malungkot na pakiusap ni mama. Tumugon naman si Timmy at niyakap nya si mama.
"Condolence Timmy. Wag ka nang mag-alala. Kami nang bahala sa burol at libing ng nanay mo. Ako na rin ang tatayong magulang mo simula ngayon ha. Be strong anak. Sige na, mauuna muna kami. Babalik rin kami mamayang gabi ha" sabi ni mama na mangiyak-ngiyak na rin. Kumalas silang dalawa sa kanilang pagkakayakap. Tinungo naman ni mama si nanay Bebet.
"Manang!, Uwi muna kami saglit ha. Babalik din kami mamayang gabi ha" paalam ni mama bago sya tuluyang lumabas ng bahay nila Timmy.
Sa buong araw na ito ay madaming nagdagsahang mga kamag anak, kapit bahay at mga kaibigan nila para makiramay kay Timmy. Marami ang nagbigay ng tulong lalo na sa paghahanda ng pagkain at kung anu-ano pa. Pero heto kami ni Timmy, nananatili sa kinauupuan namin. Tatayo man si Timmy kapag magCCR.
Si Ramon at mga kaibigan nila ni Timmy ang mga nag eentertain sa mga bisita. Dahil sa kalagayan ni Timmy.
Maggagabi na pero wala paring kinakain si Timmy na kahit kakaunti lamang. Naaawa na ako. Pati ako'y hindi na rin makakain dahil sa di ko maiwan si Timmy. Maghapon lang kaming nagyayakapang dalawa. Ni ayaw nya akong bitawan. Di ko alam kung mabaho na ba ako dahil wala pa akong ligo.
"Mga anak, kumain muna kayo. Ramon at AJ halina kayo. Mga kamag anak muna ang magbabantay dyan para naman makakain kayo" wika ng tita ni Timmy. Lumapit ito kay Timmy at hinaplos ang likod nito.
"Anak, kain ka muna ha. Kahit konti lang" wika ng tita ni Timmy. Pero ngumiwi lang si Timmy.
"Anak! Sa tingin mo ba matutuwa si ate Bebet sa ginagawa mo ngayon? Wala ka ng kain. Tapos wala ka pang tulog?! Ano naman ang gagawin mo sa sarili mo ha! Please lang anak, kumain ka na kahit konti lang" may pag-aalalang wika ng tita ni Timmy.
"Lab lab, halika na. Kasama mo naman ako eh" wika ko sa kanya. Tinangka kong tumayo at natuwa ako dahil sumunod sya sa akin habang yakap-yakap pa rin ako. Naglakad kaming dalawa patungong kusina nila. Umupo kaming dalawa at binigyan kami ng pagkain ng tita nya.
"Um tita, isang plato nalang po kami. Susubuan ko nalang po sya" sabi ko sa tita nya. Tinanguan naman nya ako.
"Lab lab, ah" utos ko sa kanya pero tulala pa rin sya at hindi binubukas ang bibig nya.
"Sige na nga, ako muna. Pagkatapos kong sumubo ikaw naman. Okay ba yun?" Masigla kong sabi sa kanya. Ayoko kasing makisabay sa kalungkutan nya. Sumubo ako.
"Ummm! Sarap naman po ng luto nyo tita!" Masiglang sigaw ko. Tumawa naman ang tita nya.
"Oh lab lab, ikaw naman!" Sabi ko kay Timmy. Tinignan nya ako bago nya ibinuka ang kanyang bibig. Success! Napakain ko rin sya sa wakas. Dahil sa trip ko ay tumugon na sa akin si Timmy para kumain. Pero habang isinasagawa ko ang pagpapakain kay Timmy ay napapansin ko si Ramon na napapangiti pero pigil na pigil ang kanyang pag-iyak habang pinapanood kaming dalawa ni Timmy. Konti nalang ay talagang babagsak na ito. s**t! Pati tuloy ako parang napapasama sa pag-iyak. Pero pipigilan ko to! I need to be strong para maalagaan ko si Timmy. Di dapat ako magpadala sa emosyon ko dahil hindi yun makakatulong sa kalagayan ni Timmy.
Saktong natapos kaming kumain ay dumating na sila mama. Pero ang mga kapatid ko ay nagsiuwian na raw ng Manila dahil bukas ay may pasok pa sila.
"He's your stuff" sabi ni mama sabay abot ng isang malaking bag sa akin.
"Lab lab, halika na. Sabay na tayong maligo. Naaamoy ko di na maganda ang amoy natin eh. Saka nandito na sila mama para magbantay kay nanay Bebet" aya ko kay Timmy. Wala akong natanggap na sagot pero ako na mismo ang gumalaw dahil alam kong sasama naman sa akin si Timmy. Nagtungo kami sa kawarto nya. Kumuha ako ng damit naming dalawa at towel. Pati na rin panligo dahil wala sila ngayon dito.
Nagpunta kami sa kanilang CR. Para maligo. Medyo nanibago ako dahil wala akong nakitang shower, kundi timba at tabo lang na nakatapat sa gripo.
"Aya ka ng aya maligo, di mo rin naman pala alam gamitin ang tabo at timba" natatawang wika sa akin ni Timmy. Isang malaking mata ang naging reaksyon ko dahil sa wakas ay kinausap na ako ni Timmy. Grabe! Para isang taon ko syabg hindi nakakausap sa sobrang tuwa ko. Napayakap tuloy ako sa kanya.
"Keep talking to me lab lab ha. Para hindi ka masyadong malungkot ha" wika ko sa kanya.
"Um um" sagot nito sa akin.
"Umm, ano, papaliguan ba kita o ako papaliguan mo?" Biro ko sa kanya. Natawa sya ng bahagya sabay palo sa dibdib ko.
"Maligo nalang tayo. Napakabaho mong yakapin" sagot sa akin ni Timmy kaya napapouty lips ako.
"Umm, ikaw kaya ang mabaho dyan" sabi ko sa kanya. Di na ako pinansin ni Timmy at naghubad na sya. He is fully naked na kaya ako rin ma'y naghubad na rin. Pinasindi nya ang gripo at hinintay na mapuno ang timba. Sumalok sya ng tubig gamit ang tabo at ibinuhos nya ito sa kanyang ulo.
"Ah! Ganun lang pala yun" mangha kong wika.
"Lumapit ka rito" utos sa akin ni Timmy. Kaya umupo ako sa tabi nya. Laking gulat ko na sya ang nagbuhos sa akin.
Pero sa kalagitnaan ng aming paliligo ay bigla bigla na naman syang umiyak. Nayakap tuloy ako sa kanya.
"Nanay!!!!" Sigaw nito habang umiiyak.
"Lab lab tama na! Baka akalain pa ni nanay na pinasukan kita sa kweba mo" pagbabawal ko kay Timmy pero napalo na naman ako! Hay! I'm used to it naman na kaya okay lang.
"Tumahimik ka na nga lang dyan!" Saway sa akin ni Timmy. Nagpatuloy sya sa pag-iyak. Ako heto, nakayakap nalang. Nakaktakot biruin ang namatayan grabe. Masasakit kaya palo ni Timmy kumpara nung naghaharutan lang kami. Pero okay lang, kasi kahit papaano napaoangiti ko sya at napapatawa.
---
3 days after...
"Nandito ako ngayon sa labas habang nagkakape. Hirap pala ang palaging puyat. Hindi naman ako makatulog ng maayos dahil palagi kong kasama si Timmy na paidlip-idlip lang ang tulog sa balikat ko. Wala kaming formal na tulog na dalawa. Ngayon nga lang kami napaghiwalay dahil sa nagsidatingan ang iba nyang mga kamag anak galing sa ibang lugar. Kaya sinabihan nya akong iwan ko muna sya para naman makapag usap usap sila ng kanyang mga kamag anak. Kaya ako nagkakape ngayon para naman kaya kong makipagsabayan kay Timmy. Para na nga daw kaming zombie na dalawa kasi nangingitim na daw ang paligid ng mga mata namin.
"Pwede ba akong makisabay magkape sayo" isang tinig ang narinig ko sa tabi ko at si Ramon iyon.
"Sige, maupo ka" sagot ko sa kanya. "Di mo ata kasama si AJ ngayon ah?" Tanong ko kay Ramon.
"Um, ayun gumagawa ng requirements nya. Mamaya daw ay nandito na sya" sagot naman ni Ramon sa akin.
"Mahirap ba?" Biglang tanong sa akin ni Ramon. Humigop muna ako ng kape bago sya sinagot.
"Mahirao ang?" Tanong ko sa kanya. Di ko naman kasi sya gets.
"Mag-alaga ng TIMMY na wasak" sagot sa akin ni Ramon. Natawa ko ng bahagya.
"Mahirap. Pero dahil mahal ko siya at si nanay Bebet ay kakayanin. Nangako ako kay nanay Bebet na aalagaan ko si Timmy kaya heto ako, kahit mahirap kakayanin" seryosong sagot ko kay Ramon.
"Ganyan na ganyan din ako dati kay Timmy. Ako ang taga alaga nya. Sobra yan kung masaktan. Halos patayin ang sarili. Minsan nga nag aaway pa kami mapakain ko lang sya. Alam mo bang mas grabe sya ngayon. Kasi dati napapatulog ko pa yan ng mahimbing. Pero ngayon, nag-uugat na sya sa kanyang inuupuan kababantay kay nanay Bebet" sabi sa akin ni Ramon.
"Kaya nga, nakakatakot naman syang kausapin at pilitin kasi baka magdrama na naman" sagot ko kay Ramon.
"Mahirap talaga Bryle. Mahirap! Bilang bestfriend nya ay sobra akong nadudurog sa kalagayan nya. Sinasabi nya palagi na firm sya! Matapang sya, matatag sya, malakas sya, at palaban sya. Pero ang totoo--" napatigil saglit si Ramin dahil natuluyan na syang umiyak.
"Ang totoo, sobrang hina nyang tao! Napakalambot ng pagkatao nya. Marupok, mahina! Napakahina ng loob ng tao na yan. Kaya nasa tabi lang nya ako palagi kahit na di nya amining mahina sya, na hindi na nya kaya. Hay! Si Timmy nga naman. Alam mo Bryle, nung una, sobrang takot ko dahil malalayo sya sa akin. Natatakot ako dahil magkakaroon sya ng panibagong mundo. Ying tipong napakalayo nya sa kanyang kinagisnan. Papaano kung umiyak sya? Nasan ako para icomfort sya. Wala malayong malayo kaming dalawa. Pero nawala ang pangamba ko dahil sayo. Yes, totoo ang sinasabi ko. Nung nasa Baguio tayo, nung nakita ko kayong dalawa na iba ang samahan. Basta! May something talaga eh na ang puso nyo lang ang nakakaalam. Sabi ko sa sarili ko nun, umm! Sa tingin ko, di na ako kailangan ng kaibigan ko in a good way ha. Kasi meron ng bagong taong magcocomfortvsa kanya, magpapasaya, magpapangiti at magbibigay sa kanya ng pagmamahal at ikaw yun. Maraming gustong makipagkaibigan kay Timmy pero pili lang ang nakapasa sa panlasa nya. At take note, ikaw na yata ang pinakamabilis nyang nakapalagayan ng loob.
Kaya Bryle, ngayong may pinagdadaanan si Timmy. Sana, pakilawakan ang pang unawa mo para intindihin sya. Sana yung patience mo bilang manliligaw nya or should i say boyfriend nya. Moody ngayon yan, hindi malunok ang mga masasakit na lalabas sa kanyang bibig. Wala syang pakialam kung masaktan ka man o hindi sa kanyang sasabihin. Naalala ko pa nun nung pinipilit ko syang pumasok na sa school, sabi ba naman sa akin, "ano ba?! Bakit ba ang kulit-kulit mo?! Hindi nga ako papasok! Kung makasigaw ka sa akin parang Bestfriend kita ah! Pwes! Kung ganun man! Wala na akong kinikilalang bestfriend ngayon!" Yun ang sinabi sa akin. Syempre bilang ako, nasaktan ng sobra. Pero kinausap ako ni mama na ako na ang umintindi sa kalagayan ni Timmy. Fortunately, bumalik kami sa dati.
At ngayon, ikaw na ang nakahawak ng responsibilidad na alagaan siya. Please lang, ibalik mo si Timmy sa dati. Matagal man bago sya maghilom. Please lang, wag na wag mo syang susukuan dahil ikaw nalang ang masasandalan nya ngayon. Kung galit sya, wag kang makipagsabayan. Kung mataray sya, ngitian mo lang at tumahimik ka lang. Kung umiiral ang pagiging baliw nya. Yakapin mo lang, ipadama mo lang ang pagmamahal mo sa kanya. Ayos ba tayo dun!?" Mahabang wika sa akin ni Ramon. s**t! Ang dami kong natutunan about kay Timmy. Indeed, Ramon is the ultimate bestfriend of Timmy. Nakakatuwa si Ramon dahil dahil sa sakripisyong ibinuhos nya kay Timmy. Nakakatuwa lang dahil kahit na di naman kami close ni Ramon ay nakagaanan ko sya ng loob dahil sa lab lab ko. Masaya ako and malungkot din dahil sa nalaman ko. Kaya, gagawin ko lahat ng payo sa akin ni Ramon. Gagawin ko ang lahat maibalik lang ang dating Timmy na masiyahin at palaging nakangiti. Mahal na mahal ko si Timmy kaya lahat ng kaya ko ay gagawin ko. Buong puso ko syang aalagaan at mamahalin. Ipaparamdam ko sa kanya na hindi sya nag-iisa dahil nandito lang akong lab lab nya para maging panyo nya sa pag-iyak, maging unan nya sa pagtulog at pagyakap, maging punching bag nya kapag galit sya.
"Promise! I'll do my best maalagaan lang sya. Thank you pala sa payo ha" wika ko kay Ramon.
"Malalim ata ang usapan nyong dalawa dyan ha" isang tinig ang aming narinig ni Ramon sa aming likuran kaya tinignan namin itong dalawa.
"Babe! Maupo ka. Pinag-usapan lang namin ni Bryle si Timmy" sabi ni Ramon kay AJ.
"Yeah, narinig ko naman. Pwede bang makisalo sa inyo?" Sabi naman ni AJ at tumabi sya sa tabi ni Ramon.
"Mahal na mahal mo talaga ang boyfriend mo bro ah" sabi sa akin ni AJ. Tumawa ako bahagya bago sya sinagot.
"Yun nga nag badtrip bro eh. Hindi ko pa sure kung kami talaga o hindi. Kasi saktong sasabihin na nya ang sagot sa akin kung magiging boyfriend ko na sya ay sakto namang sumigaw si kuya na patay na si nanay bebet. Di naman ako tanga para di magets ang paunang sabi ni Timmy pero yun nga wala pang confirmation na nangyari" sagot ko kay AJ.
"Ang saklap pala ng nangyari sa inyo bro no?" Sabi ni AJ.
"Kaya nga bro eh. Di ko alam kung malas lang talaga kaming magkapatid pagdating sacproposal na ganito. Nung una si Kyle at Red, nung nagpropose si Red, sakto namang may nagset ng naset up na picture ni Red. Nag away sila, nagkahiwalay ng landas pero ngayon matatag na sila. Tapos kami naman ngayon ni Timmy, sa proposal din nagkaroon ng problema! s**t! Pero pinagdarasal ko rin at sure na sure akong malalagpasan namin ito ni Timmy" sagot ko kay AJ.
"Nak, uuwi na kamo ha. Sya nga pala hinahanap ka ni Timmy sa loob" wika ni mama sa likod ko. Kaya napatayo na ako.
"Sige ma, ingat kayo sa byahe ah" sagot ko kay mama. Umalis na sila ni papa.
"Sasama ba kayo sa akin?" Tanong ko sa dalawa. Di nila ako sinagot bsgkus tumayo sila at tatlo kaming bumalik sa loob.
Naabutan namin si Timmy na nakatitig sa kanyang natutulog na nanay. Lumapit ako sa kanya at tinap ang kanyang balikat.
"Hhhhhhhhaaaaaaaaaaahhhhh!" Isnag mahabang hikab ang nagmula kay Timmy. Kaya hinawakan ko ang kanyang ulo at ipinatong ito sa aking balikat.
"Lab lab, ano tara matulog. Ilang gabi ka ng puyat. Wala ka pang matinong tulog" aya ko kay Timmy na nakabusangot na naman. Poker face at busangot lang ang palagi kong nakikita sa pagnumukha netong lab lab ko neto. Dahil mahal ko sya ay naiintindihan ko naman sya. Okay na sa akin yun basta nakakausap ko sya. Kahit na,
"Di pa ako inaantok" seryosong sagot nito sa akin.
"Pero lab lab naman. Humihikab ka nga oh. Napalaki na rin ng eye bags mo. Nangingitim na rin yang paligid ng mata mo. Wag ka na kasing magmatigas, halika na matulog na tayo" pagpupumilit ko sa kanya.
"Hindi nga ako inaantok!" Sigaw nito sa akin.
"Please naman lab lab. Nag-aalala na ako sa sitwasyon mo. Alagaan mo rin naman yang kalusugan mo" sabi ko sa kanya.
"Ano ba?! Mahirap bang intindihin ang di pa ako inaantok? Saka kung makapagcare ka sa akin parang boyfriend kita ah! Hindi kita boyfriend kaya wag mo akong pakialaman!" Sigaw nito sa akin. Nakakagulat ang kanyang sinabi kaya napatulala ako.
"Timmy!" Sigaw ni Ramon na nagualt din sa inakto ni Timmy. Dahil sa sakit ng naramdaman ko sa sinampal sa aking salita ni Timmy at ayoko rin naman makipagtalo pa ss kanya ay tumayo ako at dali-dali akong lumabas ng bahay nila. Sakit namang pakinggan ang ganung salita. Lalong lalo na't kay Timmy pa nanggaling?! Maganda ang intensyon ko pero ganun pa ang balik sa akin! Grabe!!!!!!?
---
TIMMY'S POV
Shit! Bakit ko nasabi yun?! Pati ako ay nagulat sa sinabi ko. Nasaktan ko si Bryle na concern lang naman sa akin. Nasabihan ko sya ng masakit na salita! Di ko nalang naisip ang sakripisyong ibinuhos nya sa akin!
"Babe, sundan mo si Bryle. Anti! Pwede po bang kayo po muna magbantay kay nanay Bebet, may sasampalin lang akong kaibigan ko" sabi ni Ramon. Lumapit ito sa akin at kinaladkad ako patungo sa kwarto ko.
PPPPPPPPAAAAAAAAAKKKKKK!!!..
Napaiyak nalang ako dahil sa isang sampal na natanggap ko sa aking kaibigan. Minsan lang ako sampalin ng kaibigan ko kapag kasalanan ko. Kaya inaamin ko. May kasalanan talaga ako. Kasalanang sobra kong pinagsisisihan ngayon dahil nasaktan kocsi Bryle at hindi lang sya pati ang kaibigan ko.
"Nahimasmasan ka na ba sisi? Kung nahimasmasan ka na, humiga ka na dyan at matulog ka na. Kami na ang bahalang kumausap kay Bryle" mahinahong wika sa akin ni Ramon. Niyakap ko nalang sya dahil sa nararamdaman kong genuine love sa kanya.
"Sorry sisi! Sorry! Kasalanan ko. Sorry!" Pagmamakaawa ko kay Ramon.
"Ssssshhhhhh! Okay lang. Walang galit sayo. Hindi ako galit sayo. Wag mo nang alalahanin si Bryle. Nakakasiguro akong maiintindihan ka nun. Kailangan nya lang huminga" sagot sa akin ni Ramon. Kumalas ako ng yakap kay Ramon. Lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Ramon.
"San ka pupunta? Matulog ka na" sabi sa akin ni Ramon.
"Wait lang sisi. Susunduin ko lang si Bryle" sagot ko sa kanya. At thankful ako dahil pinayagan ako ni Ramon. Mabilis akong lumabas ng bahay. At ngayon ko lang natanaw ang mga taong nakikiramay sa amin. Nang makita ko ang mga kababata ko dito ay lumapit ako sa kanila para magtanong.
"Nakita nyo ba si Bryle?" Tanong ko sa kanila.
"Yung poging boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Roy.
"Oo sya nga. Nakita nyo ba?" Sagot ko.
"Ayun, nakila anti Meling umiinom kasama ni AJ. Umiiyak nga eh" sagot sa akin ni Roy.
"Ganun ba? Salamat ha" sabi ko sa kanila. Tumakbo ako papunta kila aleng Meling para makita si Bryle. Naaawa tuloy ako kay Bryle! Kasalanan ko to eh.
"Lab lab!" tawag ko kay Bryle na nakayukong umiiyak. Kinucomfort naman sya ni AJ. Itinaas ni Bryle ang kanyang ulo at pinunasan ang kanyang luha. Pinilit nitong ngumiti na parang walang nangyari.
"Timmy bakit nandito ka?" Tanong sa akin ni Bryle.
"Correction, lab lab" sagot ko sa kanya.
"Umm lab lab, bakit ka nandito ka?" Tanong muli ni Bryle.
"Halika na, matutulog na tayo" aya ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.
"Ubusin ko lang tong beer na iniinom ko" sagot nito sa akin.
"Subukan mong ubusin yan! Hindi ka tatabi sa akin" banta ko sa kanya kaya mabilis nyang ibinigay kay AJ ang bote ng beer.
"Sayo na bro" sabi pa ni Bryle. Hinawakan nya ang kamay ko at tumayo na sya.
"Tara, matulog na tayo" aya sa akin ni Bryle. Magkasama kami ngayon ni Bryle na bumalik sa bahay. Nang makarating kami ay nagpaalam muna ako sa nanay ko bago kami pumasok sa kwarto ko at nahiga. Nang makahiga kami ay pinaunan ako ni Bryle sa kanyang braso kaya niyakap ko na sya ng mahigpit na mahigpit.
"Lab lab. Tungkol pala kanina. Pwede bang wag muna natin pag-usapan ang relasyon nating dalawa? Pwede bang manatili muna tayo sa ganitong sitwasyon. Basta ipromise mo sa akin na wag mo kong iiwan ha. Dito ka lang sa tabi ko. Ipromise mo sa akin yan" malambing kong wika kay Bryle.
"Promise lab lab. Nandito lang ako para sayo. Hihintayin kita kahit pa matagal pa yan. Dahil mahal na mahal kita. Aalagaan kita kahit wala pa tayo, dahil mahal na mahal kita. Di natin kailangan pa ang confirmation dahil alam natin na mahal na mahal natin ang isa't-isa" sagot sa akin ni Bryle.
"Lab lab, inaantok na ako" sabi ko sa kanya.
"Ako nga rin lab lab. Tara tulog na tayo" aya ni Bryle kaya inumpisahan na namin kunin ang antok namin.
---
"Timmy Boy!" Isang pamilyar na tinig ang aking narinig. Ang nakakapagtaka ay parang napapalibutan kami ng puting usok. At ang nakakamangha ay ang makita ko ang aking mga magulang na magkasama.
"Nay! Tay!" Masigla kong sigaw sa kaharap ko ngayon. Di ko alam kung bakit di ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Ni hindi ko man lang malapitan sina nanay at tatay st mayakap man lang! Namimiss ko na sila! Sobra!
"Nak, sorry ha. Iniwan ka na ni nanay. Di ko naman kasi kayang kontrolin ang itinakdang kamatayan ko. Sorry anak ha. Sorry dahil di na kita masasamahang abutin ang pangarap natin ng tatay mo" nakangiting wika sa akin ni nanay.
"Kaya nga po nay. Napakadaya ng mundo, bakit kayo pa ang kinuha nila. Mag isa nalang tuloy ako" sagot ko kay nanay.
"Hindi ka nag iisa anak. Palagi kaming nasa puso mo anak. Palagi ka naming babantayan ng nanay mo. Kahit wala na kami ng nanay mo ay marami pa ring nagmamahal sayo. Kaya wag na wag mong kakalimutang maging masaya" sabi ni tatay sa akin.
"Alam mo ba tatay, si Timmy Boy natin may lab lab na" sabi ni nanay kay tatay. Hay! Si nanay talaga nagawa pang magbiro kahit patay na.
"Um, anak ha. Wag ka munang magpapabuntis" sabi naman sa akin ni tatay kaya nagtawanan kaming tatlo.
"Sya nga pala anak. Isa lang ang hiling ko sayo. Gusto ko sanang wag ka masyadong magpakalungkot dahil wala na si nanay. Gusto ko sanang ngumiti ka pa rin kahit na wala na si nanay. Gusto ko makita ang saya ng iyong puso. At sana, wag mong tatalikuran ang mga nagmamahal sayo, lalo na ang future son-in-law ko" sabi ni nanay. Natawa naman ako sa dulong parte na sinabi ni nanay.
"Promise po nay. Di na po ako magpapakalugmok. Salamat po ha. Nagpakita kayo sa akin. Miss na miss ko na po kasi ka--"
---
"Nay! Tay!" Sigaw ko! Napaupo tuloy ako dahil isa pala itong panaginip. Bumangon din si Bryle at niyakap ako kaagad. Lumuha man ako ay di na ito ang luhang pagkalugmok, kundi luha ng kasiyahang nakita kong muli ang mga magulang ko at nakausap pa.
"Ssssshhhh, nananaginip ka lang lab lab. Tahan na" pagcocomfort ni Bryle sa akin.
"Napanaginipan ko sila lab lab. Ang saya ko dahil nakausap ko silang muli. Namiss ko tuloy sila" nakangiti ngunit umiiyak kong wika kay Bryle.
"Tahan na, ituloy na natin ang tulog natin" aya sa akin ni Bryle.
"Lab lab, umaga na. Di na ako makatulog. Ikaw, kung gusto mong matulog, matulog ka muna" sabi ko kay Bryle.
"Papaano ka?" Tanong sa akin ni Bryle.
"Okay na ako, wag ka nang mag alala" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Sa tingin ko di na ako inaantok" sabi ni Bryle.
"Kung ganun. Halika, ipagtitimpla kita ng kape" masayang aya ko sa kanya.
"Wait lang lab lab. Mukhang maganda ang gising mo ha?" Tanong sa akin ni Bryle.
"Buntis kasi ako" biro kong sagot sa kanya.
"Ummm! Gago! Kahit na magdamag kitang tirahin, di ka mabubuntis" natatawang sabi naman ni Bryle.
"Basta, halika na. Wag ka nang mag-alala. Di mo na kailangan pang mag alala sa akin dahil okay na ako. Kaya, halika na!" Sabi ko sa kanya. Kaya tumayo kaming dalawa at lumabas ng kwarto. Lumapit ako sa kabaong ni nanay.
"Nanay! Thank you sa pagdalaw sa panaginip ko ha. Okay na po ako" nakangiting wika ko sa natutulog kong nanay.
"Good morning po mga magaganda kong tita at mga pogi kong tito!" Bati ko sa mga kamag anak ko.