GININTUAN [Part 22 - Si Xander Philips] ---- Naguluhan lalo si Arnel. "Reincarnate?" Pamilyar sya sa salitang ito. Dahil ito ay paniniwala rin ng maraming tao. "Posible pala ang ganito?" Napatanong tuloy si Arnel sa pagkatao ni Xander. "Sino ka? At anong kaya mong gawin na wala sa amin? At umabot sa ganyang antas ang pagkatao mo" Silang apat na ginintuan ay pareparehong bente anyos. Pero bakit si Xander ay presidente na ng isang kompanya? "Gusto mong malaman?" Pahapyaw na tanong ni Xander kay Arnel. ~~~ "Kasabay ng araw ng pagsilang ninyong tatlo, July 19. Ito rin ang araw ng kapanganakan ko. Hindi kami mayaman. Tatlong magkakapatid, lahat kami lalaki. Kabuhayan ng magulang ko ang magtinda ng gulay sa palengke. At sa diskarte ng aking ama ay nakapundar sya ng isang van pan

