GININTUAN [Part 26 - Karaniwan] ---- Panibagong araw sa normal na buhay ni Arnel. Nagpakalunod nanaman sya sa pag-iisip tungkol sa nangyari sa hotel. Makatarungan ba ang ginawa ni Xander? Dapat lamang ba na hayaan nila ito? May kumatok sa pinto. Sigurado si Arnel na hindi ito si Karina. Ito nga si Alexis. "Kumusta tulog mo?" "Ayos naman po kuya. Kakagising ko nga lang" "Sa bahay ka na mag-almusal" Sa bahay nila Alexis ikinuwento ang lahat tungkol sa sumpa kay Stella. Pero bago iyon ay humingi sa kanya ng tawad si Leona sa nagawa nyang eksena kagabi. Pagkatapos ay nag-ayos si Leona para umalis at pupuntahan nya ang pamilya nya para personal na humingi ng tawad lalo na sa mag-ina. "Ang ama ni Stella. Si Martin, ay nobyo ni Rosana. Na hinihinalang isang bruha at nag-aaral ng "wi

