Ginintuan (Part 1)

415 Words
GININTUAN [Part 1] ---- Unang araw sa trabaho si Arnel, maaliwalas ang kanyang gising at agad na nag-ayos para na nga magsimula. Isang panaderya ang napasukan nya pagkatapos ng kontrakwal nyang trabaho bilang construction worker. Sanay sya sa mabibigat na gawain kaya hindi sya nahirapan na magpasanay. Sa araw na ito rin ay unang araw din ng pasukan. Kaya nakikita ni Arnel na nagsisidaanan ang mga estudyante. Sya ay hindi nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa kolehiyo. At hanggang 3rd year lang din ang kanyang natapos dahil sa kapos ang kanyang magulang. Sa tapat ng panaderyang pinagtratrabahuan nya ay naghihintay ng sasakyan si Stella. Kakilala nya lang noong elementary pa. Matanda sya ng isang taon lamang. Hindi maitatanggi ni Arnel ang paghanga nya sa ganda nito. Kahit hindi maganda ang alaala nya sa dalaga. Katuksuhan at kaasaran kasi nila ito noong kabataan. Pagtuntong ng highschool ay kapareho parin sila ng eskwelahan ngunit ay hindi na nya ito nakakapansinan dahil sa, umedad na nga sila at iba na pag-iisip nila. Nahihiya na rito si Arnel dahil ay maganda ang batang ito. Maputi ang balat. Hindi katangkaran pero may magandang hugis naman ang katawan. Sa dibdiban naman ay hindi rin ito nagkulang. Kaya isa ito sa mga dahilan ni Arnel na agad tanggapin ang trabaho kahit malayo sa kanila. Sinipagan ni Arnel sa buong araw dahil ganito na nga sya kahit hindi nakikita bilang inspirasyon si Stella. Sumapit ang gabi at magsasara na ang panaderya. Natutulog sila sa itaas lamang ng tindahan na ito. Tatlo silang kalalakihan sa kwarto. Si Marvin at Boyet ang kanyang kasamahan. Bumaba si Arnel, at nakita nyang pumasok sa tindahan si Stella. May dalang plastic bag. Mukhang mga sangkap ng tinapay. Pamangkin sya ng may-ari ng panaderya na si mang Lucio. Kaya siguro, napag-utosan ang dalagang mamimili. Sinadya ni Arnel na dumeretso para makasalubong at matingnan lamang si Stella. Napuna agad sya ng dalaga at napatingin din sa kanya. "Arnel? " Nagulat si Arnel sa nabanggit ni Stella Sa isip nya'y napatanong sya "Nakilala nya pa ako? " "Hi. Stella.. Hehe" Sabay kamot sa batok nya "tagal ka na rito? " Tanong sa kanya ng dalaga "uhm. Yung totoo, unang araw ko lang ngayon" Sagot ni Arnel "ah ganun pala, kaya ngayon lang din kita nakita" Ngumiti sa kanya si Stella at lumakad na nga papunta sa kusina. Habang si Arnel naman ay hindi makakibo. Hindi nya akalain na kilala pa pala sya ng magandang dalaga. ....... (1st half of the story)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD