ALAM MO iyong pakiramdam na parang tumigil sa pag-ikot ang mundo mo dahil sa nasaksihan mong pangyayari sa harapan mo. Wala ako sa sariling tumakbo papalapit sa lugar kung saan ko huling nakita na nakangiti ang anak ko bago maganap ang pagsabog nang pigilan ako nina Nero at Teo. “Bitiwan ninyo ako! Si Savio!” Ngunit kahit anong sabihin ko sa kanila, hindi nila ako pinakawalan. Masama ko silang tiningnan at halos magwala ako roon, pero kahit anong gawin ko ay hindi nila ako binibitawan. “Savio!” Kulang na lamang ay mapaos ako. Kahit ang ibang tao na naririto ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa dahil sa nangyari. Makapal pa ang usok kaya hindi ko makita kung anong nangyayari. May mga staff na rin ng hotel ang nagpakita ngunit maging sila ay natatakot pang lumapit sa lugar kung saan

