“HINDI ka uuwi ngayon, Mama?” Tumawag ako kay Angeline upang kumustahin si Savio, pero sinabi nito sa akin na gising pa ang anak ko at hinihintay ako. Mukhang inaasahan nito na uuwi ako ngayong gabi. Nakaramdam ako ng lungkot nang marinig ko ang boses ng aking anak. Gusto ko mang umuwi ngayon, sa tingin ko ay mas makakabuti muna kung hindi. “I can’t, Savio. Babawi si Mama next time, okay?” Huminga nang malalim si Savio. “Okay, Mama. Ingat ka po. Tutulog na po ako.” Napangiti ako kahit papaano nang malaman ko na naiintindihan ni Savio ang sinabi ko. Sobrang understanding ni Savio. Hindi nga lang niya maiwasan minsan na magtanong nang sobra, akala mo minsan ay matanda na ang kausap mo. “Good night, my little angel.” Tatapusin ko na sana ang pagtawag nang may ihabol ito sa akin kaya hi

