NAKATITIG lamang ako kay Yvo habang siya ay tahimik na nagmamasid sa pwesto niya. Akala ko ay may gagawin siya nang marinig niya ang sinabi ni Albert Caine, ngunit ikinabigla ko na nanatili lamang siya roon. Nakatingin lang si Yvo sa amin habang umiinom ng hawak niyang wine. This is not a good sign. Alam ko na ang katahimikan ni Yvo ay may kapalit na madilim na plano. His silence is never a good indication. Nang ilayo ni Yvo ang kanyang wine glass sa kanyang bibig, napansin ko ang madilim niyang pagngiti. Napalagok ako. That smile is a sign of mayhem. “Papa,” pagtawag ko kay Papa nang makalaya kami sa mga bisita na panay ang pagbati sa amin at pang-congratulate sa amin ni Ezra. Kanina ko pa gustong makawala roon. Gusto ko mang ipagsigawan na hindi ako magpapakasal kay Ezra, so their

