HINDI ko nagawang masabi kay Savio nang bigla kaming may narinig na ingay sa labas ng bahay at kasunod nito ay ang malakas na pagsigaw ni Ate Lilibeth. Agad na yumakap sa akin si Savio. “Mama, what’s that noise?” tanong sa akin ng anak. May pakiramdam ako pero ayokong isipin na nangyayari iyon sa aking bahay. Gunshots. Bakit may pamamaril ako narinig? Imposible iyan dito sa amin dahil safe a subdivision namin. Iyan ang una kong tiningnan bago ako bumili ng property rito. Kaya bakit may namamaril? Mahigpit kong niyakap si Savio. Kung saan-saan na naman lumilipad ang aking isipan. “I’ll check what happened downstairs. Stay here.” Umalis si Yvo. Tinawag pa siya ni Savio dahil mukhang natatakot si Savio sa nangyayari sa baba pero hindi na ito narinig pa ni Yvo at umalis. Dumating si A

