HINDI ko rin alam, how did I come up with that combination of a name. Simula nang malaman ko na lalaki ang aking anak, hindi na ako niliban ng pangalan na Savior. Well, he saved me. Siya ang nagbigay ng panibagong pag-asa at purpose sa buhay ko. Subalit over the time, nag-iba ang gusto ko. Salvator comes and derived from the Italian name Salvatore, which means savior. Nang maisip ko ang pangalang iyon, hindi ko makakalimutan ang naging pagsipa ng anak ko. Kaya sabi ko, maybe he likes his name, too. Vincenzo comes from his father’s name. Siguro dahil hindi ko naman maitatanggi na si Yvo pa rin ang tatay ng anak ko. Kahit sa pangalan man lang, maramdaman siya ng aming anak. Alam ko rin na pangalan ito ng late grandfather nina Yvo na hindi na nila nagawang makilala pa. It also means victori

