HINDI ko pa man napoproseso nang maayos ang impormasyon na naririto si Yvo sa kuwarto ko ay nakarinig na ako ng ingay sa labas. Hindi ko man nakikita ang nangyayari, alam ko na nagkakagulo sila roon. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Nabigla ako na makita ang isang guard. “Are you okay here, Miss?” Pasimple akong tumingin sa likod ko kung nasaan si Yvo kanina pero wala na siya roon. Gusto ko tuloy isipin na namamalikmata lamang ako kanina at wala talaga rito si Yvo. “I’m fine. Anong nangyayari?” “There’s a security breach, Miss. Mas maganda po na manatili kayo rito sa kuwarto ninyo para masigurado na ligtas kayo. The young master is also fine.” By young master, did he mean my son? Siguro nga dahil iyon din ang itinawag ni Ezra rito. Tumango ako at mabilis niyang isinara ang

