Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung ano ang naging usapan nina daddy at Marco. Mula kasi nang lumabas sya ay pareho silang hindi na bumalik pa. Nagsabi lang si mommy na uuwi na sila pero wala man lang akong narinig mula kay Marco. Mula kagabi ay ilang ulit ko na rin syang tinawagan pero hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone. "Hoy! Napaka-aga mo?" Tanong ni Marisa nang pumasok ako sa kwarto. Diretso ang tingin na nilampasan ko sya at sinilip ang natutulog nyang ina at naupo sa paanan ng kama. Nasa ospital ako ngayon kung nasaan ang mama nya. Agad akong nagbalik sa ulirat nang isa beses syang pumalakpak sa aking mukha. "Anong problema mo babae? Parang ang lalim ng iniisip mo ah?" Muling tanong nya saka ipinatong ang isang siko sa kama at ipinahinga ang kanyang ulo sa

