“Hey, are you okay?” Tanong ko kay Marco habang tinatahak ang daan patungo sa school. Hindi na kasi nawala ang pagkakunot ng noo nya simula pa lang makaalis kami ng bahay. Nakangiti syang lumingon sa akin saka tumango, “Yes, I am.” Tugon nya saka muling tumingin sa daan. “You sure? Ano ba kasing pinag-usapan nyo? I was gone for only a few minutes pero pagbalik ko hindi na maipinta ang mukha mo.” I worriedly asked. Hindi talaga ako mapalagay dahil pakiramdam ko may hindi sila magandang pinag-usapan for Marco to be this serious. “Did dad say something?” “Wala naman. We didn’t really talk about our relationship.” Aniya saka itinigil ang kotse sa gilid ng daan. “Marco.” Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago humarap sa akin, “Okay. May sinabi sya sa

