Panunukso

1777 Words

CHAPTER 18 YELLIX POV Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit parang nagbabago ang damdamin ko? Sa tuwing magkasama kami ni Joy, may kung anong kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Parang nahuhulog na ako sa kanya. Pero paano ko magagawang sabihin ito kay Keira? Ayokong masaktan siya, lalo na’t wala naman siyang ginawang masama sa akin. Habang nakaupo ako sa veranda ng aming apartment, sinubukan kong kausapin ang sarili ko. "Yellix, ano ba ‘to? Mahal mo si Keira. Mahal mo siya, di ba?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa malayo. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi ko maiwasang maalala ang mga ngiti ni Joy, ang mga biro niya, at kung paano niya ako tinitingnan na parang ako lang ang mahalaga sa mundo. Kinabukasan, nagkaroon kami ng pagkakataon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD