KABANATA 02

995 Words
Gabi na nang maisipan kong umakyat ng condo. Binili ito ni daddy sa'kin dahil hindi naman ako pwede sa bahay niya. Hindi rin pwedeng malaman ng lahat na may anak siya sa labas dahil masisira siya sa tao. Isa pa'y mula nang una niya pa lang akong makita alam kong ikinakahiya niya na ako. Ganito na talaga siguro ang kapalaran ko. Maging isang kahihiyan sa daddy ko at isang basura naman sa mama ko. Ni hindi ko na nga alam kung saan ang mas masakit doon. Nagiging manhid na nga ata talaga ako habang tumatagal. Nagpahinga muna ako saglit bago ako nag-take ng shower. Nakasanayan ko na itong maligo tuwing gabi. Ayoko kasi 'yung feeling na nanlalagkit ako pagkagising kinabukasan. "SANDY pizza na naman ba ang kinain mong dinner kagabi?" Tanong ni patty nang minsan itong dumalaw sa'kin sa condo. Sabado ngayon kaya nandito siya. Nang tanongin ko naman kung wala ba siyang gagawin ay tanging kibit balikat lang ang sinagot niya. Magulo rin talagang kausap ang isang laxamana. "Tinatamad akong magluto kaya nagpa-deliver na lang ako," Walang ganang sagot ko. "Kahit kailan ka talagang babae ka! Kung tinatamad kang magluto, edi sana pumunta ka na lang sa bahay namin at doon kumain!" Inis na bulyaw niya sa'kin. "Patty naman, Ke aga aga nanenermon ka na naman." Sabi ko. "Naku! Tigil-tigilan mo 'ko sandy at baka di kita matantiya diyan! Ke aga aga pinapataas mo ang BP ko." Nanahimik na lang ako. Kilalang kilala ko 'tong si patty nakakatakot 'to kung magalit, Walang sinasanto. Ayoko namang sapakin nito kaya shut up na lang ako. Si patty na ang nagluto ng lunch. Tutulungan ko sana siya nang pagbawalan niya 'ko. She still pissed kaya hinayaan ko na lang. I'm sure maya maya lang ay mawawala na ang galit nito. "You should eat healthy foods sandy! Look at you! Mukha ka nang kalansay," Ani nito. Napairap ako "I'm eating healthy foods patty 'tsaka hindi naman ako mukhang kalansay. Ang sexy ko kaya."  "Tss. Yabang!" Ismid nito. "Atlis may ipagyayabang ako." Nakangising sagot ko. Napairap naman ito at lalong napaismid. Napaka-pikon talaga ng babaeng 'to. "Nga pala, I heard about the art competition. Sasali ka ba?" Tanong niya. "No." Nagiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Art competion? Kung pwede lang siguro baka nakasali na 'ko. Ilang beses lang ba akong nakasali sa contest na gano'n? 2?4?6? Hindi ko na maalala sa sobrang tagal na. "But why?" Nagtatakang tanong nito. "Special guest si daddy doon."  Napabuntong hininga ito "Alam mo sandy sumosobra na 'yang daddy mo. Kapag ako di nakapagtimpi, Papabagsakin ko talaga 'yang company niya nang magamit ko man lang ang pagiging laxamana ko." Hindi ko siya sinagot. Naiintindihan ko naman kasi siya. Mula pagkabata kami na ang magkasama kaya pati siguro ang problema ko sa pamilya naaapektuhan siya. Minsan nga ay iiyak pa ito sa harapan ko at Ilalabas lahat ng hinanakit sa daddy at mama ko na dapat ako ang gumagawa. Ang swerte swerte ko kay patty pero napakamalas niya sa'kin dahil puro na lang problema ang binibigay ko sa kanya. Hindi kaya napaka unfair no'n para sa kanya?  Napabuntong hininga ako. Oo napaka unfair nga no'n. "But you know what sandy?" Nag-angat ako ng tingin ng muli siyang magsalita. Kumunot ang noo ko "What is it?"  "It's about Ark, my cousin..." Napatuwid ako nang upo ng marinig ko ang pangalan niya. Hindi ko alam kung saan ako nagsimulang ma-curious sa buhay niya. Ang alam ko lang ay nagising na lang ako na gusto kong alamin at kilalanin kung sino nga ba talaga si Ark Gabriel Laxamana. "What about him?"  "Ark will come on your birthday," Nakangising sagot nito. "W-What?" Gulat na sabi ko. Pupunta 'yon sa birthday ko? Oh come on!  "I talk to him at tinanong ko kung gusto niya bang pumunta sa birthday mo and surprisingly he said, yes."  Omg! Kung pupunta nga siya. I'm sure magiging masaya ako pero kahit nag-yes siya kay patty, Ayoko pa ring umasa. Knowing gabriel ilag 'yon sa mga tao. Impossible namang pumunta 'yon sa birthday ko, Sino ba ako para pag-aksayahan niya ng oras. Ka-dugo niya nga nilalayuan niya, ako pa kaya na bestfriend lang ng pinsan niya. I sighed. Itutuloy ko na sana ang pagkain ko nang may bigla akong maalala. "Katulad pa rin ba ng dati?" Tanong ko. Napatango naman siya "Yup. Dito pa rin naman sa condo mo. Same visitors lang din." Sabi nito. Napatango na lang rin ako. Mukhang planadong planado na naman ni Patty ang birthday ko. Kahit kailan talaga mas mukha pa siyang excited kaysa sa'kin. Sa totoo lang ayaw ko naman talagang mag-celebrate ng birthday. Si Patty lang talaga ang nagpupumilit na mag-celebrate kami. Sa tuwing birthday ko. Si Patty ang parating nag-aarrange, nagmumukha na nga siyang nanay ko sa sobrang abala tuwing birthday ko. Mga kakilala lang rin naman namin ang iniinvite niya. Si Kuya Patrick and their cousins. Minsan naman ay nakiki-celebrate din sa'min ang parents ni Patty, kung 'di sila busy. Nakakatuwa nga dahil para akong nakakita ng pangalawang pamilya sa kanila. They care for me 'di tulad ng mama at daddy ko. Ni hindi man lang nga ako binabati ng mga 'yon sa tuwing birthday ko, o kaya kapag may special occasion like christmas and new year. Wala talaga akong halaga sa kanila. I sighed once again...... GABI na nang nakauwi si patty dahil dito pa ito nag-dinner. Kung hindi pa siguro tumawag si Kuya Patrick baka dito pa 'yon natulog. Napailing na lang ako sa kakulitan ng bestfriend ko. Oo minsan napaka-sungit niya pero nagsusungit lang naman siya kapag may ginawa akong ayaw niya. She's sweet, brat and a certified laxamana. Si Gabriel. Isa rin siyang laxamana at pinakabatang C.E.O sa kumpanyang iniwan ng parents niya sa kanya. Mahirap din siguro ang pinagdaanan niya sa buhay kaya ganiyan siya katigas ngayon. Hindi kaya siya nahihirapang ipagsabay ang pag aaral at ang pagiging C.E.O niya? Kaklase ko siya sa tatlong subject pero ni minsan ay di kami nagkaroon ng pagkakataong mag usap. He always keep distance to everyone. Pagod na tinapos ko na ang paglilinis ko sa mga kalat namin ni patty. Kung ano ano pa kasing pinanggagawa namin kaya parang na-disaster 'tong condo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD