ASHNIA CYPEACH POV
Sabado ngayon at alam kong walang mangangambala sa aking pahinga.
"Anong ulam?"tanong ko sa kaibigan ko,dalawa kasi kami dito sa condo ko.
"May Bacon pa jan at itlog kainin mo nalang"saad nito kaya tumango ako at kumain.
"Mall tayo boring eh"saad ko habang papunta sa sofa kung nasaan sya naka upo,
"Libre mo?"tanong nito,nang maka upo na ako sa upuan.
"Wow ha libre ko talaga eh ikaw nga lamon lang nang lamon"saad ko dito,lagi syang kumain kaso ngalng di bumibili nang pagkain dito.
-----
Nandito kame sa resto kumain at kakatapos lang namin namili nang mga pagkain sa bahay.
"Si Lance yun diba? Kasama si Ashxia"saad nito,kaya napatingin din ako sa tinitingnan nya. Si Lance with Ashxia ang Pumunta sa Office ni lance nung tuesday.
"Hayaan mo na"saad ko dito,alam nya na ex fiancé ko si lance dahil isa sa taong nakakaintindi din saakin.
"Tsk the b***h"bulong nito,
"Alam mo? Nakakagigil kadin minsan,kase alam mo sobrang bait mo sa taong nang g*go sayo"dugtong nito,kaya napahinto ako. She's right ang tanga ko na naging mabait ako.
"Di ko naman masisi kung ganto na talaga ako"saad ko dito.
"Tsk,kaya ka naapakan eh. Laging puso hindi utak,bhe wake up wag kang masyadong maging mabait.gusto mo paulit ulitin kang g*gohin"saad nito,na nakatingin saakin.
"Di ko masisi sarili ko na nagpakatanga ako sa taong maloloko,at alam mong hindi ko masisi na ganto ako pinanganak. Alam mong ito na ako,mabait maypagkademonyo minsan pero may awa ako sa kapwa. Di ako yung tipo nang taong makasarili"mahabang linta ko dito,
"Kaya pala binigay mo sya?"