Chapter Two - Memory2

1546 Words
FLASHBACK CONTINUATION... Nag-umpisa ng lumubog ang araw ngunit hindi pa rin magawa ni Sharinang umalis sa puntod ng mga magulang. Mangilan-ngilan na lang din sila sa sementeryo. Tumingala siya sa langit at pinuno ng hangin ang dibdib. Saka nilinga ang tatlong kaibigan na matiyagang naghihintay sa kanya sa kanyang kotse. Tipid siyang ngumiti at ibinalik ang pansin sa puntod. "Good bye Dad, Mom, sana ay masaya kayo saan man kayo ngayon. Hindi ko po alam kung paano ko maipagpapatuloy ang buhay ko ng wala kayo.", mahabang anas ni Sharina. "Patawad sa pagsuway ko sa inyo noon. Pero kung ang pag-manage ng kumpanya ang kapalaran ko ay tatanggapin ko po ng buong puso." Muli ay nag-umpisa na namang dumaloy ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. "I love you both.", paalam niya sa mga magulang. Marahan niyang pinahid ang kanyang mga luha bago tumalikod at nagpasya ng lumisan. Tahimik siyang naglakad palapit sa mga kaibigan na kanya-kanyang sandal sa sasakyan. "Okay ka lang?", tanong ni Iza ng makalapit si Sharina. Matipid naman itong ngumiti saka tumango. "Kaya mo na bang mag-drive?", tanong naman ni Kyla. Sa tatlo niyang mga kaibigan, ito ang pinaka-mapagbiro. Pero dahil sa sitwasyon niya, hindi nito magawang magbiro at nanatiling seryoso. "Kung gusto mo, ako na lang ulit ang magdrive.", suhestiyon naman ni Chrystin. Muli siyang ngumiti. This time, hindi na pilit. Umiling siya sa mga ito bilang sagot. "Thank you so much for being there for me guys. I owe you a lot. Salamat sa concern. But, I can manage. I need to be strong. I'm Sharina Martinez, remember?", saad ni Sharina sa mga kaibigan. Sumilay naman ang ngiti ng tatlo at nagkibit-balikat pa. "Okay, if you say so.", sabay-sabay pang sambit ng mga ito at kanya-kanyang bukas pa ng pinto ng sasakyan saka nagsipagpasok. ..... "So, what's your plan now?", tanong ni Chrystin ng palabas na sila ng sementeryo. Katabi niya ito sa harap, nasa likod naman ang dalawa pang kaibigan. "I don't know yet.", sagot naman ni Sharina na nasa daan ang tingin. "Are you going to give up your job to be the next C.E.O of Martinez Paper Links?", muling tanong ni Chrystin sa dalaga. MPL is a publishing company na pinaghirapang itayo ng kanyang daddy. Ngunit wala naman doon ang kanyang interes noon kaya ipinagpilitan niya ang kanyang gusto at sinuway ang mga magulang. Na kanya namang pinagsisisihan ngayon. Nagpakawala tuloy siya ng malalim na buntong-hininga. "What was that for?", usisa ni Kyla. Tumunghay pa ito mula sa likod. Tumingin si Sharina sa rear-view mirror at pinasadahan ng sulyap si Kyla at Iza na parehong napasandal pa sa backseat. "Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto kong gawin ngayon sa buhay ko.", amin niya sa tatlo at muling itinuon ang pansin sa daan. "Pakiramdam ko hindi pa dito nagtatapos ang lahat." "Anong ibig mong sabihin bhe?", kunot-noong tanong ni Iza. "Ewan ko nga rin ba.", pa-kibit-balikat na sagot ng dalaga. ..... Nadatnan ng apat sa malawak na salas ng Martinez Residence ang abogado ng pamilya, si Krisel at ang tito Manuel niya. Natigil ang tawanan ng mga ito ng makita sila. "Sharina, pwede ka ba naming makausap?", sabi ng tiyuhin niya. "Mauna na kami sa taas Babz.", sabi naman ni Chrystin. Tumango lang si Sharina sa mga ito. Nang makaakyat ang mga kaibigan ay nanatili lang nakatayo ang dalaga sa bungad ng sala. "Maupo ka.", utos ni Manuel. Tumalima naman siya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Sharina. Alam naman nating lahat na hindi maganda ang nangyari sa inyo ng mga magulang mo noong huli kayong magkita. You even escaped and gone to find that d*mn job.", mahabang litanya ng lalaki. "Tito, what happened that night is between me and my parents. And dont you ever call my job as if its the worst job on Earth.", tanggol ni Sharina sa sarili. "Baka nga mas desinte pa iyon kesa sa pagkatao mo." Amused na tinignan ng tatlo ang dalaga. "Whoa! Sharina, dear, don't talk as if you are the greatest!", sansala naman ni Manuel sa pamangkin. "Ang mabuti pa attorney, sabihin mo na sa aking pamangkin ang sadya mo dito." Nalipat ang tingin ni Sharina sa abogado. Napatikhim naman ito bago magsalita. "Well, I have here with me your father's last will and testaments, Sharina.", panimula nito. "Ganun ba kayo kaatat dyan at ni hindi pa nga ako nakakapagbabang-luksa ay yan na agad ang ibinubungad niyo?", galit na asik ni Sharina. Napipilan naman ang abogado at tumingin kay Manuel. "Que ngayon o bukas o sa makalawa niya babasahin ang testamento ng kuya ay parehas lang yun! Ba't pa papatagalin?", angil naman ni Manuel sa pamangkin. Nanlisik ang mga mata ni Sharina dahil doon. Naghihimagsik ang kanyang kalooban. "Go on attorney.", muling utos ni Manuel sa abogado. Napatikhim muli ang abogado at napaayos ng upo. Una nitong binasa ang introduction ng will, pangalan ng kanyang daddy, na kasal ito sa kanyang mommy at may nag-iisa silang anak at siya nga iyon. Sunod nun ay ang disposition ng properties ng mga ito. Unang nabanggit ang pangalan ni Sharina, na nagsasabing makukuha niya ang trust fund niya pagkalipas ng tatlong buwan mula sa araw ng kamatayan ng kanyang mga magulang, ang four-door apartment nila na ang isang unit ay siyang tinutuluyan niya ngayon, at ang isang account sa bangko na anytime ay pwede na niyang i-claim. Nangunot ang noo niya ng magpatuloy ang abogado lalo na ng mabanggit ang pangalan ng tiyuhin niyang nagsasayaw ang kasiyahan sa mga mata. "Martinez Residences, Martinez Paper Links, and our rest house in Baguio will be inherited by my only brother, Manuel Martinez.", saad ng abogado. Hindi na nito naituloy ang pagbabasa ng gimbal na napatayo si Sharina at magprotesta. "What?!", galit na sigaw ng dalaga. "How could Daddy do that?! How could he give the company to you while all this time you are not in good terms with him?!" Manuel just smirked and looked to his brother's lawyer. "Sharina, iha, mismong ang daddy mo ang nag-utos nito. He signed it on his free will. See it for your self.", anang abogado sabay abot sa kanya ng folder na kinalalagyanng last will and testament ng daddy niya. Padaskol niyang kinuha iyon at binuklat. Pirmado nga iyon ng daddy niya. Pati na rin ng mommy niya na nagsilbing witness. "How could this happen, attorney?", nagugulumihang tanong ng dalaga. "Nagkabati ang daddy at tito mo noong sumunod na mga araw pagkaalis mo, Sharina.", sagot ng abogado na para bang makukuha niya lahat ng kasagutan sa sinabing iyon ng lalaki. Maang na napatingin si Sharina sa nakangising tiyuhin. "You manipulated my Dad, dont you?!", matapang na akusa niya dito. Dumilim ang mukha ng lalaki samantalang si Krisel ay naniningkit ang mga matang nakatitig sa kanya. "Don't you dare accused my husband that way Sharina!", hindi napigilang sabad ni Krisel sa tatlo. "Husband?! Why, are you two married?? And why are you here Krisel? Are you part of the family?? Huh?! Or if I'm not mistaken, you are also after my family's wealth.", mahabang saad ni Sharina. Malakas na napasinghap si Krisel at namumula ang mukhang tumingin sa katabing si Manuel na wari ba'y batang nagsusumbong. Sharina rolled her eyes upward. Padabog na initsa ang hawak na folder sa center table ng sofa. "How dare you talk to Krisel that way, Sharina.", ani Manuel sa nagtatangis na mga ngipin. "Get out of my house!!!", sigaw nito sabay tayo at hinaklit din siya mula sa pagkakaupo saka hinila palabas ng bahay. Napangiwi si Sharina dahil sa masakit ang pagkakahawak sa kanyang braso. "Let go of me, tito Manuel! This is not your house!", pasigaw ding sabi ng dalaga at marahas na binawi ang kanyang braso. Binitawan naman siya ng kanyang tiyuhin. "Of course its mine Sharina.", ngisi nito sa kanya. "Nakalimutan mo na ba?", sabay sulyap pa sa dokumentong initsa niya sa lamesa. Yumuko si Sharina at rinig niya ang pagtawa ng walang hiya niyang tiyuhin. "Pack your things and leave! And don't you ever come back! I don't want to see your face anymore, niece!", nakangisi pang saad nito. Matapang na sinalubong ng tingin ni Sharina ang tiyuhin. "Sure tito Manuel. But let me tell you that I will bring this in court!", saad niya sabay talikod sa mga ito at nagtungo sa kwarto niya kung nasaan ang mga kaibigan. "That's no use, my dear niece!", narinig niyang sigaw ng tiyuhin. "The hell I care!", sambit ni Sharina sa sarili. Pabalibag niyang binuksan ang pintuan ng kwarto na ikinagulat ng tatlo. "Oh bakit sambakol ang mukha mo?", agad na tanong ni Kyla. "Pack your things and we'll leave.", walang emosyong utos ni Sharina sa mga ito. "Akala ko ba, dito muna tayo mag-stay?", nagugulumihang usisa ni Chrystin. "This is not my house anymore.", sagot ni Sharina na initsa ang luggage sa kama. "Uh okay.", sang-ayon ni Iza at tinanguhan ang dalawang sumunod na lang sa sinasabi ng kaibigan. Tahimik na nag-empake ang apat. At sabay-sabay na ring bumaba. Pasakay na sila ng kanyang kotse ng masulyapan niyang nakangisi at nakapameywang ang tito Manuel niya sa kanila, katabi nito si Krisel na malanding nakayakap sa likuran ni Manuel. Napabuga ng hangin si Sharina at dali-dali nang sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot ito paalis sa lugar na iyon.  .......................................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD