-=Brielle's Point of View=- Tatlong linggo na ang nakakalipas nang magsimula ako sa trabaho ko kay Ate Glenda, noong una talaga ay nakakapagod dahil makailang beses akong kinakailangan personal na pumunta sa mga units na pinapaupahan. Sa tuwing may problema kasi sa unit ay kinakailangan na ako ang umayos o tumawag ng mag-aayos non, pero habang tumatagal at lumilipas ang mga araw ay nagagamayan ko na din ang bago kong trabaho. "Gemma mauuna na ko>" paalam ko sa kasamahan ko, kakabalik lang nito dalawanag linggo na ang nakakalipas nasabi na din kasi sa akin ni Ate Glenda na dalawa ang dati niyang assistant at isa na nga si Gemma sa mga ito. Nagleave lang kasi ito ng dalawang linggo dahil kinakailangan umuwi ng probinsiya. "Eh di mauna ka." iritable naman nitong sagot sa akin. Hindi

