-=Michael Ethan's Point of View=- "Sir ok lang po ba kayo?" narinig kong tanong ni Roger habang nakatutok ang mga mata nito sa pagmamaneho. Alam ko naman kung bakit nito natanong iyon, dahil iyon sa paulit ulit kong pagbuga ng hangin, napansin siguro nito na parang wala ako sa sarili ko ng mga oras na iyon. "I'm ok, just keep on driving." walang kabuhay buhay kong sagot dito. Halos isang linggo kong sinundan si Brielle para malaman kung makakahanap ba ako ng pagkakataon para makabawi dito, pero sa loob ng ilang araw kong pagsunod sunod dito ay wala akong nalaman na kahit na ano. Wait! There is one thing I actually realized, and that is how much of an asshole I am. Nabulag ako ng galit sa puso ko ng dahil sa nangyari kay Nanay na nawala sa isip ko na may isang tao ang nagpakita ng k

