-=Michael Ethan's Point of View=- Bigla akong napahawak sa dibdib ko at muli ay pinakiramdaman ko ang eratikong pagtibok ng puso ko ng mga oras na iyon. Mas lalong bumilis iyon ng maalala ko ang nangyari kanina sa opisina ni Glenda, muling nagbalik sa akin ang mga oras ng matitigan ko ang maamo nitong mukha. Hindi ko alam kung paano o bakit, pero namalayan ko na lang na para bang kumilos ng kusa ang kamay ko at banayad na hawakan ang makinis na mukha ni Brielle. Hindi ko naiwasan mapapikit na para bang nararamdaman ko pa ang makinis at malambot na pisngi ni Brielle. Oh if I can only feel her like that. Nang mga oras na iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko ng ilapit ko ang mukha ko kay Brielle, and to my delight she just closed her eyes na para bang hinihintay nitong gawin ko an

