EHC 5

4413 Words
LEIRA'S POV So yun matapos yung pangyayari kanina ay parang nawala na lang ako bigla sa mood at hindi ko alam kung bakit, parang may kung ano sa sarili ko na biglang nainis simula nung nagkatitigan kami ng masama nung gunggong kanina. Bwisit na yon, nausog pa ata niya ako  Kanina nung magkausap kami ni Lenard ay bigla namang dumating si rochelle, inaya ako na mag recess kaya agad akong napalingon sakanya. "Bekss ! Tra kain tayooo, nagugutom nako " sabe ni rochelle, tumango naman ako kay rochelle at saka ako bumaling ulit kay lenard. "Wait, Una na ako ah?? Text mo na lng ako pag try out nyo na" sabe ko sabay talikod. matapos ang usapan na yun si rochelle ay agad akong hinatak at nagmamadali na makapunta sa canteen kaya naman sumunod na lang ako. "Hoy ano ba? bat parang nagmamadali ka??" tanong ko sakanya, kasi para kaming tanga na ambilis bilis ng lakad namin pababa ng hagdan. "May ikwekwento ka sakin kala mo ha!" sagot niya habang ngingiti ngiti sakin at hatak hatak ako. Habang papunta kaming canteen ay maraming mga lalake ang mga nagpapansin samin, maganda kaming dalawa at yung ang totoo, maputi ako morena naman siya tas singkit ako habang siya naman ay bilugan ang mata. Tsaka halos lahat ata ng lalake dito sa campus kilala kami, mula junior high ay talagang pansin na pansin kaming dalawa tuwing lalakad kami mapapatingin sila, at tuwing mag isa ang isa sa amin ay lalapitan kami upang makipag kilala sa amin. Halimbawa na lang "Hi leiraaa" sabe ni ryan, isa siya sa mga nagkakagusto sakin "Hi " sagot ko "Kakain ka?? " tanong niya "Siguro hindi? nasa canteen kasi tayo e" pilosopong sagot ko "Ahhh sabay na tayo " nakangiting sabe niya "Ahh may kasabay ako e" nakangiti lang na sabe ko "Uy beks taraaa na" biglang hatak sakin ni rochelle. "sige na byee " kumakaway kong sabe. Ganon ako, pag hindi ko trip yung kausap ko binabara ko talaga para tumigil na agad, ayoko kasi sa lahat yung masyadong papansin ang gusto ko yung normal lang hindi yung ganon. Tsaka pag gusto mo naman pansinin ang tao e kusa mong mapapansin yon diba?  Paglapit namin sa counter ay umorder na agad kami ng makakain namin, sa aming dalawa ako ang hindi  malakas kumain pero etong si rochelle ay malakas ! daig niya pa yung lalake kumain pag gutom siya pero ang maganda naman don hindi siya tumataba, galing no?  "1rice nga po tsaka isang hotdog" order ko sabay abot ng pera "Ang konti mo talaga kumain kaya lagi kang nahihilo e, tamo ampayat payat mo! mukha kang hindi kumakain ano na lang sasabihin ng mama mo? hindi ko inaalagaan bespren ko??!  " sabe ni rochelle, ganyan siya lahat ng bagay sakin napapansin niya siya yung naging parang tagapag alaga ko kasi parang wala talaga akong pake sa nangyayari sakin o sa paligid ko parang go with the flow lang ako lagi, mamamatay din naman e. "Wag ka ngang OA hahaha, alam mong hindi ako malakas kumain" sagot ko "Hindi e! minsan malakas ka kumain e tapos minsan hindi ang gulo ng sikmura mo e" "Baka wala lang ako sa mood" maikling sagot ko sabay abot ng bayad sa tindera "Thank you po"  dagdag ko pa tsaka ko dinala sa bakanteng table yung order ko. "Beks wait naman!! Eto po bayad oh " rinig ko pang sabe niya, nang makabayad siya ay agad siyang naupo sa harap ko. "So wala ka sa mood?" tanong niya, nag kibit balikat lang ako sabay ko tinukod yung dalawang siko ko sa lamesa at tumingin ng diretso sakanya. "Nausog ata ako e" maikling sabe ko kaya napangiti siya "Ano ba! hahahaha wala tayo sa probinsya ha? wag kang mag imagine jan ahaha"  "Tanga seryoso ako " sabe ko sabay subo ulit "Kanina kasii--" "Ahhhh ! alam ko yan hheehe" nangingiting sabe niya pa habang nakaturo sa mukha ko "Ang alin?"  "Yung nangyari sayo kanina bwahaha" "We ba?"  "Oo nga" "SIge nga ano?" Umasta pa muna siyang nag iisip bago muling tumingin sakin at ngumiti na mapang asar. "Ano ba kasi yon! parang ewan hahaha" "Ayun naalala ko na " sabe niya sabay punas ng bibig " Balita ko may nakaaway ka ah, binatukan mo daw haha" "Ibang klase din.. panong nakarating sa building niyo yon? eh ABM ka hahaha" natatawang sabe ko dahil nagulat talaga ako sa totoo lang "Tsaka hindi ko siya kaaway" "Wow parang bago pa sayo ah? hahaha sikat ka dito teh hindi ka na dapat magulat " "Mga chismosa ! HHAHAA " singhal ko dahilan para matawa siya "Hoy hindi ako ah, kasalanan ko ba na sa akin bagsak ng lahat ng chismis dito HAHAHAHA" natatawa pang sabe niya "Ang liit na bagay lang nun a? tsaka panong may nakaalam e sa loob ng classroom nangyari yun e" "Aba ewan ko hahaha, kasalanan ko ba na maraming nakabantay sayo jan bwahahaha" "Leche sila " "So ano kaaway mo nga? de i mean pano nag umpisa yung away niyo?"  Tanong niya kaya naman kinuwento ko lahat ng nangyari kanina, mula sa pang gigising sakanya nung isang babae hanggang sa batukan ko siya, magkainitan kaming dalawa at sa part na kinausap siya ni maam sa labas. "Hala grabe naman pala yon, nakakatakot " sabe niya pa, pero ngumiwi lang ako "Takot kana don? Sampalin ko pa yung gunggong na yun e" "Loko, sa kwento mo kasi parang anytime pwede siyang manakit ng babae" biglang sabe niya kaya napatingin ako  "Feeling ko hindi niya kaya yon" sagot ko "Ang alin? ang manakit ng babae?"  "Oo" "Bakit?" "Wala, parang nakikita ko lang sakanya na hindi niya kaya" "Hindi ka nakakasigurado jan, pano pag biglang kang sinapak non? edi hospital bagsak mo niyan? mag isip ka nga puro ka yabang e"  "Hindi niya kaya gawin yon " madiin na sabe ko "Pano ka nga nakaka siguro?"  "Kasi kung kaya niyang saktan ako, edi sana kanina pa lang ginantihan na niya ako diba? e nung malaman niya na ako yung bumatok sakanya ni hindi na siya umimik, tumitig lang siya sakin ng masama" mahabang sabe ko kaya medyo hindi nakasagot si rochelle "Tingin ko pikunin lang yon " dagdag ko  "Ahh parang ikaw pala siya?" biglang sabe niya kaya kumunot noo ko "Bakit?"  "Parehas kayong pikon bwahahaha" pang aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Peacee hehe" Tumahimik saglit ... "Balita koooo cute daw eh " nakangiting sabe niya "Oh e ano naman ngayon?" sabe ko pa sabay kain "Edi cute nga? yieee ! " knikilig pa na sabe niya "Sakto lang, may itsura siya e, medyo maputi, matangkad pero di ko siya type" sagot ko, pero di na ko nakatanggap ng sagot sakanya. kaya dahan dahan kong inangat ang paningin ko sakanya, nang magtama ang paningin namin alam ko na nanunukso na siya, dahil yung ngiti niya ay abot tenga niya kaya natawa nako. "Pwede ba? wag kang mag imagine? haha wala yon okay?" natatawa kong sabe "Bakit? wala naman akong sinasabe ah? " "Oh bat ngiting ngiti ka?? haha tigilan mo nga ako para kang tanga jan haha" "Yieeeeei ikaw ah  hahaha! " sabe niya habang pumapalakpak " isinilang na ang lalake makakapag patibok sa puso ng isang LEIRA DOYLE !! yieeeee !! " sabe niya habang ngiting ngiti talaga siya sakin na parang tanga. "Baliw! tigilan mo nga ako, di ko siya type  ang yabang nung dating niya nakakairita" "Weh ba?  " "Oo " "Pero kahit na no! cute na matangkad na yon e! answerte mo namaaannn " parang naiinggit na sabe niya. "Anong swerte don ha!? Cute nga pero pikon naman, matangkad nga, payat naman ano mapapala ko don hahaha " singhal ko sakanya "Basta hindi ko siya type " "HIndi ko naman sinasabe na type mo ah! ikaw ha hahaha nahuhuli ka ng sarili mo e" sabe niya sabay tapik sa balikat ko. "Eh sa abnormal ka kasi ahahha! tsaka alam mo ba? " sabe ko  "ANo?" "Sayo nakatingin yon kanina" pag sisinungaling ko dahilan para manlaki yung mata niya "Ta-talaga? " tuwang tuwang tanong niya "Oo nga" "Wehh baka pinagtitripan mo lang akooo !" "Bahala ka kung ayaw mo maniwala hahahaa"  "Parang tanga naman to, ano nga kasi? totoo ba na sakin nakatingin??" Di na ko sumagot at tsaka na ako tumayo tas luminga linga sa paligid, nang  muli akong bumaling kay rochelle ay muntik akong matawa dahil yung itsura niya ngayon ay nag iimagine na  "Oyy! tama na imagine haha joke lang yon hahaha." anyaya ko sakanya saka ako dumerecho palabas. narinig ko pa siyang humabol pero di nako lumingon. "Uyy di nga totoo ba yun?? " pangungulit niya "Hindi! joke lang yon HAHAHA" "Nakakainis ka naman e! paasa ka !" "Hilig mo kasi umasa e" pang aasar ko, kaya sinamaan niya ako ng tingin "Kayden Moore, yun yung pangalan niya" sinabe ko na lang, mukhang type niya e "Ano gagawin ko sa pangalan na yan?!" singhal niya "Pangalan niya yon" "Talaga?" "Oo" "Wait search ko sa sss" sabe niya bigla kaya natawa ako "Tae to ang harot mo ahahahaha" "Hhahahaha tungek isesearch ko lang maka maharot to.. ganda ganda ko e " sabe niya sabay hawi ng buhok dahilan para magtawanan kami habang nag lalakad. Habang naglalakad kami sa quadrangle ay napag desisyonan namin na pumunta ng library para tumambay dun at magbasa na din. Sa library Pagpasok namin nag tap muna kami ng ID namin sa computer don para malaman kung sino yung pumapasok at lumalabas sa library. Pagtapos namin mag tap ay nag dirediretso ako sa fiction book section para dun maghanap ng pwedeng basahin, mahilig kasi ako sa fiction at  sa romantic comedy. Pag wala ako sa library at sa CP ako nagbabasa ng kwento alam niyo yung w*****d? yun dun ako nag babasa. Habang namimili ako ay biglang nagsalita si Rochelle "Beks, alam mo hanggang ngayon nagtataka ako e" "San naman?" sagot ko, habang namimile pa din ako "De kasi, andami dami mong— "Yan ka nanaman e uulitin ko pa ba sayo?"di ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil alam ko na yun. "Wala ka ba talagang type sa mga manliligaw mo??" tanong niya, sakto naman na nakapili nako kaya naupo nako sa mesa na malapit don tsaka ako humarap sakanya. "Meron naman,di naman ako manhid no" "Eh ayun naman pala e, bat ayaw mong ientertain? " "Wala pa kasi talaga siya sa isip ko sa ngayon, tsaka ang korni" "Ganun talaga pag nagmamahal ka, Korni talagaa yun ano ka ba" "Aanhin ko ang pagmamahal na yan? Mapapakain ba ako niyan? " sabe ko kasi naiirita nako , paulit ulit siya e. "Ang OA mo naman, papakainin agad? bakit kung sakali bang may sagutin ka sa mga yun sila na ba agad yung makakatuluyan mo? Pwede naman na fling fling lang ah, inspirasyon lang ganun." "Quiet please! nasa library po kayo wala kayo sa palengke" biglang sabi ng isang teacher "Ay sorry po, " sabay naming sagot "Ikaw kasi e" sabe ko "So ayun na nga, ano na nga ulit yung sinasabe ko kanina?" "Sa mga manliligaw ko" walang ganang sagot ko "So bakit nga ayaw mo pa?" "Kasi nga, bat ka mag sosyota kung fling fling lang o kaya kung inspirasyon lang, anjan naman sila mama para sa inspirasyon e. Tsaka pano kung sa kaka fling fling mo na yan nahulog ka talaga sakanya? Minahal mo talaga siya pero siya hindi, fling fling pa din edi nasaktan ka lang,o diba tapos kapag nasaktan ka made depress ka pag na depress ka magpapakamatay ka, o di ba nonsense" Naiwan nanlalaki ang mata niya matapos ko sabihin lahat yun, para siyang tanga na gulat na gulat sa mga narinig niya. Kaya di ko na siya pinansin at nagtuloy na ako sa pag babasa ko, pero maya maya lang "Grabe ka.. patay talaga agad?? " gulat na gulat talaga siya. "Tangeks dun din naman punta nun ah" natatawang sagot ko kasi mukha tlaga siyang tanga.  Sineryoso ata yung sinabe ko. "Ang OA mo ah, pero gets ko yung point mo" "Hmm diba" "So gusto mo yung pang forever na talaga? Yung pang habambuhay na ganun?" "Natural ayokong sayangin yung pagmamahal ko sa tao no, kaya hanggat maaari sana yung taong makakapag patibok sa puso ko, sana siya na yung una at huli ko" malumanay na sagot ko pero wala akong nakuhang sagot kaya napalingon ako at pagtingin ko sakanya ay nakangiti na siya sakin, pero hinding ngiting nangaasar kung hindi ngiting tuwang tuwa siya sa sinabe ko ganun.  "Bakit?? haha gulat na gulat ka ah" natatawang sabe ko "Natutuwa lang ako, may alam ka pala kahit papaano sa lablayp haha"  "Natural ! anong tingin mo sakin alien? buang kaba ? haha"  Beep Biglang tumunog yung phone ko kaya agad kong kinuha yon at pag tingin ko ay may message na si Lenard kaya alam kong try out na nila. Hindi ko na binasa yung message tapos agad kong ibinulsa yung cp ko at  saka tumayo. "Bakit?" tanong ni rochelle. "Pinapapunta ako ni Lenard sa try out nila e" sagot ko "Oh si Mr.Right? hehehe" "Sira! tara na nga" Yun lang at pag kabalik namin nung librong hiniram ko ay agad kaming naglakad papalabas ng library, habang naglalakad ay tinukso niya pa ako kay lenard nun pero di ko na lng pinansin dati pa talaga niya ako tinutukso kay lenard kaya nasanay na lang ako. Nung malapit na kami sa Gym ay nakita ko si Claire na papasok din sa Gym kaya naman nagmadali kami para sundan si claire, hinabol namin siya papaloob at dun nanamin siya inabutan. Si Claire pala ay matalik ko din kaibigan, siya yung mga nakakasama ko sa quiz bee mula nung junior high pa lng kami. dahil dun nabuo yung friendship naming dalawa astig dba?? so ayun na nga pag pasok namin ng Gym ay may naglalaro na, hinanap ko sa naglalaro si lenard pero wala siya, didiretso na sana ako kila claire nang maalala ko kasama pala magtatry out ni lenard yung gunggong  kanina kaya agad siyang hinanap ng mata ko pero wala din.  Asan yun??  Hinayaan ko na lang at saka kami lumapit kay Claire habang papalapit ako parang may nginingitian din siya pero di ko na lng pinansin agad na lng akong lumapit sakanya "Claireeee !! wahhh duddee ! " tawag ko sakanya, dude yung tawagan namin.   "Yiiieee duuddee !! " Tili niya sabay yakap sakin, tas nag ngitian naman sila ni rochelle at nag beso din. "Ano ginagawa mo dito? " tanong ko "Tatambay lang sana, katamad pa umuwi e kayo? ano ginagawa niyo dito?"  "Pinapunta ako ni lenard e "  "Uyyy ikaw haaa?? di ka na nagkwekwento sakin haha" nangaasar na sabe niya " Wag ka nga!  alam mo naman na kaibigan ko lang yun e haha"  "Bakit kasi kaibigan lang? nakakainis ka naman e" nakangusong sabe niya "Dude naman eh " nakangusong sabe ko, kasi naguumpisa nanaman sila e "Biro lang ano kaba haha, nga pala may papakilala ako sayo " PRIITTTTTT !! Mag rereact sana ako pero dahil nagulat ako sa tunog ng PITO na yan ay napalingon ako sa court, mukhang tapos na yung game kaya ayun di ko namalayan na may tinatawag na pala si Claire sa likuran ko. Panay ang wasiwas niya ng kamay niya samantalang ako ay hindi naisip na seryoso pala talaga siya. Naramdaman ko pa sa likuran ko na may papalapit pero di muna ako lumingon kasi di naman ako interesado, nung nasa likuran ko na siya ay mabagal akong lumingon para tingnan kung sino yun, pero laking gulat ko ng makitang si Gunggong pala to. "Ikaw??! " sabe ko habang nakakulot yung kilay ko "Magkakilala kayo? " takang tanong ni claire. "Hindi, Pero kilala ko to sa mukha" sabe ko habang nakaturo pa sa mukha niya pero di pa din nagsalita si gunggong, kasama niya pang lumapit yung asungot niya. "Ahh, ahmm kayden si leira pala bestfriend ko ganda niya no? " Pagpapakilala sakin ni claire "Ahhhh " walang ganang sagot ni kayden "Ay halaaaaa  siya ba yun beks?!! " biglang sigaw ni rochelle "ikaw yun?? !! " sigaw niya ulit sabay abot ng kamay kay kayden. "Ako nga pala si Rochelle, Kaibigan nila akong dalawa masayahin ako tas madaldal din and masarap din kasama, sana maging close tayo.." mahabang sabe niya habang nakangiti at yung kamay niya nakaangat parin, parang inaantay niya ata na kamayan siya ni kayden.  Konting  katahimikan ang namutawi samin kasi nagulat kami sa iniasta niya, halos lahat kami nagpipigil ng tawa maliban sa amin ni kayden.  Bad boy persona huh? hindi bagay sayo Hindi naman siya pogi e, may itsura nga mukha namang mayabang, matangkad nga payat naman wala kwenta mas pogi pa yung kasama niya. "Uy leiraaa ! ambilis mo ah" masayang bati ni lenard sakin mukhang kararating niya lang , pero mukhang badtrip siya  nakikita ko sa mata niya "Hmm nagpunta agad ako pag text mo e" nakangiting sabe ko "Buti pumunta ka hehe"  "Sabe mo pumunta ako e diba? "  "Ah oo hehe" sagot ni lenard. sabay baling niya kay kayden may sinabe siya dito pero di ko na pinansin, kasi nakatingin talaga si kayden sakin ng diretso, as in sa mata sa mata talaga. Iniwas ko na lang yung paningin ko sakanya tapos saka ako naupo sa tabi ni  claire, si rochelle naman ay napahiyang naupo na lang din, maya maya lang biglang nagpaalam sila lenard samin "Uy tinatawag na kami, lalaro na e" si lenard "Hmm sige" sagot ko "Goodluck sa inyooo !! Kaya niyo yan ! Fighting " sabe ni claire habang itinaas yung isang kamay niya na naka fist bump dahilan para mapansin ko na biglang lumawak yung ngiti sa mukha ni kayden at tumango, nag ayos pa siya ng damit at tumingin ulit samin pero sa pagkakataon na to ay lahat na kami ay tiningnan niya at panghuling huli ako don. PRIIIITTTTTTTTT !! Tumunog yung pito kaya naman nag punta na agad sila sa gitna ng court, nag apir apir pa sila bago mag umpisa ang laro bale ang mag kakampe silang tatlo ni lenard,kayden at yung isa din na singkit na kasama nung kayden. Umpisa pa lang alam ko na na sila lenard mananalo, kasi bukod sa magaling si lenard ay matangkad si kayden at yung isa.  Magaling ka kaya maglaro? Tanong ko sa isip ko nang mapatingin ako kay kayden, he's wearing a gray jersey with a number of 12 and black shorts.  Nag mag umpisa ang laro ay nakikita ko na puro pasa lang ginagawa ni kayden tapos si lenard at yung isa pang singkit ang umiiscore. Panay rebound lang si kayden sabay fastbreak dun sa dalawa, ayoko man sabihin to pero kung ako ang tatanongin e big three na sila mabilis sila kaya walang makahabol pag fastbreak na tas dagdag mo pa na marurunog pa sila mag dala ng bola. Habang nanonood ako ay  bigla kong naisip kung kaano ano ni kayden yung isang singkit? medyo hawig sila e. "Uy dude, kaano ano ni kayden yun?" sabay turo dun sa isa. "Ah yan? kakambal niya yan, di sila mag kamukha no??" sagot niya habang natatawa Eh? kambal?  hindi halata, mas mukhang mabait yung isa "Ahhh oo nga e, " nasabe ko na lng, pero wala na akong natanggap na sagot sakanya. Kaya nagpatuloy na lang din ako sa panonood, habang tumatagal yung laro mas lumalaki ang lamang nila lenard sa kalaban pero di ko pa din nakikitang gumagalaw si kayden, puro lang talaga siya pasa.  Ano mag papasa kana lng? umiscore ka naman  Naiiritang sabe ko dahil hindi ako natutuwa sakanya, maya maya nararamdaman ko na parang lalong umiingay dito sa gym kaya naman nang ilibot ko yung mata ko sa loob ng gym ay laking gulat ko na ang kaninang kakaunting tao  sa loob ng gym ay parang may intramurals na ngayon dahil sa sobrang dami ng tao.  "Last 5mins !! " sigaw ni coach rick ,kaya lalo akong nakaramdam ng inis  dahil hindi pa din siya umiiscore, pero maya maya lang ay nagulat na lng ako sa ginawa niya dahil napapikit lang ako ay naka lay up na agad siya samantalang galing 3point area siya  Lah ? ano yun? ambilis naman niya Bigla ko tuloy naalala yung eksena nila di dylan sa canteen kanina. -FLASHBACK- "Pa-panong nangyari yon? " biglang bulong ni rochelle kaya napalingon ako sakanya "Ang alin?" tanong ko "H-ha? ah k-kasi andon siya sa dulo ng lamesa? tas si dylan din nasa dulo ng lamesa tapos nakaharang pa si lenard at yung isang singkit din sakanya" "Oh ano meron?" "P-pano niya nasuntok ng ganon kabilis yon?" sabe pa ni rochelle habang nakatingin pa din dun sa gawi nila. Muli akong lumingon sa kanila at sakto naman na papatayo na si dylan. -END OF FLASHBACK- Sobrang bilis mo naman ata? nakita ko pang tumatawa si lenard at kyetan habang umaapir kay kayden dahil alam kong pati silang dalawa ay bumilib sa ginawa ni kayden. Na sa kalaban ang bola kaya depensa sila kayden, seryoso na siya ngayon nagulat talaga ako sa biglang pagbabago ng laro niya bigla siyang naging agresibo dahilan para ang lahat ng nasa loob ng gymnasium ay maentertain sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung pasikat lang ba siya sa ginawa niya kanina o ano, pero isa lang ang masasabe ko. Akalain mong magaling ka pala mag laro? Kung kanina ay nag pakitang gilas sa opensa si kayden ngayon depensa naman sila ay hindi pa din siya nag pahuli kaya naman pag crossover nung kalaban kay kayden ay agad niya itong natapik palayo at mabilis niyang naitakbo ang bola upang mag DUNK sa ring. "WAHHHHHHH !! YIIIEEEE ! " "YIIEEEE  KAYDENNN !! " "LENARRRD !! WAHHHHH" "WAHHHHHH ANG GALING GALING MOO ! " "KYETAANNNN !! WAHHHHH "YIIEEEEE ANG POGI NIYAAAA "  Sigaw ng mga babae sa gym.. Ibang klase siya! hindi ko akalain na bibilib ako sakanya ngayon, habang pinapanood ko siya parang akong nanonood ng  legit na player ng PBA, sobrang bilis niya at talagang di siya sumasablay, ang kaninang lenard at kyetan na umiiscore, ay naging Kayden na lang. kumbaga Kayden laban dun sa lima hindi kapani paniwala diba? Puro pag shoot lang sa 3points ang ginagawa niya kaya naman habang tumatagal pa yung laro ay mas lalong lumaki yung lamang nila. * Score* "WAHHHHHHH YIIIEEE ANG GALING TALAGA" * Score * "GRAABEEE MAHAL NA KITAAA AAAA !! " * Score * "KAAYDDEENN AAAA !! ANG GALIIIING MOOOOO !! " * Score * Shoot nanaman? ang galing naman niya.  Napapalunok na sabe ko sa isip ko, makikita mong hinahayaan lang siya nila lenard na umiscore ng umiscore kitang kita sakanila ang tiwala nila kay kayden sa sobrang bilis niya kasi madali niyang nalalampasan ang mga kalaban kaya madali din siyang nakaka iscore. Meron pang na ankle break dahil sa crossover niya, tas easy lay up,  hindi matahimik yung tao dito sa gymnasium dahil sunod sunod talaga yung score niya. Yung kaninang score nila na 45, ay umabot na ng 86 habang yung kalaban ay 32 pa lang. Kitang kita mo na enjoy na enjoy talaga siya sa paglalaro niya, ngiting ngiti siya tuwing makaka iscore siya at dahil dun ay nakakahawa talaga yung pagiging enjoy niya kaya pati mga tao dito  sa gym ay makikitaan mo ng ngiti sa mga mukha nila dahil sa ganda ng larong pinakita nung tatlo lalong lalo  na ni kayden. PRIIIIITTTTT !  "Goodjob guys ! okay next.. ! "sigaw nung coach biglang pito ni coach at dun natapos yung laro nila, agad naman silang lumapit banda samin. "Ang galing galing niyoooo yieee !! " salubong ni rochelle sakanila "Oo nga, Paniguradong champion na tong school natin sa interhigh" sabe ni claire "Salamat ehehe" sabe nung tatlo tas tsaka sila naupo, samantalang si kayden ay  lumapit palapit sakin si at saka tumabi ako naman ay naiilang na umusog para makaupo siya. Pag upo niya ay naamoy ko pa yung mabago na amoy pero umiwas ako dahil pawis siya. "Ayos ba? " maangas na tanong niya habang kinukuha niya ung towel sa bag niya "Ayos lang" mahinang sagot ko "Ayos lang? parang kanina lang ngiting ngiti ka habang pinapanood ako e " Ngisi ngising sagot niya habang nagpupunas ng pawis, kaya nanlaki ang mata ko. "ASa! sinong ngiting ngiti sinasabe mo jan? nananaginip ka ata e "  inis na sagot ko "Sus kunwari ka pa, e kita ko na nga " pang aasar niya pa kaya nainis ako lalo "Wag ipilit tanga! hindi ka kagalingan maglaro" sabe ko, mayabang e grrrr "Kaya pala " nakangising sabe niya "Kaya pala ano? " "Wala!! may itatanong lang ako" biglang sabe niya "Ano naman yun? " "Bakit mo ko binatukan kanina?? " mahinahong tanong niya kaya medyo natigilan ako. "Ah yung tungkol dun, wala yun nairita lang ako sa kakasigaw ni maam-- di nya ako pinatapos sa sasabihin ko "Kaya moko binatukan? Napakaganda naman ng rason mo... gusto ko manakit bigla" sabe niya habang nag sslow clap "E bakit ba kasii natutulog ka ha?" inis na sabe ko "Eh bakit nambabatok ka bigla?" diretsong tanong din niya kaya hindi ako nakasagot "Mag sorry ka sakin" dagdag niya pa. "Ano?! bakit naman ako mag sosorry?? " inis na sabe ko, tas saka ako lumingon kila claire, nakahinga naman ako ng maluwang dahil mukhang di nila kami naririnig kasi panay ang tawanan nila. "Natural binatukan moko e, normal lang na mag sorry ka" "Ehh? bagay lang naman sayo yon kasi natutulog ka ! " singhal ko   "Mag sosorry ka lang eh" sabe niya pa "Bahala ka jan" tatayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung braso ko at hinatak ako pabalik kaya napaupo ulit ako malapit sakanya.  Inis kong hinablot sakanya yung braso ko at iritang tumingin sakanya ng diretso pero pagtingin ko nakatingin na siya. "Ano ba yun !? close ba tayo?" sabe ko. "Yun nga e, close ba tayo para batukan mo ko?" sagot niya, dahilan para di ako makasagot agad. "Sorry lang naman gusto kong marinig, " mahinahong sabe niya sabay bitaw sa braso ko kaya nakaramdam naman ako ng konsensya " Mag lalaro pa kami mamaya, manonood pa din ba kayo?"  dagdag niya. "Bat mo naman natanong? " nakayuko nang abe ko, nahihiya kasi talaga ako "Wala lang" sagot niya sabay ngiti , tas tsaka siya tumayo at nagpunta sa labas ng gym, napatitig pa ako sakanya habang naglalakad siya palabas. Mag sorry kaya ako? aaaAAA TO BE CONTINUED .. THANK YOU GUYSUEEEEE!! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD