Lovers quarrel

1306 Words
Zoe POV “Anong ginagawa mo, Señorita Zoe?” Turan ni Lily kaya napalingon ako sa kanya. “Señorita ka d’yan. Huwag mo nga akong tawagin nang ganyan. I thought we were friends. Don’t you know what I’m doing? I’m eating” “Alam kong kumakain ka. Ibig kong sabihin bakit hinahayaan mo ang mapapangasawa mo na landiin nang maarteng Ava na ‘yon di hamak naman na mas maganda ka at sexy kaysa sa kanya. Maputi lang ‘yon” Hindi ko napigilan ang mapangiti mukhang ayaw talaga ni Lily sa Ava na ‘yon. Bigla akong na-curious sa itsura niya. Ayaw ko naman na gambalain sila. Ilang beses ko nang sinabi kay Doc Vince na hindi ko panghihimasokan ang pribado niyang buhay. Tanging kami lang ni Doc ang nakakaalam nang kontrata kaya hindi ko pwedeng sabihin kay Lily. “Zoe nakikinig ka ba? Naku kung ako sa’yo tapusin mo na yang kinakain mo at pumunta ka sa sala grabe makalingkis ang Ava na ‘yon kay Señorito parang sawa. Ang arte-arte pa kung makautos” Nakaramdam ako nang inis sa mga tinuran ni Lily. Pabagsak kong ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak ko. Tumayo ako at pabalya kung inurong ang silya. “Go Zoe dito lang ako sa kusina mag cheer sa’yo baka mawalan ako nang trabaho pag-tinulongan kitang bugbogin ang bruha” “I’m Zoe Del Ferrer hindi siya uubra sa akin” turan ko kasabay nang pagtaas nang kilay ko. Nagmadali akong lumabas nang kusina. Nakalimotan na ni Doc Sungit na kumain dahil lang dumating ang babaeng ‘yon. Nagngingitngit ang kalooban ko na binalewala niya ako sa pagdating nang babaeng ‘yon. “Hi, Sweetheart may bisita ka pala. Who is she? Hindi mo man lang sinabi sa akin……You don’t want to introduce me? I can do it myself” Pagkagulat ang nakikita ko sa mukha nang dalawa na magkatabing nakaupo sa sofa at ang babae nakalingkis sa kanya na lalong nagpakulo nang dugo ko. “Hi Miss, I’m Zoe Del Ferrer, Vince Mendez's fiance” Mataray kung turan at kinuha ko ang kamay nang babae na nakayapos sa baywang ni Doc. Masama ang tingin nito sa akin. She looks familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakilala. Nang tingnan ko si Doc Sungit titig na titig siya sa akin. An amused smile played across his lips. Inirapan ko siya. “The famous Zoe Del Ferrer is your fianće, Vince? Seriously? Do you know her reputation? She ‘gonna ruin your life if you marry her” Kaya pala galit na galit si Lily sa babaeng nasa harapan ko dahil sa ugali niya. Tumaas ang kilay ko sa mga tinuran niya. “Do you know me personally, Miss? Your funny to say that in front of me” Akala niya ba uurongan ko siya? Kung kamalditahan lang naman ang paguusapan ako ang nangunguna. Tinulak ko siya palayo kay Vince at umupo ako sa gitna nilang dalawa. “Look at her Vince. She’s the meanest person I ever met. Nakita mo ba na tinulak niya ako?” Tinaasan ko siya nang kilay at nginisian. Tumayo eto at namaywang sa harapan ko. “You look like a grumpy old woman the way you look at me” Pang-aasar ko sa kanya. Umupo ako nang maayos sa sofa. I crossed my legs at sinamaan ko siya nang tingin. “Zoe that’s enough” sigaw ni Doc Vince. Ngumisi si Ava. Tumingin ako kay Doc. Nangungunot ang noo niya at sinamaan ako nang tingin. Nakipaglabanan ako sa kanya nang masamang tingin kahit nasasaktan ako sa pagsigaw niya sa akin sa harapan ni Ava ipapakita ko sa kanyang hindi ako apektado. “Babe aalis na ako. Dumaan lang ako para ibigay ‘to sa’yo” turan ni Ava kaya inalis niya ang tingin sa akin at binaling kay Ava na lalong nagpasakit sa kalooban ko. Alam kong wala akong karapatan sa kanya at wala akong halaga. Si Ava ang girlfriend niya at ako fake fiancé niya…… Tumayo si Doc Vince at lumapit kay Ava. Bago pa tuloyang pumatak ang luha ko nagmadali akong umalis sa sala. Malalaki ang hakbang ko patungo sa silid ko. Para akong tanga na nagseselos kay Ava na may mas karapatan kay Doctor Mendez dahil siya ang kasintahan. “Zoe huwag kang umiyak. Ipakita mong hindi ka apektado sa kanilang dalawa. Bagay silang dalawa. Grumpy old man and grumpy old woman” turan ko at pabagsak kong sinara ang pintoan ko at ni-lock ko agad. Kinuha ko ang telepono ko. Hindi ako magmumukmok sa loob nang silid na eto…… Ako: Met me at our favorite bar. I’ll be there in half an hour. Kara: What happened? You sound upset? Akala ko ba ayaw mo nang mag-bar dahil nagbagong buhay ka na. Ako: I don’t want to talk about it. Let’s have fun tonight. See you in a bit. Hindi ko na hinayaang makapagsalita si Kara agad kong tinapos ang tawag. Tinungo ko ang walk-in closet ko at naghanap nang maisusuot. Napili ko ang tube dress na kulay itim na hapit na hapit sa katawan ko at pinaresan ko nang six-inch stiletto na kulay itim din. Mabilis akong nagpahid nang manipis na make-up sa aking mukha. I tied my hair up at nag-iwan ako nang ilang hibla nang buhok sa sa gilid nang aking mukha. “Your fvcking asshòle Doc Vince para sigawan ako sa harap nang babaeng pinaglihi sa kabayo” mahina kong turan. Kinuha ko ang purse ko at ang susi nang sasakyan. Simula nang tumira ako dito wala na ang driver ko hindi naman kasi ako lumalabas. “Zoe saan ka pupunta? Ang ganda-ganda mo naman at ang sexy mo. Bagay na bagay sa’yo ang suot mo” turan ni Lily na nadaanan ko sa sala. “Magsasaya” Ang tanging sagot ko kay Lily. Wala ako sa mood na makipag-usap dahil sa sobrang pagkainis na nararamdaman ko kay Doc Vince. Mukhang hinatid niya pa si Ava dahil wala na sila sa sala. Gusto ko nang makaalis sa mansyon niya kaya nagmadali akong naglakad patungo sa pintoan. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintoan nang bumukas eto. Nagtama ang paningin namin ni Doc Vince agad akong napasimangot. Humarang siya sa daraanan ko…… “Where do you think your going?” turan niya at nag-isang linya ang kilay niya. Pinasadahan nang tingin ang katawan ko. “Go back to your room and take off that fvcking dress. Don’t wear that fvcking dress ever again!” sigaw niya. “Who are you para pigilan ako sa paglabas ko? I’m not ‘gonna take off this dress. Get out of my way” sigaw ko sa kanya. Kanina niya pa ako sinisigawan kaya lalo lang akong nakakaramdam nang galit sa kanya. “Who am I? Ipapakita ko sa’yo kong sino ako?!” Mariin niyang turan. Bigla akong kinabahan. Gulat na gulat ako nang buhatin niya ako na parang sako nang bigas…… “Ano ba Doc Vince ibaba mo nga ako” pagpupumiglas ko. Napatingin ako kay Lily na nakatulala habang nakatingin sa amin ni Vince nang mapadaan kami sa sala. “Bakit paakyat kami sa taas? Anong gagawin niya?” sa isip ko. Walang kahirap-hirap niya akong buhat-buhat paakyat sa ikalawang palapag. Tumigil ako sa pagpupumiglas dahil baka mahulog kami sa hagdanan. Pabalya niyang binuksan at isinara ang pintoan nang makarating kami sa silid niya. Narinig ko ang pag-lock niya. Pabagsak niya akong ibinaba sa kama…… “A-Anong gagawin mo sa akin?” mautal-utal kung turan. “I will fvcking show you who I am in your life” Ang lakas nang kalabog nang puso ko. Mukhang ginalit ko siya nang husto……Para kaming may lovers quarrel……Nagselos ako nang husto kay Ava at nagalit sa pagsigaw niya sa akin kung ano man ang gagawin niya sa akin bahala na……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD