“How long have I been sleeping?” Tanong ko nang magising ako. Pagmulat ko nang mata ko ang nangungusap niyang mata ang nabungaran ko. “Doc pinanood mo ba akong matulog?” Ikalawang tanong ko nang hindi niya sinagot ang unang tanong ko. Nang makaalis siya kanina para puntahan ang pasyente niya nakaramdam ako nang sobrang pagka-antok kaya humiga ako sa sofa hanggang sa makatulog ako. “You’ve been asleep for two hours, Sweetheart.”Nagulat pa ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na gan’on na ako katagal na nakatulog. “And, Yes I watched you sleeping. Hindi ko magawang pumikit habang nakahiga ka sa kandungan ko. You’re like an angel peacefully sleeping in my lap” Napangiti ako sa tinuran niya. “Nauuhaw ako” Inalalayan niya akong makaupo at pinisil-pisil niya ang mga hita niya. “Your

