Doc Vince POV Ang Nakaraan (Part 3) “Who the hell are you? Alam mo ba kung sino ang kaharap mo? Ang lakas naman nang loob mong kausapin ako at hingin ang kamay nang unica hija ko” After two years nagkalakas ako nang loob na kausapin ang Daddy ni Zoe. Hindi ko pa maamin kay Zoe ang nararamdaman ko pero gusto kung unahin na mapaamo ang kanyang Ama. Hindi ako nagpa-intimidate sa pinapakitang awra ni Juan Miguel Del Ferrer. Gagawin ko ang lahat para makuha ang loob niya. “I know who you are; Well-known Juan Miguel Del Ferrer, walang sino man ang hindi nakakakilala sa inyo. Gusto ko lang ipaalam na seryoso ako sa anak n’yo at mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat para makuha ang loob n’yo at ang kamay ni Zoe. I’m Doctor Vince Mendez I will do anything to prove to you that I love Zoe” Mata

