Zoe POV “Tita Veronica you look so stunning with that gown” papuri ko sa mommy ni Doc Vince na sinamahan ko sa pagbili nang gown sa mall dahil hiniling nito na ako ang pumili sa gown na susuotin niya sa dadaluhang nitong kasal. Dalawang linggo na simula nang malaman ni tita Veronica na nakatira kami ni Doc Vince sa condo ko. Ang araw na tatak na sa isipan ko habang buhay…… “Anong sinasabi mo na dito ka nakatira?” singhal ko sa kanya. Kanina pa ako naiinis sa kanya dahil binabalewala niya ang galit ko at parang walang epekto sa kanya ang pagpapahirap ko. Ako ang nahihirapan sa pagbabago niya na sobrang sweet at laging nakangiti……At tuwing nagmumura ako hinahalikan niya ako na nagpapalusaw sa inis ko…… “Sweetheart, simula nang pamahalaan ko ang kompanya n’yo dito ako pinatira ni tito Migu

