Sweet

1502 Words
Zoe POV Hanggang ngayon hindi ko mapaniwalaan na pumayag na si Doc Sungit na magpakasal kami. Ang nararamdaman ko para sa kanya na paghanga noon pa man ay lalong sumisidhi. He was my dream man when I was in college at ngayong nakakasama ko siya muling bumabalik ang nararamdaman ko sa kanya. Nawala nga ba o tinago ko lang sa puso ko kong ano man ang nararamdaman ko sa kanya? “Ma’am Zoe ako na po ang magluluto kabilin-bilinan ni sir na huwag kayong pagorin” “Lily bakit ma’am na ang tawag mo sa akin? Personal maid niya ako. Diba eto ang gusto niya na ako ang magluto nang pagkain niya?” Naisipan kong magluto na nang pananghalian niya. Nang sundoin niya ako kahapon sa bahay naging tahimik na si Doc sungit hindi na ako kinausap pa at lagi etong umiiwas sa akin na animo’y may sakit akong nakakahawa……Doctor Moody……Doctor Sungit……At Doctor Grumpy. Lahat na ‘ata pwede kong itawag sa kanya dahil sa hindi ko maintindihan ang pabago-bago nang pakikitungo niya sa akin. “Naku ma’am Zoe nang umalis ka laging mainit ang ulo ni Señorito. Kahapon bago ka niya puntahan kinausap niya kaming lahat sabi niya hindi ka niya personal maid kundi mapapangasawa niya at ang daming pinagbilin sa amin na huwag kang papagorin at tulongan ka namin sa mga gagawin mo dito sa mansyon” Hindi ko mapaniwalaan ang mga naririnig ko. Nakakapagtaka ang mga nangyayari at mga sinasabi ni Lily. “What’s he up to?” I murmured. “May sinasabi ka ba ma’am Zoe? Sabi ko na hindi ka totoong katulong. Anak mayaman ka pala kaya ang ganda-ganda mo at ang kinis-kinis mo” Kahit kailan talaga hindi mapigilan ni Lily ang magdaldal, sasabihin kong anong nasa isip. Maganda si Lily hindi rin pangkaraniwan ang itsura niya. She’s petite and beautiful. “Ayaw mo na akong kaibigan dahil mayaman ako? Hmmm? Paano mo naman nalaman na mayaman ako?” Magkasundo kami ni Lily simula nang manirahan ako dito kaya ayaw kong magbago ang pakikitungo niya sa akin dahil sa nalaman niyang mayaman ako. “Ang drama mo. Kung hindi lang sinabi ni sir na tawagin ka naming ma’am hindi kita igagalang. Saka bago ka pa umalis nalaman ko na kong sino ka. Nag research kaya ako. Nakakatakot kaya si Señorito pag seryoso” mahabang turan ni Lily. “Hayaan mo ang Doc Sungit na ‘yon. Grumpy old man na kasi kaya laging seryoso at masungit. Maybe he needs some loving and care para hindi na topakin” Malakas akong tumawa pagkatapos kong sabihin lahat nang nasa isip ko. Napatingin ako kay Lily nang hilahin niya ang manggas nang t-shirt ko at may inginuso sa likoran ko…… “Lagot ka na naman, Zoe” bulong ko nang malingonan ko ang masamang tingin ni Doc Vince. Nakatayo at nakapamulsa habang masama ang tingin sa akin. Hindi ko man lang namalayan na wala na si Lily sa kusina. “Good morning. Y-You want coffee?” Hindi ko malaman ang gagawin ko. Nanigas ako sa kinatatayoan ko nang inilang hakbang niya lang ang pagitan namin at kinulong ang mukha ko sa palad niya at inangkin ang labi ko…… “Tuwing nagagalit siya lagi na lang akong hinahalikan” sigaw nang isip ko. “Baka hindi lang halik ang gagawin niya sa akin pag-ginalit ko siya nang husto. Galitin ko kaya nang husto para malaman ko kong anong gagawin niya bukod sa halik?” Ang naisip kong kalokohan habang hinahalikan niya ako. Isang malakas na kalabog ang nagpatigil sa halikan namin ni Doc. “Ay! S-Sorry” Natataranta si Maria na dinampot ang nahulog niyang timba. Mukhang galing eto sa labas nang bahay. Naglaho na parang bola si Maria…… “Ikaw kasi Doc mahilig kang manghalik. Are you ‘gonna kiss me again? Wala na si Maria” Pang-iinis ko sa kanya at inilapit ko ang labi ko sa kanya. “Stop teasing me……Hindi lang halik ang gagawin ko sa’yo pag tinawag mo pa akong grumpy old man” Wala sa mukha ni Doc na nagbibiro siya sa binitawan niyang salita. “What you ‘gonna do? Hmmm?” Nakakaramdam ako nang kasiyahan tuwing naiinis siya sa akin. Pikonin at laging seryoso si Doc Mendez kaya gustong-gusto ko siyang iniinis. “Be good, Zoe kung ayaw mong pagsisihan na galitin ako nang husto” turan ni Doc at tinalikoran ako. “Bring me coffee in the library” “Makapagutos akala mo hari. Tsk Tsk” “Are you saying something?” “Wala po Mahal na hari” Turan ko at Inirapan ko siya. Kahit ilang beses kong ipangako sa sarili ko na hindi na ako magmaldita sa kanya hindi ko pa rin magawa. “Aray! Fvck!” “Are you okay?” Napamaang ako sa kanya. Ang bilis niya namang nakarating sa kinaroroonan ko. Hinawakan niya ang kamay ko, iginiya niya ako patungo sa lababo at hinugasan ang daliri ko na may maliit na hiwa nang kutsilyo. Nagtagal ang titig ko sa mukha niyang seryosong-seryoso habang nililinisan ang daliri ko. “Stop staring at me” “Kahit grumpy ka ang gwapo mo pa rin” Nakita ko ang pagtaas nang sulok nang labi niya tanda nang pagpipigil na mangiti. “Huwag mo nang pigilan ang ngumiti, Doc. You know the saying; a smile is the best medicine” “I never heard that! Do you mean laughing is the best medicine?” Muli akong napatitig sa kanya nang marinig ko ang mahinang tawa niya. Sa kauna-unahang pagkakataon narinig ko ang tawa ni Doc Sungit. Para etong musika sa pandinig ko. Mula noon lagi ko inaasam na ngumiti man lang siya sa akin…… “Your such a clumsy woman. I told—” Inangkin ko ang labi niya para matigil na siya sa panenermon sa akin. Agad kong binitawan ang labi niya, hindi ko na hinayaan na tumugon siya sa halik ko. “I warned you before, Doc na tuwing magagalit ka hahalikan kita” turan ko at hinila ko ang kamay kong hawak-hawak niya. Tinalikoran ko siya at bumalik ako sa paghihiwa nang mga lulutoin ko. “Let me put medicine on your cut, Zoe” Napatingin ako sa kanya na nasa likoran ko na pala. Ibinaba ko ang hawak kong kutsilyo at hinarap ko siya. Itinaas ko ang daliri ko sa harapan niya…… “This is just a small cut I’m not ‘gonna die because of it, right, Doc?” Binalewala niya ang sinabi ko hinablot ang palapulsohan ko at hila-hila na ako. Hindi na ako nag-protesta pa baka magsungit na naman siya. Dinala niya ako sa library at pinaupo sa swivel chair niya. Iniwan niya ako panandalian at nang magbalik may dala na siyang medicine kit. “Baka ma-in love na ako sa’yo nang husto, why do you care so much?” mahina kong turan. Nang huling magbiro ako sa kanya about love naging masakit sa kalooban ko ang naging tugon niya kaya iniiwasan kong biroin siyang muli. “You better stop cooking for me baka sa susunod maputolan ka na nang daliri” “Ang OA mo, Doc. Seriously maputolan talaga? If you didn't distract me this would not have happened” Tumitig siya sa akin. Ang titig niya na punong-puno nang katanongan. Hindi niya magawang maisatinig kong ano man ang nagpapagulo sa isipan niya. “Ouch” mahina kong daing nang punasan niya nang alcohol ang sugat ko. Napatitig ako sa labi niya nang hinihipan niya ang daliri ko habang pinupunasan niya. His sweet gestures and care are beyond my thoughts about him. Hindi ko akalain na dahil sa maliit na sugat papatigilin niya ako sa pagluluto. “And please don’t let me stop cooking because I love doing it now. I want to learn more. Hindi ko akalain na magugustohan ko maging ganito na malayo sa mga kinagawian ko” Ang bawat binitawan kong salita sa kanya ay totoo dahil gustong-gusto ko ang simpleng ako dito sa mansyon niya. I even ignored my friend's call dahil alam ko naman ang gusto nila……Ang gumala at magpunta sa bar na gawain namin. I can’t believe it na magugustohan ko ang ganitong buhay……Maybe I’m done with my crazy lifestyle na walang ginawa kundi ang magwaldas nang pera nang Ama ko at magpasaway. “If that’s what you want, Zoe I won’t stop you just be careful. I don’t want you to get hurt again” Turan ni Doc Vince at tumitig sa akin. Simula nang dumating kami kahapon iniiwasan niya ako ngayon naman ka-sweetan at concern ang pinapakita niya. “Okay, Doc. Thank you” Ang namutawi sa bibig ko. Nang matapos niyang gamotin ang sugat ko tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair niya. Humalik ako sa pisngi niya bago ako nagmadaling naglakad palabas nang library. Ang lakas nang kalabog nang puso ko. “Doctor Vince Mendez huwag ka masyado sweet baka hindi na kita hayaang makawala sa akin” mahina kong turan at napahawak ako sa tapat nang puso ko……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD