Zoe POV
Masakit na masakit ang ulo ko. Bumangon ako sa kama nang nakapikit pa ang mata ko. Ginulo-Gulo ko ang buhok ko. At makailang beses akong naghikab. Muli akong humiga.
“Fvcking hang-over”
“Drink this para mawala ang sakit nang ulo mo. Get up now at may pupuntahan tayo”
Agad akong nagmulat nang mata nang marinig ko ang boses niya. His husky voice always brought butterflies to my stomach. Lagi akong napapatitig sa kanya. Napaupo ako sa kama. Inayos ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Gusto kong takpan nang kumot ang sarili ko. Nahihiya ako na makita niya akong ganito ang itsura.
Nakatayo siya sa paanan nang kama at nakapamulsa habang mariin ang titig sa akin. His intense gaze made me uncomfortable.
“W-What are you doing in my room?” mautal-utal pa ako sa pagsasalita.
“Look around”
Pinagala ko ang mata ko sa buong silid.
“Fvck!”
Natigilan ako nang isa-isang pumasok sa isipan ko ang mga naganap kagabi.
“So I’m not dreaming—It was real” I muttered. Bumaba ang paningin ko sa katawan ko. Nakasuot ako nang t-shirt. Alam kong sa kanya eto. Gusto kong maglaho sa harapan niya dahil sa kahihiyang ginawa ko. Humiga ako at nagtalukbong nang kumot.
“So embarrassing” mahina kong turan.
Narinig ko ang tawa niya kaya muli akong napaupo sa kama. Hinarap ko siya.
“What's so funny?” pagkainis kong turan dahil tumatawa pa rin siya. Nang tumigil siya sa pagtawa hinarap ako at mataman akong pinagmasdan.
“Sa susunod na malasing ka hindi lang ang mga naganap kagabi ang maaring magawa ko sa’yo” seryoso niyang turan na ikinasinghap ko. Parang wala lang sa kanya na sabihin ang bagay na ‘yon samantalang ako pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan.
“What are you ashamed about? You used to do it, right with your past boyfriends? Ganyan ka ba paglalasing kung saan-saan nakikitulog?”
Ang mga katanongan niya na parang kutsilyo na tumatarak sa puso ko. Patanong na panghuhusga. Ganon ba ang tingin niya sa akin? Masakit na marinig sa bibig niya ang panghuhusga niya sa akin. I know I have a crazy lifestyle kaya nasasabi niya ang bagay na ‘yon. Kahit papalit-palit ako nang boyfriend I’ve never had s*x with anyone.
I am proud to say that at the age of twenty-five, I’m still a virgin. May respeto ako sa sarili ko. I let them kiss me and touch me pero hindi ko hinayaan na hawakan nila ang mga natatagong parte nang katawan ko. Ang mga naganap kagabi ay una sa akin. Gusto kong isigaw sa kanya ang mga nasa isip ko pero iba ang lumabas sa bibig ko……
“Yeah, your right. If you want you can have me now” turan ko at agad kong hinubad ang t-shirt ko. Kung mayro’n man akong pagkakalooban nang sarili ko siya ‘yon. Kahit nasasaktan ako sa mga panghuhusga niya hindi ko pagsisihan na ipagkaloob ang sarili ko sa kanya. We stared at each other, walang gustong may magsalita.
He sighed.
Bumaba ako nang kama. Iginala ko ang mata ko sa loob nang silid para hanapin ang nighties at roba na suot ko kagabi at nang makita ko may pagmamadali kung dinampot ang mga eto at isinuot. It’s suffocating to be with him in this room.
“One day your ‘gonna regret all those hurtful words you throw at me” I uttered. Malalaki ang hakbang ko palabas nang silid niya.
Nang makapasok ako sa silid ko. Agad kong ne-lock ang pintoan ko. Napaupo ako sa sahig sa likod nang pintoan at niyakap ko ang tuhod ko kasabay nang pagbuhos nang luha ko. Nasasaktan ako sa mga binabato niyang salita sa akin. Sa buong buhay ko binabalewala ko ang mga masasakit na salita na pinupukol sa akin nang mga taong nasa paligid ko but when it’s from him; his hurtful words hit me like a bullet.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Hindi ko alam kong gaano ako katagal na umiyak. Pinunasan ko ang luha ko. Gusto kong mapag-isa at mag-kulong maghapon sa silid na eto. Ngayon na lang ako ulit umiyak. Hindi ko na nga matandaan kong kailan ako huling umiyak. Tumindi lang ang sakit nang ulo ko dahil sa hangover at sa pag-iyak ko. Tinungo ko ang banyo at itinapat ang sarili ko sa malamig na shower para maibsan ang sakit nang ulo ko. Matapos kong maligo nagsuot ako nang cotton short at spaghetti strap na pang-itaas saka ako humiga sa kama hanggang sa makatulog ako……
Naalimpungatan ako sa mabigat na nakadagan sa katawan ko. Dahan-Dahan kong minulat ang mata ko at laking gulat ko nang makita si Doc Vince na nakahiga sa tabi ko at nakayakap ang braso niya sa katawan ko……
“What is he doing here? Napasarap ang tulog ko hindi ko man lang namalayan ang pagtabi niya sa akin” mahina kong turan. Dahil nakatagilid na ang pagkakahiga ko malaya kong napagmasdan ang maamo niyang mukha. Mukhang mahimbing ang tulog niya habang yakap-yakap ako.
“Looks like an angel when he is sleeping but when he is awake he looks like a demon, tsk tsk”
Agad akong pumikit nang gumalaw siya, nagkunwari akong natutulog.
“I know you are awake and I heard everything you said”
“So ano ngayon kong narinig mo?” Mataray kong turan at inalis ko ang braso niya na nakayakap sa akin. Tumagilid nang higa si Doc Vince paharap sa akin at tinitigan ako. Nangunot ang noo niya.
“Did you cry?” tanong niya nang hindi inaalis ang titig sa akin.
“Bakit naman ako iiyak?”
Tumalikod ako sa kanya at umurong nang higa, ayaw ko nang makita ang mapanuri niyang mga mata. Galit pa rin ako sa kanya. Bakit nga ba siya narito sa silid ko? Napasinghap ako nang kabigin niya ako palapit sa kanya at muling niyakap. Ang sarap sa pakiramdam nang yakap niya.
Ang init na nagmumula sa katawan niya ay naghahatid nang kakaibang pakiramdam sa kaloob-looban ko. Nang magbalik ako sa katinoan at maalalang galit pala ako sa kanya pilit kong kinakalas ang yakap niya pero hindi niya ako pinakawalan.
“Huwag mo nga ako yakapin, Doc. Ano na naman bang drama mo?”
Hindi siya nagsasalita pero humihigpit ang yakap niya at ilang beses na hinalikan ang ulo ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Nakakaramdam na ako nang gutom.
“Doc pakawalan mo na kaya ako. Nagugutom na ako” halos ibulong ko na lang ang huling sinabi ko. He Hindi ko alam kong narinig niya. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin hanggang sa tuloyang kinalas niya ang yakap sa akin. Agad akong humarap sa kanya sa pagharap ko siyang paglapat nang malambot niyang labi sa labi ko. Nanglaki ang mata ko sa gulat. Hindi ako nakakilos kahit wala na siya sa harapan ko.
“Zoe—”
“What?”
Muli kong narinig ang tawa niya. Saka lang ako bumalik sa katinoan nang tawagin niya ang pangalan ko.
“I thought you were hungry? Get up now. I’ll cook for you”
Napatitig ako sa kanya. Narinig niya pala ang sinabi ko……
“Tama ba ang naririnig ko? Ipagluluto mo ako? May sakit ka ba, Doc? Bakit bigla ka na naman bumait?” Naibulalas ko ang mga nasa isip ko. Ngumiti siya bago ako tinalikoran at naglakad na palabas nang silid ko. Pinanood ko pa ang pagbukas at pagsara niya nang pintoan.
“Yakap, Tawa, ngumiti at paglulutoan niya daw ako! Anong nakain ni Doc Sungit at bigla na lang bumait?” mahina kong turan. Napaigtad ako nang biglang bumukas ang pintoan at sumungaw ang gwapo niyang mukha……
“Zoe babangon ka ba o bubuhatin pa kita? Let’s go in the kitchen”
Hindi agad ako nakakilos. Nang akmang hahakbang na siya papasok mabilis ang naging kilos ko na bumaba sa kama. Mahina siyang tumawa nang hindi ko maisuot-suot ang house slipper ko. Nang maisuot ko eto tinakbo ko ang kinaroroonan niya. Nang makalapit ako sa kanya inayos niya ang buhok ko na nagpalakas nang t***k nang puso ko.
“Bakit ang moody mo? Minsan mabait, mas madalas masungit” turan ko. Naglaho na parang bola ang galit ko sa kanya. Mahina niyang pinisil ang ilong ko at dinampian nang mabilis na halik ang labi ko.
“Kanina ka pa halik nang halik, Doc. Are you checking if my lips still taste good?” pagbibiro ko. Sasamantalahin ko na ang kabaitan niya kaya bibiroin ko na dahil nakatitiyak ako mamaya magbabago na naman ang mood niya……
“Because of you kaya ganito ako”
Napako ako sa kinatatayoan ko sa sinabi niya. Nawala na siya sa harapan ko at nagsimula nang maglakad. Ano bang ibig niyang sabihin? Ang malaking katanongan sa isip ko.