Kabanata 28 Richard “Anong ginagawa mo sa kanya, Simon?” Singhal ni Peter sa lalaki. Napa kamot lang sa ulo si Simon at nag paliwanag sa baklang yun. “Game lang to, Kuya Pete. Wala kang dapat ipag alala. Nga pala, Richard. Si Kuya Pete ko nga pala. Nakatatandang kapatid ko. Kuya Pete, si Richard. Kaibigan ko.” Pagpapakilala sa amin ni Simon. Prank lang ba to? Tang ina. Nakipag make out ako sa kapatid ni Peter. Ang lala lang. Tignan mo nga naman ang tadhana. Napaka mapaglaro talaga. Pareho kaming hindi nakapag salita ni Peter. Nagtitigan lang kami. Bakas sa mukha nito ang galing habang sa akin naman ay isang oportunidad. Akala ko si Lance lang ang magagamit ko. Maging ito palang si Simon ay makakatulong ko rin. “Hi. Anyway, may sasabihin nga pala ako sayo. Itigil mo muna yang laro niy

