Mahimbing na ang tulog ni Shawn sa kama niya paglabas ni Neil ng banyo. Nakadapa ito sa right side ng kama. Ang mukha nito ang nakaharap sa gitna ng kama. Marahil ay pagod na talaga ito. Halata sa boses nito kanina sa pagtawag niya rito kanina na inaantok na ito. At mukhang nakatulog na ito. Nagising lamang nang tumawag siya. Neil was thankful enough that Shawn answered his call. Dahil kung hindi baka kung ano pa ang nagawa sa kanya ni Russel. At kasama pa niya ito sa loob ng kwarto hanggang ngayon. Hinanap niya ang sinabi ni Shawn na ihahanda nitong damit. Although it was dim inside his room, it wasn't difficult for him to find the clothes laying on the couch. Lumapit siya rito. Hinawakan at tinaas niya ang isang terno ng pajama. Kumunot ang noo niya't napabaling ng tingin sa natutulog

