Papasok pa lamang ako sa gate ng school ng matanaw ko sya, nag tago ako sa gilid para mapag masdan ko sya. Grabe ang gwapo nya talaga simple lng ang suot neto naka short na maong na kukay black at naka tshirt na white.
Bigla na lamang syang humarap dito sa pwesto ko napatago ako ng wala sa oras, nakita nya kaya ako? sabay hawak ko sa dibdib bigla na lamang akong kinakabahan.
"Hoy babae anong ginagawa mo jan? nagulat ako ng bigla na lamang sumulpot si Ella sa harap ko.
" Ano kase!!
" Ano may inaantay kaba tska sino ang sinisilip mo jan?
" Oo tama inaantay kita, tska wala akong sinisilip ano kaba tara na baka ma late pa tayo. pag tapos nun hinila ko na sya at ng malapit na kami sa gate bigla syang tumigil, nag taka ako kung bakit tinignan ko ang kanyang tinitignan.
" Goodmorning Ella!! masayang bati ni Rafael at may inabot itong pulang rosas
"Walang maganda sa umaga ko kung ikaw ang makakasalubong ko, at hindi ako tumatanggap ng ganyan ang kailangan ko pera, Nanguuyam na sabi neto. " Ella!!! suway ko dito.
" What tama naman ako, kung wala syang pera sayang lang effort nya. sabay alis neto.
"Pasensya na Rafa baka mainit lang ang ulo nya, nakita kong napatitig ito sakin. " Bakit may dumi ba ako sa mukha?
"Wala naman Kc, eto sayo nalang!! " Talaga? slamat ahh!! inamoy amoy ko pa ito ng may biglang tumawag sakin.
" Kristine!!!!! malalate na tayo ano ba!! naiiritang sabi neto. " Anjan na, sige Rafa salamat sa rose ahh sige pasok na ako ingat ka. "Sige Kc ikaw din.
"Ang tagal mo!!! tska bakit nasayo yan? reklamo neto
"E ayaw mo e sayang naman tska mabait naman si Rafa bakit ayaw mo bigyan ng chance? " Kase mahirap sya wala syang pera di nya ako mabubuhay ng ganyan ganyan nya. " Malay mo naman kaya nya nag sisikap naman yung tao! pagtatanggol ko.
"Teka nga may gusto kaba sa kanya? "Ano!! wala ah! " Dapat lang kase kawawa ka sa kanya wala syang ipapakain sayo.
Pumasok na kami sa loob ng room, natapos ang first, second at third subject namin. Lunch na ng lumabas ako para kumain, si Ella kase gusto sa canteen ayuko dun bukod sa maingay madaming tao, kaya nalabas ako minsan sa labas din sya kumakain at sabay kami pag wala lang talaga sya sa mood, kaya dun sya kumakain.
"Ahh manang Mena isang adobong pusit po tska dalawang kanin pahingi na din pong sabaw salamat po, Nakangiti kong pahayag. " Sige Kristine hanap kana ng pwesto mo ipahatid ko nalang kay jekjek.
"Sige po!! Nagulat nalang ako ng may tumabi sakin.
" Sabi ko na nga ba dito ka kakain. Pinamulahan ako nh pisnge ba't andito sya? ano ba to makakain kaya ako ng maayos.
" Ah ikaw pala Rafa kakain ka din?
"Oo!!
"Anong kakainin mo?
"Ikaw?
"Ano?
" Sabi ko ikaw anong kakainin mo?
"" ahh kala ko ako kakainin mo e, mahina kong sabi pero narinig nya pala mygad malandi naba ako.
"Pwede rin, nakangisi netong sabi.
"Mag order kana nga dun dami mong sinasabi e, kunwari pagalit kong sabi. umalis eto saglit at maya maya dumating ng masama ang tingin, bakit kaya?
"Hi!! kristine order mo, sabay lapag ni jekjek
"thank u jek! kumain kana ba?
"Hindi pa pero sige lang makita lang kitang kumakain busog na ako,nakangiting pahayag neto.
"tigiltigilan mo nga ako jan jek baka mawalan ako ng gana, pabiro kong sabi..
"Hmm!!!!! baka pwede akong maki sali sainyong dalawa? " Upo ka Rafa si Jekjek! jejk si Rafa.
" Nice to meet you bro!! sabay lahad ng kamay ni jekjek, nakita kong tinitigan lang ito ni Rafa kala ko dina nya aabutin ng malapit ng ibaba ni jek.
"Rafa pare boyfriend ni Kc!!!
" Ano!!! totoo ba tine,boyfriend mo to?
"Ahh ano hindi niloloko kalang nyan ni Rafa, sabay baling ko kay Rafa pinanlakihan ko ito ng mata,nakita kong mas lalong nag dilim ang aura nya.
"Buti naman dahil ako ang magiging boyfriend mo! proud na sabi ni jek. "Alam nyo kung di kayo titigil aalis na ako. "Sige na tin iwan ko na kayo may gagawin pa ako. Sige.
Malapit na kaming matapos kumain ni Rafa ng bigla na lamang akong mabilaukan sa tanong nya.
"Boyfriend mo ba yun? " Hindi ahh niloloko ka lang din nun, oo nanliligaw yun sakin pero wala pa akong panahon sa ganyan. maikli kong pahayag. "Good pero pag ako ba nanligaw papayagan mo ba ako?
Mas lalo akong mabilaukan sa kanyang tanong, inabutan nya ako ng tubig at hinimas nya ang likod ko, bigla ako naginit sa ginawa nya kaya tinabig ko ito. " Pasensya na di ako sanay na may humahawak sakin. " It's ok masasanay ka din. "Ewan ko sayo sige na aalis na ako, may work ka paba? "Wala na pero mamaya susunduin ko si Ella. Bigla akong nakaramdam ng selos ,ganun ba sige una na ako.
Ba't ganto ang nararamdaman ko, nag seselos ba ako pero anong karapatan ko, kaibigan ko ang gusto nya pero di sya gusto, ako na may gusto di nya makita hayss ang gulo. "Bruha kanina kapa inaantay ni Ella galit ata. "Hah!! ba't naman magagalit yun?
"Diko alam bruha ka puntahan muna dun sa likod.
Pag dating ko sa likod nakita ko si Ella na may kahalikan na ibang lalaki, nagulat ako tatalikod na sana akong ng tawagin ako nya ako, pagharap ko tapos na pala sila.
"Sige na umalis kana!!! pagtataboy neto sa lalaki
"Ganun lang yun? diba tayo mag ssex.
" Antayin mo nalang ang tawag ko masyado kang tigang mag m**t*****e ka muna or ikiskis mo sa pader.
"Bahala na basta mamaya tawagan muko! sabay alis pero bago yun may sinabi muna sakin " Storbo kana namn Kristine!!! "Jake lumayas kana kung gusto mong itxt kita mamaya. "Oo na.
"So kamusta ang lunch date nyo?
"Date?.
"C'mon Kristine kaya ayaw mo sumama sa canteen kase mas gusto mo kasama yung manliligaw ko!!
"Ha!! ano bang pinagsasabi mo? " Nakita ko kayo ni Rafael na magkasama at nag tatawanan pa kayo.
" Kumain lang kami tska nauna ako dun matagal na ako dun kumakain bago pa sya dumating.
"Ok!! Fine gusto mo ba sya?
"Ha!!!
"Ano ba Kristine puro ka ha! oo o hindi lang naman isasagot mo. naiinis na sabi neto.
" So ano nga gusto mo ba? " Tumango ako sa kanya, akala ko magagalit sya.
"Good para sayo na mabaling ang atensyon nya nakakairita kase yung lalaki na yun puro pa flowers at chocolate, ni hindi man lang mag effort I date ako, basta ito lang ipapayo ko sayo magisip-isip ka bago mo sagutin ang lalaki na yan wala yan mararating at walang pangarap sa buhay, ang sakin lang ayukong umiyak ka sa huli.
"Sige tatandaan ko yan pero pangako magiging masaya ako sa kanya. nakangiti kong pahayag.
" Tsk!!! baliw kana tara na malate na namn tayo.
"Sige..
Natapos na ang aming klase at nag aya si Ella na mag mall muna daw kami, kase gusto nya bumili ng bagong gamit nya. Sumama na din ako kase gusto ko din mag libang, puro nalang kase kami assignment at project naluluka na ako.
Tinext ko muna driver namin na mamaya na ako mag papasundo tinext ko din sila mommy at daddy na sasama ako kay Ella pumayag naman sila at wag lang daw mag pa gabi.