Chapter 22 "SUBO"

2466 Words
Makalipas ang ilang araw ay wala akong balita kay Major, Kapag napapadaan ang Sinasakyan ko sa Station ay hindi ko ito napapansin roon. Wala din itong paramdam sa text or message sa insta, Nakakalungkot rin, Siguro nagkamabutihan na ulit sila ni Ms.Lyra, Sa bagay mahal na mahal sya ni Major noon, Pano kung di pa pala talaga nakaka move on si Major, pano kung bumalik ulit ang feelings nya kay Ms.Lyra.? Yun ang mga tanong sa isip ko ng Gulatin ako ni Kuya hyde. "Woi. .ang lalim naman ata ng iniisip mo dyan? Wika ni kuya hyde habang ipinagbubukas ako ng Dala nitong biscuit. "Hindi naman kuya may naaalala lang" palusot ko rito. "Weh? Bakit parang malungkot ka? "Huh? Ako malungkot? Hindi ah, gutom lang ako amin na nga yan, para sakin yan diba? Saad ko kay kuya hude sabay agaw ng Biscuit. "Yan mabuti yan kumain kana nga lang." Nga pala Reign, Nagbabalak dumalaw rito nila mama, papa at ni Bunso magbabakasyon sila dito mga 1 week lang ipakikilala kita sa kanila, na kwento kasi kita kay mama, sabi ko ipakikilala ko sa kanila ang pinaka maganda at pinaka makulit at isip bata kong estudyante hahaha" wika ni kuya hyde. 'hala.grabe ka kuya ok na yung maganda eh bakit naman may makulit at isip bata, mamaya sabihin ni mama mo sakin Sakit ako sa ulo mo, hehe" wika ko rito. "Joke lang syempre...hehe pero yun nga bibisita sila rito, sama ka sa bahay ha, tikman mo mga luto ni mama, masasarap. "Sige kuya walang problema, Sama ako pag dumalaw sila.wika ko naman. Wala ang huling professor namin para sa last subject. Inaaya ako nila cat at Monika na mag mall tila wala naman ako sa Mood kaya tinangihan ko muna sila, Nagtungo ako sa malapit na bakery at sa convenient store bumili ako ng isang box na Zesto at naisipan kong dalawin sila Neneng, medyo matagal na rin nang huli ko silang dalawin. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Officer Del Rio na nag roronda. "Magandang hapon po Mam Ganda" "Magandang Hapon din po Officer Del Rio" wika ko rito saka ito bahagyang nginitian. "Nga po pala mam, Pinabibigay po pala ni Major, iabot ko raw po ito sa inyo pag nakita ko raw po kayo" wika nito saka inabot sa akin ang isang box. "Ganon po ba? Salamat po. "Wag po kayong mag alala mam 3 days lang po syang mawawala, babalik rin po sya. "Bakit officer Nasaan po ba Si Major? "May inaasikaso lang po sa Cebu, pero babalik din po yun agad" "Ah..Ok po, ahm salamat dito officer, mauuna na po muna ako. "Sige po mam ganda, ingat"saad nito sa akin. Pagdating ko palang sa may tulay ay sinalubong agad ako ni Bebeng at Chikoy,si Baldo naman ay wala pa dahil nagtitinda pa ito ng Balot at penoy mula 5:30 hanngang 7pm. Tuwang tuwa naman si Bebenf at chickoy sa pasalubong ko, samantalang Si Nanay iska naman ay lumabas sa barong barong. "Oh..hija andyan ka pala " Opo nay dinalhan ko lang po kau ng pasalubong. "Naku salamat hija hindi mo nakakalimutan ang mga bata. "Kayo nay kumusta po kayo? Tanong ko rito. "Naku heto medyo ok na awa ng dyos, Tinrangkaso kasi ako, kaya hindi ako nakapaglabada, mabuti nalang at nariyan si Baldo, suma sideline sa hapon sa paglalako ng balot kaya kahit papano may naibabaon sila at nakakakain kami kahit konti." Wika ni nanay iska. Nahabag naman ako sa kalagayan ng mag iina. Kaya dumukot ako sa bag ko ng pera,pwede na siguro to may cash pa naman akong 2k rito. "Nay, tangapin nyo po ito, para po kahit papano may pang gastos po kayo ng ilang araw." Saad ko. "Naku nak, ang laki naman nito, di ko ito matatangap.." nahihiyang wika ni nanay iska "Nay magtatampo ako kapag di nyo po tinangap yan, " "Sige na nga anak, salamat rito ha Matapos kong pakainin at turuan sila bebeng ay nagpaalam narin ako, nakasalubong ko naman si Baldo. "Oh ate Reign pauwi na po kayo? "Oo baldo, hehe kanina pa kasi ako rito. "Naku sayang ate, naglako pa kasi ako ng balot. "Oo nga sipag mo nman baldo.pano mauna na ako. "Sige po ate ihahatid ko na po kayo" saad ni baldo. Madali naman akong nakasakay at nakarating sa bahay. Pagkarating ay agad akong nagtungo sa kwarto at naghanda ng paligo pakiramdam ko kasi ay init na init ako. Mabilis akong nag shower, at nag bihis nakatingin ako sa salamin at nakita ko parin ang Bakas ng mga Pulang marka na iniwan ni Major, Agad akong nagbihis ng pantulog ko. Naalala ko ang Maliit na box na pinabibigay ni Major, kaya kinuha ko ito at binuksan "Pagbukas ako ay nagulat ako sa Laman 3 kinder Joy" na may nakasulat pang "SMILE BATA" "Loko loko talaga tong Tandang Major na to, Matapos akong Tikman BATA parin ang tawag sa akin. Pero kahit ganon syempre kinikilig parin ako, Kinuha ko ang box ng Kinder joy at tinago ito sa drawer ko. Samantala... YOHAN'S POV Pangalwang araw ko na rito sa Cebu, Gustong gusto ko nang umuwi, Mis na mis ko na si Bata, Simula kasi ng may mangyari sa Resto ay di pa ulit kami ngkikita, Bigla nalang kasi syang nagpaalam, ang sabi nya sa akin sumama ang timpla ng tyan nya pero di ako naniniwala, sigurado akong may kinalaman sa pagdating nila mama at lyra kaya sya umalis. Speaking of Lyra ay Determinado itong magkabalikan ulit kami, Pero hindi ko alam, Hindi naman sa nagmamayabang ako pero tila wala na akong nararamdaman sa kanya, kung meron man siguro ay hangang kaibigan na lamang, Pero yung higit roon ay wala na. Isa pa tong Si mama Grabe ang Suporta na magbalikan kami ni Lyra,kahit mali na ang ginagawa nya sige parin,Hayy..Mahal ko si Mama pero minsan hindi ko rin gusto ang ginagawa nya kagaya ng ipahiya niya si BATA nung nasa resto kami, sino ba sya para husgahan si Evren. Ang sabi ni Del Rio naibigay nya na raw kay bata ang Regalo ko sana matuwa sya ang lungkot raw kasing tingnan ni Bata kahit nakangiti ito. Hay..mis ko na sya talaga sya. Narito nga ako ngayon sa cebu, susubukan kong maging parokyano mamaya, Ginawan kasi ako ng dummy identity at magpapangap ako mamaya na isa sa mga parokyano gusto ko lang alamin ang mga galawan nila sa ORg. Bandang alas 9pm nang pumasok kami, Costume party kasi ang tema kaya naka pang Zorro ako, Naglagay din ako ng Gray na Contact lense. Madali naman akong nakapasok dahil sa Black dragon card. Aakalain mong Isang normal na may class na bar ang makikita mo may mga bilyaran din, dito at meron ding VIP Rooms. Ilang sandali pa ay namatay ang ilaw pagbukas ng Dim light ay may mga babae na sa entalado na nagsasayaw, halos mga walang saplot na ito kung meron man ay mga hiwa at u***g na lamang ang natatakpan. "Napailing na lamang ako, Sunod ay ang pagpapalitan nila ng mga Party drugs, invold din dito ang Tatay ni Bata. Positibo nga na may illegal na ganap rito, nang makuha ko ang surveillance ng ganap ay umalis na rin ako. Bumalik ako sa hotel na inuupahan ko at pinanood ang detalye at mga video na nakunan ko, matibay na ibedensya na ito para kay Chivas. Maya maya ay nag meet kami ni Regal, sya ang isa sa mga informant ko, inabot nito sa akin ang isanf Brown envelope. Binuksan ko ito, Tumambad sa akin ang Picture Ni Chivas, Ni Matilda Ang Nag Iisang Family Picture ni CARMELA AT FRED kasama ang Isang Bata na walang iba kundi si Evren, Kamukha ito ng larawan na kinuha ko sa bahay nila niing unang punta ko. Binasa ko ang nakuhang impormasyon ni Regal at habang binabasa ay nabangit na merong Birthmark ito sa may bandang tagiliran malapit sa may dibdib, Inalala kong maigi nung gabing may naganap sa amin, parang may napansin ako pero di ko nabigyang importansya. So sa makatuwid Hindi nga anak ni Chivas si Bata, Anak ito Ni Fred at Carmela. Agad akong nag impake at handa na akong umuwi bukas, Pero ililihim ko muna ang mga nalaman ko, Mahirap na baka mabulilyaso pa. Kinabukasan ay flight ko na at maayos naman akong nakalapag sa manila. Dumiretso agad ako sa NCRPO Regional Headquarters sa Bagong Diwa dahil ipinatatawag din ako ni General, Mabilis lamang naman ang aming naging pag uusap. Pagkatapos noon ay umuwi muna ako saka Nag report naman sa Headquarters namin. Pagpasok ko pa lamang ay panay kantyaw na sa pasalubong ang mga kabaro ko kaya pinakuha ko kay Del rio ang binili kong mga pasalubong. Dumating ang director namin at may inabot itong papel. May Mission kami sa medyo remote area, Kasama namin rito ay Mula sa Eskwelahan ng st.Margaret mga Voluntary ito. Tinginan ko ang pangalan ng mga Kasama sa Misyon at Nakita ko ang pangalan ni Bata bilang Volunter. Kaya kahit PINAGPAPAHINGA ako ay nag presinta rin akong sasama rin. "Major, Bakit sasama ka? Diba rest ka kasi pagod ka? "Ok lang kaya ko naman eh" "Weh? Oh nakita nyo na kasama sa volunteer si mam Ganda" biro pa nito sa akin. "Sira ulo ka Del rio, Sige ka walang papasko mga anak mo sakin" wika ko rito sabay tawa. "Joke lang major, di na mabiro. Ayon sa Memo sa Zambales kami Pupunta at Doon sa remote area kung saan di gaanong nakkarating ang tulong. 20 na estudyante mula Sa St.margaret, at Ganon din kami. Ready na ako para bukas, Sywmpre may Dala akong sariling tent. At iba pa. Lahat ng mahalagang bagay ay dala ko, syempre kasama si Bata, pati kulambo na pang isahan ay nagdala ako in case na kailanganin ni Bata. Di nya rin kasi alam na kasama ako. Excited na akong makasama sa Misyon si Bata at Overnight pa. Samantala .. EVREN'S POV Ngayon ang araw ng aming pag alis patungong zambales, isa kasi ako sa volunteer, Palagi ko itong ginagawa, Kaya ako ang naatasan bilang leader. Masarap kasi sa pakiramdam ang gantong gawain lalo na sa mga bata na natutulungan. At isa pa mas na aapreciate ng mga tao roon ang pagtulong. Dala ko na ang mga dapat kong dalhin nagdala ako pantulog na pajama at iba pang damit na naaangkop sa lugar na pupuntahan. Naka assembly na kami sa harap ng school, dumating narin ang 6x6 truck na aming sasakyan. 3 truck ang aming sasakyan Kada truck na may kasamang Volunteers ay may kasama ring PNP balanse ang mga sakay. Bukod sa mga volunteer ay may sakay parin itong mga pagkain sa 2 araw na pamamalagi roon. At pati narin ang mga Ayuda na ibibigay sa mga tao roon.sakto na ang laman ng Truck At hindi pa ako nakakasakay, ako kasi ang ginawang Head. Kaya mas nauna ko syempreng pinasakay ang Iba. Akma na sana akong makiki siksik kina Monika at Cat ng biglang dumating si Major. "Okay naba ang lahat? Wika ni Major na Fresh na Fresh, nakasuot ito ng Gray na damit bagong Shave rin ito, Habang nakasuot naman ito ng shade saka ito dahan dahang hinubad. Sa wari ko ay Napakabango nya, ilang araw ko syang di nakita bakit parang gusto ko syang takbuhin. "Hmmm..Kalma evren..Si Major lang yan, Alalahanin mo, Kagagaling lang ng Ni Jack hammer nyan" wika ko sa aking isip at kinalma ang sarili. "Okay na po major, Kaya lang si Ms.Ganda po hindi pa nakakasakay, Kung Sisingit po kasi sya Baka hindi po sya maging Kompotable lalo na po at Malayo ang byahe . "Ganon ba? Ahm..Sakin kana lang Sumabay Ms.Solares, Kasama rin naman ako eh" wika ni Major. "So kasama pala sya? Hmm. "Halika na Bata, ng makaalis na tayo. Wika nito saka dali daling kinuha ang mga gamit ko at inilagay sa backseat. Umalis na kami patungo sa aming destinasyon tahimik lamang ako,maaga parin kasi ala singko pa lamang ng madaling araw. "Kumain kaba ng breakfast? Tanong nito sa akin. "Tapos na po Major, "ngunit pagkasabi ko niyon ay sya namang pag Tunog ng aking Tyan..Walanja pahamak talaga. Nakita ko naman ang pagtawa nya. "Hahaha...Liar ka Bata! Binuking ka ng sarili mong Tyan. Wika nito na di napigilan tumawa. "Kunin mo ang paperbag sa backseat may inorder akong pagkain dyan" wika nito sa akin nang bigla na namang Tumunog ang tyan ko. Kaya hagalpak na naman ng Tawa ang Gago. Wala na kong nagawa kundi kunin ang Paper bag, MCDonalds ito at meron ding kape. Kinuha ko ang Burger at fries Kinain ito, Nakakahiya naman na ako lang ang Kakain kaya Inaya ko sya, Pakitang tao syempre baka isipin nya ns makapal muka ko nilibre nya na tapos sinolo ko pa kaya kahit papano inaya ko naman. "Kain tayo Major" aya ko rito. "Gusto ko sana kaya lang mahirap kumain ng nag Dra Drive saad nito nang nakangiti. . "Hmmm..Parang alam ko na yung gantong eksena. Kaya kinuhA ko ang burger at nilapit sa kanya "Major Say Ahhh" wika ko saka naman sya ngumanga at kinagatAn ang burger, pinagbalat ko sya ng kanya pero yung sakin parin ang kinakagatan nya, Mautak ang loko. Ganon din sa Fries, SINUBUAN ko rin sya ng Fries habang nag dra drive dahil nasa byahe ay Kumayat ang Ketchup sa aking kamay. Kaya ng ISUSUBO ko sa kanya ang Fries nagulat ako ng pati ang Daliri kong may Ketchup ay ISINUBO nya, Focus lang sya sa pagdra drive habang ginagawa iyon, samantalang ako naman ay nakatitig lamang sa kanya at tila parang nabubuhayan. Napaawang na lamang ang Labi ko na tila dinadama ang mainit nyang Bibig sa aking daliri, Nahuli nya pa akong naka awang ang Bibig at nakapikit, Pag minsmalas ka nga naman. "How Do you feel bata? Kasi ako Nabubuhayan na" wika nya na nakangiti sabay hagalpak. Agad naman akong natauhan at napatingin sa kanyang Gitna, Tila totoo ang sinabi nya bukol na bukol na naman ito. Agad kong inayos ang upo ko saka inayos ang mga pinagkainan namin, Hindi ko alam pero dahil sa tensyon sa aming dalawa ay mabilis kong naubos ang kape kahit mainit pa. Maya maya ay nagsalita sya. "Matulog kana muna Bata" mahaba pa ang byahe natin. "Sure ka? Tanong ko rito. "Oo naman, Magpahinga ka dahil mapapalaban ka ng husto sa akyatan at lakaran mamaya" wika pa nito sa akin. "Okay lang major, medyo sanay naman ako dyan kahit papano at least hindi bakbakan ang pupuntahan natin" saad ko sa kanya. "Di mo sure, hehe Parang may Magaganap na BAKBAKAN, ibang Klaseng BAKBAKAN nga lang, Wika nito na di ko na masyado naintindihan basta nakita ko nalang syang tumawa saka kinagat ang ibabang labi. "Anong sabi mo Major? "Wala .sabi ko just take a rest" wika nya at wala na nga akong nagawa kundi sundin sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD