Nakatulog na pala ako sa kakaiyak , Maya maya ay bumukas ang pinto at niluwa noon si Nanay Soling kaya nabuhayan ako. "Nanay soling..Nay .tulungan nyo po ako" wika ko na umiiyak. "Anak, kumain ka muna, hindi pa kita matutulungan sa ngayon pero hahanap tau ng paraan hija, importante kumain kana muna para may lakas ka hija." Wika ni nanay soling saka hinaplos ang mukha ko na puro pasa. "Nanay Buntis ho ako, Magkakaanak po kami ni Major, baka ho kung anong gawin sa akin ni mama, baka mapahamak po ang baby ko nay" umiiyak na sabi ko, medyo nagulat pa si nanay soling. "Shsh..Gagawa tayo ng paraan anak, kailangan di malaman ng mama mo na buntis ka, baka ipalaglag nya ang bata pagnagkataon" saad ni nanay. "Nay, ayoko po, anak namin to ni major" "Alam ko anak kaya dapat di nya malaman" oh s

