Kinabukasan ay dinala sa akin ang aming kambal upang pasusuhin, buti nalang hindi sila masyadong iyakin, Hawak ng nurse ang isa at ang isa naman ay hawak ni Yohan. Hindi pa alam ni Yohan kung anong pagkarga ang gagawin dahil first time nya humawak ng sanggol na bagong silang, kaya ng iabot sa kanya ng isang nurse ay ingat na ingat sya. Karga nya si Ehren Royce ang aming bunso, samantalang ang Unang kambal naman na si Evan Reigh ay Nasa aking tabi upang maunang pasusuhin, nang matulungan na ako ng nurse na maiayos si Baby ay iniwan narin kami ng mga ito, Kaya kaming Apat na lamang ang naiwan sa loob ng kwarto. "Mommy, Grabe So Tiny, nakakatakot hawakan si Baby ang liit liit pa nila." Saad ni Yohan habang nananatiling nakatitig kay Ehren. "Hehe, Alam mo Daddy Ganan din si Yohanna at Grae

