Sumapit ang araw nang pagbalik sa Probinsya nila Tita Zaida, Hinatid namin sila ni Kuya Hyde sa aiport.
Hindi ko alam, pero kami yung nagkaiyakan, napamahal na kasi ako sa kanya, Napaka swerte nila kuya hyde sa kanya.
Ngunit bago sya umalis ay meron syang ibinigay sa akin, Isang Crochet Knitted flower Ears hat, Maganda ito at sya mismo ang gumawa eto daw kasi ang kanyang libangan, inisuot nya pa ito sa aking ulo bago umalis.
Nang makaalis sila ay nilibre muna ako ng ice cream ni kuya sa isang ice cream parlor saka nya ako inihatid sa amin.
Nang maihatid ako ni Kuya ay nag babaye lang ako rito at pumasok na rin sa loob ng bahay.
Ngunit mga 2 minuto palang ako nakakapasok ay may Kumakatok na naman. Akala ko si Kuya Hyde kaya binuksan ko ngunit nagulat ako nang mapagtanto king sino, walang iba kundi si Major.
Ayoko namang maging bastos kaya tinanong ko sya.
"Yes..Major?
"Hi...kumusta kana?
"O..ok lang naman po major" malamig kong sagot rito.
"Ahm..napadaan lang ako, ahmm..nakita ko kasing hinatid ka ni Mr.Alvez kaya sinubukan ko na ring kumustahin ka..Hindi ka kasi nag rereply or nag se seen sa message ko, Nag aalala lang ako," wika ni Major.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Ok lang ako major, Wag nyo po akong alalahanin, at salamat sa concern," Wika ko rito.
"Ahm..Kung wala ka nang mahalagang sasabibin major, Gusto ko na po magpahinga.
"Ah..Evren Iniiwasan mo ba ako? Tanong sa akin ni Major.
Pansin ko kasi simula nang nagka enkwentro kayo nila mama nagkaganyan ka na.,, Inutusan ka ba nyang layuan ako ha? Initusan ka ba nya? Wika ni major
"Hindi ako inutusan ako ang kusang lumayo." Gusto ko ng katahimikan ayoko ng gulo Major" sabi ko rito ng hindi tumitingin sa kanyang muka.
Kaya pala bigla kana lang di nagparamdam, kaya pala hindi kita makita, yun pala sinasadyang mong di magpakita, dahil gulo ang dala ko sayo,
Ang tanga ko naman, Bat di ko naramdaman yon, Sorry Evren, Pasensya na." Wika ni Major saka lumayo. Parang na guilty naman ako bigla, parang gusto ko syang habulin , pero di ko rin magawa,
"Im sorry Major.." saad ko sa aking isip, Mas mabuti na muna nga sigurong ganito, Mag fo focus nalang muna ako sa Pag aaral ko, dahil konti nalang gra graduate na rin ako, Magkakaron ng magandang Career at hindi na mamaliitin ng iba, Patutunayan ko sa Mama ni Major na mali ang iniisip nya sa akin.
Hindi ako makatulog nang gabing iyon, naalala ko si Major, ramdam kong nasaktan ko sya kanina.
Kinabukasan ay pumasok na ako, napagawi kami sa Headquarters, napansin kong nangingiti si Major sa kwentuhan ngunit ng mapansin ako nitong padaan ay Umalis ito.
Ganon din kanina nung nagtuturo sila ng self defense sa lower year, naparaan kami at inaya ako nila monika at sheng manood napakagaling talaga ni Major. Ngunit nang mapansin nyang nanonood ako ay bigla ito umalis at pina sub si Ramirez at ito muna ang pumalit.
Ang bilis ng pangyayari parang nung nakaraan lang nag haharutan pa kami, pero ngayon para kaming stranger sa isat isa, Sa bagay ako naman ang nagsimula nito.
Wika sa isip ko na tila maiiyak.
Halos mag 2 weeks na din pala kaming di nagpapansinan.
Until one day Nakita ko syang bumaba sa Pickup at umikot sa kabilang side at binuksan ang payong naulan kasi ng time na yon kayat sumilong muna ako sa waiting shed,at kita ng dalawang mata ko na meron syang kasama walang iba kundi Si Lyra..Bakit magkasama sila? Nagkabalikan na ba?
Kita ko pa ang Pag yakap ni Lyra sa braso nya.
Hindi ko alam tila nakaramdam ako ng sakit, parang tinarakan ang aking puso.
Di ko alam na unti unti na pala akong naluluha kaya walang kaabog abog ay sinugod ko ang malakas na ulan, bahala na kung mabasa, maliligo nalang ako sa bahay.
Sinugod ko ang malakas na ulan,mabuti na lamang na iniwan ko na ang ibang notes sa locker ko, di naman mababasa ang iba dahil waterproof.
Nggunit habang naglalakad ako ramdam kong may sumusunod sa akin hangang sa hilahin nito ang kamay ko at pinipilit na sumukob sa payong nya.
"Solares, Huminto ka nga! Nasisiraan ka naba ang lakas ng ulan nag papaulan ka!
"Hayaan mo na ako, Anong gusto mo hintayin ko na tumila ang ulan"
"Kung ayaw mo hintayin o Magpayong Ka, At Eto isuot mo"
sabay abot din ng jacket sa akin.
"Hindi na kailangan, Kay Lyra mo nalang ibigay ang mga yan..Hindi sa akin..." Saad ko rito saka naglakad ng Di sya pinapansin. Ngunit hinabol ako nito.
"Teka sandali nga, Bat napasok si Lyra Dito?
"Bakit hindi? Diba hinatid mo pa nga sya, ang saya saya nyo pa, Siguro nagka balikan na kayo? Sa bagay, bagay naman kayong Dalawa, Major ka tapos sya Modelo bagay kayo, mga tulad nya ang gusto ng Mama mo, Magkakasundo sila." Saad ko pa.
Maglalakad na sana ulit ako ng Bigla akong Yakapin ni Major, Nasa gitna kami ng Ulan, mabuti na lamang at wala ng ganong tao sa bandang to.
"Hmmm...aminin mo nga Baby.Nag seselos kaba?
Tanong nya sa akin.
"Ako mag seselos? Saan sayo? Wow ang pogi mo naman," wika ko na kunwariy napatawa.
"Hmm..Hindi ba baby? Kung di ka nagseselos bakit umiiyak ka? At bakit naiinis ka? tanong nya sa akin.
pero imbes na sagutin ko ay patuloy ako na naglakad, hangang sa buhatin nya ako saka pinasok sa sasakyan.
"Isang galaw mo pa BATA. hahalikan na kita dyan." Wika nito kaya tumigil naman ako.
"Tingnan mo yan basang basa kana, Pano kung magkasakit ka,
Hindi ka kasi nag iingat, Tsk .tsk.." dagdag pa nito.
Tumahimik na lamang ako, Ayoko na rin makipagtalo.
Hangang sa sumapit kami sa bahay namin ay di ako nagsalita, gusto ko syang kausapin na parang ayaw ko.
"Maligo ka na at magbihis, basang basa ka tuloy," saad nito sa akin
Ngunit bago ako pumasok ay kinabig ako nito at Niyakap saka hinalikan sa ulo.
"Im sorry Bata.., na miss kita, 2 weeks mo na kasi akong di pinapansin hangang ngayon ayaw mo pa rin akong kausapin, nakakamis pala yung BATAng Makulet, madaldal pero malambing" wika nito tila hinahaplos naman ang puso ko na mimis nya rin pala ako kahit papano.
Di din ako nakatiis, dahil kahit ako mis ko rin sya, kaya yumakap din ako sa kanya.. (Hmmm Karupukan evren)
"Im sorry din Major, Gusto ko lang kasi ng tahimik,nainis ako ng nakaraan dahil sa mga binitawan ng mama mo. " Saad ko rito.
"Pag pasensyahan mo na si Mama, hayaan mo, napag sabihan ko na sya"
Hmm..Magbihis kana baka sipunin ka pa" wika nito sa akin.
Maya maya ay nagpaalam na rin sya.
Nang gabing iyon ay magka Chat kami ni major, doon namin tinuloy ang pag uusap.
Okay naman ang napag usapan namin, Wala nang iwasang magaganap,
Bago matulog ay may pa Videocall pa ang Lolo Major nyo naka topless ito at tila ka shoshower lang, Hmmm mukang ang bango bango na naman tingnan.
Nag usap pa kami saglit saka nag paalaman.
Masaya akong pumasok kinabukasan at pansin iyon ng mga kasama ko.
Iba pala talaga kapag gising mo sa umaga may babati sayo ng "Goodmorning,tapos paaalalahanan ka " ganito pala yung pakiramdam, yun nga lang wala naman kaming LABEL, LANDIAN with CARE lang ang peg namin ni major.
Ok na sana ang lahat ng Biglang tumawag si Mama sa akin,
Kinakabahan man ngunit sinagot ko ito.
"Hello po mama matilda..
Matilda: Hello, Nasa eskwelahan kaba?
Evren: Opo mama, bakit po
Matilda: Umuwi kana tatawagan ko ang eskwelahan at sasabihing kailangan mong umuwi, Pagdating mo sa Bahay ISuot mo yung Damit na dala ko na Kulay Red, pati yung Sandals na dala ko.
Ayusin mo ang sarili mo saka ka sumunod sa Casa Bueno hihintayin ka namin doon.
Evre: bakit po ma? A ..ano pong meron.?
Matilda: Wala ka ng paki roon bastat sundin mo ako.
Sharp 11am! Wag na wag kang ma le late."
Wika pa ni mama
Matapos ang aming pag uusap ay nagpaalam na ako, pinayagan naman ako dahil nakarating na ang tawag ni mama.
Dali dali akong umuwi. Nakita ko pa ang mga bagahe ni mama.
Pumunta ako sa kwarto at agad na naligo nakita ko rin ang pulang damit na sinasabi nya.
Sexy fitted dress ito ma medyo malalim at halos litaw ang dibdib medyo above the knee ito.
Nang isuot ko ito ay Bagay naman sa akin lalabas din ang hubog nang katawan sa dress na ito kaya kung sexy ka, lalo ma e emphasize ang kurba ng iyong katawan.
Ganon din ang design mabuti na lamang at wala na ang mga marka na iniwan ni major kung hindi ay siguradong makikita.
Kinulot ko lang uli ang dulo ng aking buhok saka naglagay ng light make up.
Nang ayos na ay saka ko isinuot ang sandals mataas rin ito ngunit comfortable sa paa. Saka ako inihatid ni Kuya Gelo sa Casa Bueno.
Samantala....
YOHANS POV
Habang nag iikot ikot hindi ko alam ngunit parang si Bata ang nakita ko, Tila balisa ito at panay ang tingin sa orasan. Doon ko napagtanto na si Bata nga ito. Napakaganda nya sa suot nya, Bagay na bagay sa kanya Lalo syang sumexy, at napakaganda nya kahit naka light make up lang sya, yun nga lang makaagaw atensyon tuloy sya lalo na sa mga kalalakihan, dahil sa itsura nya na sadya namang nakaka akit, sarap tuloy dukutin ng mga mata nila.
Pasimple ko syang sinundan iba kasi ang pakiramdam ko,
Nakita ko syang Pumasok sa Resto at Boom Andon ang mga Walang hiya nyang mga magulang,.
Pasimple akong sumunod kay bata at pumwesto sa medyo malayo ngunit sure ko na maririnig ko ang usapan nila. Di naman ako makikita ni bata dahil nakatalikod ito sa akin, baka isa ito sa susi sa iba pang pwede maging ebidensya.
Biglang may lumapit sa kin na crew okupado pala ito kaya pinalilipat ako, buti na lamang at may dala akong secret device at agad ko itong kinabit sa table para marinig ko pa rin ang usapan saka ako umalis.
At lumipat kuno ng pwesto.
At mula roon rinig na rinig ko parin ang usapan sa loob.
EVRENS POV
Nakita ko si Mama at si papa kaya umupo ako sa tapat nila. Kita ko pa ang pag pasada ni papa ng tingin sa akin, ganon din si mama.
"Goodafternoon po Mama ..Papa..bati ko sa kanila.
"Good afternoon anak, Hmm Bagay na bagay sayo ang suot mo Mas lalo kang nag Bloom.
Tumayo ka nga humarap ka sakin" saad pa ni mama kaya sumunod ako
"Hmm..Parang mas lalo lumaki ang Dibdib mo, mas ok yan mas malaki mas maraming Maakit, mas maraming matatakam, mas maraming Pipili sayo" saad pa ni mama ma ikinatindig ng balahibo ko.
Muli akong umupi at maya maya lamang ay dumating ang isang may edad ng lalaki at bineso ni mama at kinamayan ni papa saka bumaling sa akin ang matanda at pinasadahan din ako ng tingin.
"Hmm..eto ba ang dalaga nyo? Ba maganda nga, At panalo,
"Maswerte ang Makakadali dito Chivaz"
"Naman, kaya mahal ang bitaw dyan,
Wika naman ni mama.
Di ako maka relate sa sinasabi nila ngunit alam kong may halong kalaswaan ang mga ito.
Tahimik lamang akong nakayuko at nakikinig sa usapan nila.
"Malapit nang maging Myembro tong si Evren,
"Ma, Ayoko...Ayoko pong Sumali sa Samahan o sa kahit na ano pang organisasyon nyo" wika ko dahil di ko na napigilan na di sumabat sa usapan.
"Evren, Di na pwede,Naka line up kana Dear, Hehe naka line up na rin ang mga Parokyano mo.." wika ni mama sabay tawa na parang Bruha.
Si papa naman ay nag Buga ng usok mula s Vape na nakasabit sa kanya.
"Hindi napo pwede ma.." Matigas kong wika rito.
"At bakit hindi ha? Sayang naman ang pagpapalaki namin sayo kung Hindi ka namin mapakikinabangan,
Kaya dapat Magamit ka namin REturn of Investment ika nga, Mas magiging makapangyarihan ang Daddy mo, mas kikilalanin, at ako mas malilibot ko ang ibat ibang bansa,." Wika ni Mama Na parang isang Isda lamang ako na binebenta sa palengke.
"Paano naman ako ma? Itatali nyo ako sa hindi ko gusto? Sa Hindi ko naman mahal?"
"Hmm..Parang ganon na nga atleast nasayo na ang lahat, mabibili mo lahat ng gusto, mo lahat ng Nais mo wala ka namang Ibang Gagawin kundi Bumukaka lang at magpabuntis at mag anak kapag kailangan ng Makakakuha Sayo" atleast sulit ang Pagbuka mo"
Wika ni Mama ,para bang ang dali lang sa kanya sabihin ng bagay na iyon.
Wala na akong nagawa kundi ang maluha pero nag matigas ako.
"Hindi parin ma, Kahit ipilit nyo pa, Hinding hindi nyo ako mapapaanib dyan!
"Wala ka nang Magagawa, evren! Saad pa nito.
"Meron ma! Sorry ma, pero mukang Huli kana, May Nobyo na ho ako at Ilang beses ng may nangyari sa amin, Kaya kung inaakala nyo ho na Panalo kayo dahil ipagpipilitan nyo akong Isali dyan kayo rin ho ang Mapapahiya dahil Lalabas na kayo ang sinungaling"
matapang kong sabi, Kita ko ang galit at panlilisik ng mata ni Mama at papa.
"Anong sinabi mo? May Nobyo ka, at Nag pagalaw kana?
Napaka Kati mong Bata ka!"
Wika ni Mama sabay sampal sa akin, tila kumapal at namanhid naman ang pisngi ko dala ng malakas na pagkakasampal ni mama.
"Sinira mo lahat ng plano evren!
Kung talagang may nobyo ka, Sige ilabas mo, Papuntahin mo rito! O baka gawa gawa mo lang yan para makaiwas ka, Kilala kita Evren.
"E di wag ho kayong maniwala kung ayaw ninyo"
"Tawagan mo ang Nobyo na sinasabi mo ngayon na! Mataas na boses na sigaw ni Daddy.
"May Trabaho po sya Dad!
"Wala akong pake! Tawagan mo papuntahin mo rito.!
Galit na galit na sigaw ni Daddy,
Kinabahan naman ako dahil napansin ko ang nakasukbit na baril sa kanyang tagiliran. Di ko alam ang gagawin ko, Wala nman talaga akong nobyo syempre echos ko lang yun, Kunwari lamang akong ng di dial at nagtetext pero ang totoo wala.
Ayoko namang mang istorbo.
"Ano nasan na ang nobyo mo! Nasaan! wika ni Mama sabay pisil sa hita ko, Napakasakit nito at di ko maiwasan mapa aray.
"Aray ma..wag ..masakit po" wika ko.
"Ma..umuwi na tayo, Di makakapunta ang nobyo ko, baka nasa trabaho, sa bahay mo nalang ako parusahan wag dito." Pakiusap ko kay mama.
Dahil nag sisimula ng maglakbay ang kamay nya sa katawan ko.
Hinawakan nya ako sa tagiliran at saka kinurot ng pinong pino, pakiramdam ko ay babaon ang kuko nito roon, at di ko na napigilan ang pigil na pag agos ng aking luha.
Hangang sa Mamalayan ko na Isang jacket ang bumalot sa aking katawan saka ako niyakap mula sa aking likod at saka hinalikan sa aking ulo.
"Im Sorry Baby, Na late ako, May tinapos lang ako, Wag kana malungkot, andito na ako."
Nang marinig ko ang Boses nya ay tila nabuhayan ako ng loob ang lalaking hindi ko inaasahang dumating ay walang iba kundi si Major, Sa sobrang takot ko ay Agad akong yumakap sa kanya, at sinubsob ang aking mukha sa malapad nyang Dibdib, Hindi ko alam kung paano sya nakarating rito, kung paano nya nalaman ang sitwasyon ko, kung pano nya nalaman na kailangan ko ng tulong, hindi ko sya kinontak dahil ayoko syang abalahin pa, But now he ' s here...He save me again. Pang ilang beses naba to. Marami na.
Umiiyak akong nakayakap sa kanya, Ramdam ko ang Kaligtasan sa piling nya, Habang hinahaplos ang likod ko.
"Pasensya na Ho...Late ako, Late ko na ho kasi nabasa ang message ni Evren." Wika nito.
"At Sino ka mister? Tanong ng Matandang kasama ni Dad.
"I am Major Yohan Grae Escobar Ako po ang Nobyo ni Evren!" Saad ni major.
"Hahaha...Talaga? Magaling! so Ikaw ang dahilan pala.
Ang Bilis mo pala major..
Na Wasak mo agad tong bahay bata ni Evren! Ikaw ang Sumira sa plano namin para sa kanya.
"Ano ho bang problema? Wala naman ho diba Binata naman ho ako at handa ko syang panagutan kung sakali man." At kahit naman ho mag Nobyo kami ay mag aaral pa rin naman ho sya at makakapag tapos, wala ho akong nakikitang mali roon." Matapang na saad ni major.
Sayo wala sa amin meron, Malaki ang nawala, " wika ni mama,
Magsasalita pa sana ito ng awatin na ito ni Papa.
"Matilda,Enough! Saad ni papa na namumula sa Galit.
Mag usap tayo s ibang Araw Mr.Escobar! Wika ni Daddy sabay tayo sa upuan at alis nito kasunod si mama pati ang matanda.
"Umuwi ka mamaya Evren! Mag uusap tayo! Saad ni mama sa akin saka tumingin ng matalim.
Naiwan kami ni major at nananatili akong nakayakap sa kanya, nang makaalis na sila mama ay inakay ako ni Major patungo sa sasakyan.
At pagdating ko doon ay sinilip ko ang hita ko at kita ko ang pasa roon at nakita rin iyon ni major.
Kita ko ang nagliliyab na galit nito.
"Major salamat sa pagdating mo" wika ko rito.
"Sinaktan kana, uuwi ka pa rin b mamaya? Tanong ni major sa akin.
"Lalo akong masasaktan kung di ako uuwi kaya tatangapin ko na lang ang galit nya" saad ko rito.
"Pero tawagan mo ko pag sinaktan ka" wika pa ni major sa akin.
Di ko alam kung saan kami pupunta hangang sa medyo matandaan ko na kung saan ito, Dito nya ako dinala nung gusto kong mapag isa. Dito ko sinigaw at nilabas ang galit ko noon, Maganda pala dto pag umaga, Malawak ang kaparangan at koral ng mga kabayo, pumasok kami sa gate na pribadong pag aari nila Major.
May malaking bahay sa loob, Pumasok kami roon at nakita kong may nakahain na pagkain.
"Bakit may Food? May tao ba rito." Tanong ko.
"Meron bata, si aling Coring inutusan ko lang sila na maghanda, pero hindi sila napunta rito hangat walang approval ko, nakisuyo lamang ako ngayon, Wika ni major.
Kumain kaming dalawa, nakasuot parin ako ng bistidang Pula pinatungan ko lamang ito ng jacket nya. After namin kumain ay inaya nya akong magpahangin sa labas.
Muli kaming tumambay sa may duyan, pinaupo nya ako saka inugoy.
Kinuwento nya rin sa akin kung pano nya ko nakita, at lalo akong humanga sa kanya.
Alas Tres na ng hapon ng ayain nya akong Umakyat sa TREE HOUSE, mataas ito, kaya nag yapak ako habang inaalalayan nya ako sa pag akyat. Nang makarating kami ay namangha ako, kita ang ibang tanawin sa itaas, at malakas rin ang hangin
"Ang sarap naman dito major, ang presko at malakas ang hangin" nakangiting wika ko
"Alam mo bang dito kami natambay dati, matagal na ito, dito ako napunta lalo na noong time na malungkot ako, dito ako madalas, lalo na kapag gusto kong mapag isa.
"So witness pala ang Tree house na ito sa lahat nag nagyayari sa buhay mo major" wika ko...
"Oo Baby...at patuloy pa syang magiging witness sa susunod pang mga magyayari sa loob ng Tree House na ito.