Dahil off ko ay Namasyal kami Ni Yohanna, Iginala ko rin sya sa Jollibee dahil naipangako ko iyon sa kanya, sinulit ko ang araw para makasama sya. Medyo pagabi na kaya umuwi na kami mukang uulan pa buti na lamang at may dala kaming payong, nang makarating kami ay saka bumuhos ang malakas na ulan, mabuti na lamang at nasa bahay na kami. Naglinis na kaming mag ina ng katawan hihiga na sana kami ng malalakas na katok ang Nagpabangon sa amin. "Aling Tonya kayo po pala, Bakit po? Tanong ko rito ngunit imbes na sagutin ay Isang malakas na sampal ang Binigay nito sa akin, napahawak ako sa aming pisngi sa lakas ng sampla na iyon. "Magtatanong kapang malandi ka! Maang maangan ka pa? Inaakit mo ang asawa ko! " Nang gagalaiting wika ni aling tonya" "Ho? Teka aling tonya, pano hong inaakit eh ta

