DL 2

1167 Words
Panay ang kisap ko ng aking mga mata. Napatangin ako sa aking paligid. Wow! Sobrang ganda ng silid. At halatang panlalaki ito. Lalaki?! Oh my God! Napabalikwas naman ako ng bangon. Napatingin ako sa aking katawan. Wala akong damit at pantalon. Tanging ang suot ko lang ay underwear at bra. Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan. Dali-daling bumangon ako at hinanap ang aking mga saplot. Agad ko naman ito nakita na naka-hanger ito. Mabilisan ang pagbihis ko at kinuha ang aking bag na nakapatong sa maliit na upuan. Paglabas ko sa silid, naamoy ko kaagad ang sinangag. Nasa sala ako at nakasalubong ko ang isang napakaguwapong nilalang. "Aalis k na?" tanong ng lalaki na naka-boxer lang ito. Parang nanghina naman ang tuhod ko na nakatitig sa luntian niyang mga mata. "Ahm...Ah..B-Baka hinahanap na ako sa amin!" natatarantang saad ko rito. "Eat breakfast first, then I'll take you home." "H-Hindi na!" nauutal kong sagot rito. Nakakunot naman ang kan'yang noo. Gosh. Nakalimutan ko ang pangalan ni Mr. Green eyed! "Alis na ako!" saad ko rito at dali-daling pumunta sa pinto. "Snow, wait!" Napatigil naman ako. Humarap naman ako rito. "B-Bakit?" May kinuha ito sa drawer. Lumapit ito sa akin at inabot ang isang gold na card. DR. TUCKER GELLER. TP #: 564-456- 569. "If you need something, just call me," nakangiting saad niya. Alanganin naman akong ngumiti rito. "Salamat. N-Nice to meet you, T-Tucker. Bye!" Patakbo naman akong lumabas sa kan'yang unit. Nakahinga naman ako ng maluwag nasa elevator na ako. Jusko. Baka nasa bahay na si Ate Kath. Patay talaga ako! Pagbaba ko sa condominium building, nagpara na agad ako ng taxi. Mas mabilis kasi kapag taxi ang sinakyan ko kaysa sumakay sa jeep or trysikel. Medyo may kamahalan lang ang pamasahe sa taxi. Pagdating ko sa bahay, laking pasasalamat ko na wala pa si Ate pero kinakabahan din ako na wala pa ito sa bahay. Napabuga naman ako ng hangin. "Ate ko, nasaan ka na?" mahinang bulong ko. Nagbihis na lang ako at kinuha ang maruming damit namin ni ate at ni-washing. Naglinis rin ako ng bahay. Napatigil naman ako sa paglilinis dahil sa tunog ng cellphone ko. Agad ko naman ito sinagot at nagbabakasakali na nakitawag si Ate Kath. "Snow Antonio?" bungad na tanong sa akin ng isang malaking boses na lalaki. Napangibit naman ako. "Opo. Bakit po?" "Puntahan mo ang iyong ate sa Alcantara Medical hospital. Room 304. Hihintayin din kita. Nanlalaki naman ang mga mata ko. "A-Anong nangyari sa Ate ko?!" "Basta puntahan mo lang siya at may pera akong ibibigay sa'yo, ibayad mo sa bills niya sa hospital," aniya sa akin. "Sino po Ka-," Pero agad na ito nawala sa kabilang linya. Hindi kaya sila rin ang kumuha sa ate ko?! Dali-daling nagbihis na ako at agad pinuntahan ang hospital kung saan doon naka-admit ang Ate Kath ko. Pagdating ko sa hospital, agad ko hinanap ang room ni Ate Kath. Pero may lalaking humarang sa akin. Napakurap-kurap naman ako na nakatingin rito. "Ito iyong pera. Ikaw na ang bahala magbayad ng bills ng ate mo," aniya sa akin. Inabot sa akin ang makapal na sobre at umalis na agad ito. Tiningnan ko ito at namangha naman sa dami ng pera. Agad na ako pumasok sa room ni Ate Kath. Nadatnan ko ito na na walang malay. "A-Ate? Huwag mo ako iwanan. Ate gumising ka!" mangiyak-ngiyak na saad ko rito. Nagulat pa ako na bumalikwas si Ate Kath. "Ate ko, buhay ka!" nanlalaki ang mga mata ko. Binatukan naman ako ni Ate. "Bakit naman ako mamamatay!" Inis na inirapan niya ako. Napanguso naman ako. Kahit kailan tatay pa rin ni Ate Kath. "S-Sino ang nagdala sa akin sa hospital?" tanong niya sa akin. "Hindi ko po alam. Basta tinawagan ako at sinabi sa akin nasa hospital ka. Then, may isang lalaki dito na inabangan ako at binigyan ng maraming pera." "L-Lalaki? A-Anong itsura?" "Parang sanggano, Ate. Ang pangit. Ano po ba nangyari sa'yo, Ate? Sinaktan ka ba nila?" nag-alalang tanong ko rito. "H-Hindi. Nabayaran na ba ang bill? Uuwi na tayo," tanong niya sa akin at napansin ko ang pagngibit niya. "Okay ka lang po?" Nag-alalang tanong ko. "Okay lang. Uwi na tayo." Binayaran ko muna ang bills ni ate, at inaasikaso ang kan'yang release paper. Binigay ko rin kay Ate Kath ang pera na binigay ng lalaki na nag-abang sa akin sa hospital. Nakalipas ang araw, balik sa normal ang buhay namin. Minsan balak ko tawagan si Tucker, pero pinipigilan ko na lang ang aking sarili. Isang masamang balita naman ang bumungad sa akin. Natanggal si Ate Kath sa kan'yang trabaho. Sobrang naaawa na rin ako. "Ate saan ka pala nagtatrabaho?" malungkot na tanong ko rito. "Sa restaurant, waitress ako doon." Nanlumo naman ako. Ayoko na nahihirapan ang ate ko. Gusto ko tumulong kahit papaano. Balak ko rin na mag-working student. Ang malas pa, pinalayas na kami sa apartment. Ang alam ko binayaran na ito ni Ate. Agad naman ako naghanap ng pansamantalang titirhan namin.0 "Ate! Ate!" nagsisigaw na saad ko rito. "Bakit?" Nag-alalang tanong ni Ate Kath "Ate pinalayas tayo sa apartment. Nagbayad naman tayo," nakangusong saad ko naman. "A-Ano! A-Ang mga gamit natin? Nasaan?" Natatarantang tanong ni Ate Kath. "Nasa labas po ng apartment. Huwag ka mag-alala, Ate. Nakahanap na ako ng lilipatan natin." "Snow, dito ka lang. May pupuntahan lang ako." Agad naman ito pumara ng traysikel. "Ate ko, uwi ka kaagad ha!" Sigaw ko rito. Lingid sa kaalaman ni Ate, naghanap na rin ako ng trabaho. Pero ni isa walang tumanggap sa akin. Huminga naman ako ng malalim. Agad ko tinawagan si Tucker. "T-Tucker. Si Snow ito," mahinang saad ko. "Oh. Hi. How are you?" "N-Nangangailangan ako ng trabaho. Natanggal kasi ako. Kahit ano, basta may sahod," saad ko naman at napangibit. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Alam mo naman ang condo ko, right? Anytime puntahan mo lang ako," malambing na saad niya. Napangiti naman ako. "S-Salamat." "I'll wait you," paos na boses na saad niya. Dahil sa sobrang kaba, agad ko pinatay ang tawag. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Gusto ko lang tulungan si Ate Kath. Nasasaktan ako kapag nakikita ko itong nahihirapan at nalulungkot. Syempre, tutuparin ko pa rin ang pangako ko sa kan'ya. Magtatapos ako sa pag-aaral ko. Kinabukasan, pumunta ako sa condo ni Tucker. "Come in," nakangiting bungad niya sa akin. Bakit lalo itong gumuwapo sa aking paningin. Bagong ligo lang ito. Amoy na amoy ko rin ang sabon na gamit niya. "A-Anog work pala ang ibibigay mo?" nahihiyang tanong ko rito. "Be my girlfriend, Snow." NAPANGANGA naman ako. "H-Ha?!" "Kailangan may ipakilala ako sa Daddy ko na girlfriend." "S-Sure ka ba na ako ang i-ipakilala mo?" Nauutal na tanong ko rito. Ngumiti naman ito. Gusto ko kurutin ang aking sarili. Ni hindi man lang ako nagpakipot. "K-Kapag girlfriend mo ako, mag-se-s*x din ba tayo?" alanganing tanong ko rito. "If you want so," sabay kindat niya sa akin. Ate ko, patawad ulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD