Kanina lang ay pinagtabuyan ako ni papa ngunit inawat siya ni mama. Andito kami ngayon sa lamay ni ate ngayong araw din ang libing ng kabaong ni ate. Iniintay nalang dumating ang mga kukuha ng mga gamit dito at ang sasakyan na gagamitin papuntang sementeryo. Tahimik na nakaupo ngayon si papa sa tabi ng kabaong ni ate. Tulala at tila malalim ang iniisip. Hanggang ngayon hindi parin tanggap ni papa ang mga nangyari. Wednesday the date today. Gaya ng sabi ko nag excuse muna kami sa mga teacher namin na hindi kami makakapasok ngayong araw. Kaninang umaga pa kami nang makarating sa bahay. Mag tatanghali na nang sawakas ay dumating na ang mga mag aayos at mag lilinis sa lamay. “Lumayas kayo!” sigaw ng ama, at pagtataboy nito sa mga lalaking mag bubuhat ng kabaong ng kapatid. “Kelio, tumigi

