"Ivan umuwi kana. Sumama kana samin." Nakayakap kong sabi sakanya. "Mahal, alam mo kung bakit ko ito ginagawa. Nahihirapan tayo, Oo. Pero kung di natin 'to haharapin pano natin malalaman na kaya natin? Pano nila malalaman na matatag tayo?" Bulong niya sakin habang nakayakap din. Tumayo ako sa pag kakahiga namin at tumingin sakanya na napatingin din sakin. "Ayoko na kasi ng ganito, ayoko ng long distance kasi tuwing may makikita akong sweet o kaya mga nag mamahalan na dumadaan...lagi kitang naiisip—at mas lalo kitang namimiss." Sagot ko sakanya. Tumayo din siya at niyakap ako mula sa likod. "Nahihirapan na ko. Halos mag pakamatay na ko gabi gabi kakaiyak dahil sa sobrang miss sayo—nag aalala ako kung kumain kana ba? O kaya baka naman nag kasakit kana o napahamak kana! O....o..." Di ko n

