ZARINA POINT OF VIEW "May ganito pa lang lugar? Grabe, busog na busog ako! Hahaha! Nakakatuwa! Grabe, ang galing mo rin sa mga ganito, ah!" natatawang sabi niya at binola pa ko. "Ang dami kong nakain." Nakaupo kami ngayon sa isang bench dahil sa sobrang busog. Paano ay nagpabalik-balik kami sa iba't ibang free taste kaya naman nakarami kami ng kain at wala pa kong nagastos. "Ang lakas mo talagang kumain," natutuwang sabi ko rin sa kanya. "Natatawa ko 'yung iba parang nakikilala na tayo! Tapos 'yung iba nakataas na kilay sa atin! Hahaha!" sigaw niya ulit habang tuwang-tuwa sa ginawa namin. "Tuwang-tuwa?" natatawa kong tanong sa pagmumukha niya. "Hayaan mo na ko at ngayon ko lang na-experience 'yon." "Kung gano'n, masaya kong ako ang nakasama mo," proud kong sabi. "So, saan tayo ngay

