#ThatGuyBook2 FallInLoveWithMe EPISODE 59 “ANO? NANDYAN NA SI CHAIRMAN???” umagang-umaga kung makasigaw itong si Timothy. Kakapasok ko pa lang ng opisina e basag na ang eardrums ko sa lakas ng sigaw nito. E ano naman kung nandyan na iyong Chairman? Teka… chairman? Ibig sabihin…nandyan na ang pinakamataas na tao dito sa kumpanya? Napatango naman si David, iyong isa sa mga staff dito sa kumpanya. “Kahapon pa ho siya dumating Sir… Hinanap nga raw ho kayo sabi ni Fidel kaya nalaman ni Chairman na pumunta kayo ng Cebu kasama iyong secretary ninyo para i-check ang branch natin doon.” Sabi ni David. Iyong Fidel, sa pagkakaalam ko, secretary iyon ni Chairman at feeling boss rin nung mga panahong wala si Chairman. Paano ko nasabing feeling boss? Kung makalakad kasi, akala mo sa k

