#ThatGuy EPISODE 13 Hay! Kainis! Natuluyan na ako… Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Nanakit ng todo ang aking ulo at pakiramdam ko, ang init at lamig ng pakiramdam ko. Oo, natuluyan na akong magkaroon ng sakit. Tama nga ang sinabi ni Timothy. Paano naman kasi, hindi ko kaagad ininuman ng gamot ito kahit na may binigay siyang gamot sa akin kaya ito, nagtuloy sa lagnat ang kahapon ay sakit lamang ng ulo. Mas binalot ko ang aking sarili sa comforter. Nilalamig talaga ako kahit na hindi na nakabukas ang aircon o kahit electric fan man lang rito sa aking kwarto. Napatingin ako sa may pintuan ng marinig ko ang lagutok ng pagbukas nun… Nakita kong iniluwa nun si Mama na may dalang tray at nasa ibabaw nun ang isang mangkok ng kung anong pagkain at isang baso ng tubi

