#ThatGuyBook3Almost EPISODE 99 “T-Teka… Saan ba tayo pupunta? Gabi na o…” sabi ni Calvin kay Timothy na hila-hila siya ngayon habang naglalakad na sila sa parking lot ng company building. “Basta... May ipapakita lang ako sayo.” Sabi ni Timothy habang patuloy pa ring naglalakad at hila si Calvin. Sa kabilang kamay naman nito, bitbit si Kitkat na meow ng meow. Kakikitaan na ng inis sa ekspresyon ng mukha si Calvin. “O sakay na bilis…” sabi ni Timothy ng makarating na sila sa kotse nito. Kaagad na binuksan ang pintuan ng passenger seat ng kotse. “Saan kasi muna tayo pupunta?” tanong ni Calvin na ngayon ay nakatayo lamang muna sa tapat ng pintuan at hindi pa sumasakay. “Basta nga…” sabi ni Timothy sabay kamot sa ulo. “Sumakay ka na… Mamaya malalaman mo ang

