#ThatGuyBook3Almost EPISODE 85 “Calvin…” pagtawag ni Timothy kay Calvin na napansin niyang tulalang nakatayo sa tapat ng malaking bintana ng kanilang opisina. “Are you ok?” tanong pa nito. Bumalik naman sa sarili si Calvin at napatingin sa kasintahan. Tipid itong napangiti. “A… Ok lang ako.” Sabi nito. Napatango naman si Timothy. Niyakap nito si Calvin mula sa likod. “Napapansin ko nitong mga nakaraang araw na masyado kang tahimik… May problema ba?” tanong nito. Napailing si Calvin. “Wala.” Sabi niya. Lihim na napabuntong-hininga. Muling napatango si Timothy. Pinipilit niyang maniwala sa sagot ni Calvin kahit na ang totoo… Hindi siya naniniwala. Ayaw na lamang muna niya itong pilitin na magsalita na muna sa kanya. Naramdaman na lamang ni Cal

