#ThatGuyBook2FallInLoveWithMe EPISODE 79 “Ito ang sayo… at ito naman ang sayo…” sabi ni Sophia sabay abot sa amin ng mga paper bags na naglalaman ng mga pasalubong niya para sa amin ni Timothy. Nasa loob kaming tatlo ng opisina. Sa pagkakaalam ko, kahapon pa dumating ang bagong kasal este… ang magsyota dito sa Pilipinas pero ngayon lang nagpakita sa amin itong si Sophia, marahil ay dahil sa nagpahinga muna ito pagkatapos ng mahaba-habang biyahe nila galing Barcelona. Si Chairman nga, hindi pa rin pumasok ngayon, baka may jet lag pa siguro. “Ayan a… Sapat na siguro ‘yang mga pasalubong na ‘yan para sa inyo.” sabi ni Sophia at naupo ito sa isang upuan na nasa loob rin ng office namin. “Salamat Sophia.” Sabi ni Timothy na isa-isang tinitingnan ang nasa loob ng paper b

