#ThatGuyBook2FallInLoveWithMe EPISODE 69 “Uy! Galit ka pa rin ba sa akin hanggang ngayon?” tanong sa akin ni Timothy. Nakatayo ito sa harapan ko. Nakaupo kasi ako ngayon sa sofa. Nasa loob kami ngayon ng condo unit niya at kakatapos lang muli ng maghapong trabaho. Hindi ko siya pinansin. Nanatiling nakatingin lamang ako sa diyaryong hawak at binabasa ko kunwari. Nakakainis kasi siya. Pucha! “Uy!” sabi nito sabay kalabit sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nanatiling hindi ko siya kinausap. “Hindi ko naman kasi alam na may fear of heights ka e kaya…” “E di dapat hindi mo na lang ako pinilit na sumakay roon…” sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Halata naman kasi sa akin na ayaw na ayaw kong sumakay roon pero pinilit niya pa rin ako. Narinig kong nap

