#ThatGuyBook2FallInLoveWithMe EPISODE 65 “Gusto kita… ay, mali pala… Mahal kita… Mahal na mahal kita… dati pa.” “Gusto kita… ay, mali pala… Mahal kita… Mahal na mahal kita… dati pa.” “Gusto kita… ay, mali pala… Mahal kita… Mahal na mahal kita… dati pa.” “Gusto kita… ay, mali pala… Mahal kita… Mahal na mahal kita… dati pa.” “Gusto kita… ay, mali pala… Mahal kita… Mahal na mahal kita… dati pa.” Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga narinig kong salita mula sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon. Halo-halo e, gulat, kaba, pagkalito, saya… ewan ko. Hindi talaga ako makapaniwala na nasabi niya ngayon ang mga salitang ‘yan pagkatapos ng mga nangyari noon sa pagitan naming dalawa. Mga salitang noon pa’y gusto ko nang marinig mula sa kanya. “A

