Lae “Putang ina, ang lungkot.” Nakapangalumbaba kong sabi habang nakaupo kami sa maliit na hardin ng boarding house namin. Narinig ko ang hagikhik ni Joshua. Sa gitna namin ay isang pitsel ng tubig na may ice at isang bote ng alak. Hindi ako agad umuwi rito dahil alam kong susundan ako ni Chris kaya una kong naisip makipagkita sa kaibigan. Buti na lang, libre siya ngayong gabi. “Ano’ng sabi mo?” Namamangha niyang tanong. Sa namumungay kong mga mata, nilingon ko siyang nakangisi. “Sabi ko, ang lungkot.” Ulit ko. “Hindi! ‘Yong isa!” Ngumiwi ako. Iyon lang naman ‘yong sinabi ko ah? “Putang ina?” Iyon ba ‘yon? Humagalpak siya sa tawa habang pumapalakpak pa. Nangunot ang noo ko, inisip kung ano bang nakakatawa sa pagmumura ko. “Huwag ka ng nagmumura, Lae. Hindi mo bagay! Ang

