Lae Ramdam ko ang lakas ng tensyon sa pagitan namin kahit tahimik lang kaming nakaupo sa loob ng sasakyan niya. Nandito kami ngayon sa parke ng munisipalidad, kung saan kaharap nito ay ang simbahan at katabi naman nito ay ang dating eskwelahan namin noong high school pa kami. These places hold so much memories between us. Ang dating parke kung saan madalas pumwesto ang mga tricycle drivers tuwing uwian namin. Dito kami unang nag-usap. I approached him first. Suplado pa nga siya sa akin noon. Ayaw pa akong kausapin. At inis na inis ako sa sarili ko kaya naging hamon sa akin na makuha ang atensyon niya. Sa simbahan, kung saan naglinis kami dahil sa kauna-unahang community service namin bilang punishment nang minsang nag-cutting class kaming dalawa. At sa eskwelahan, partikular sa bota

